HERMES “SIR!” Tawag sa akin ng aking sekretarya. Napakunot noo ako dahil tila parang takot na takot. “Panoorin niyo po ito!” Binigay niya sa akin ang cellphone nito. Kunot na kunot ang noo kong kinuha ang cellphone nito. Nanlaki ang mata ko nang makita si Felicity, hawak ito ng lalaking may hawak na patalim na nakatutok sa leeg ni Felicity. Bigla akong napatayo habang hindi inaalis ang tingin ko sa screen ng cellphone. “Saan ito?” Tanong ko sa sekretarya ko. Nakaramdam ako ng takot dahil tila baliw ang lalaki at hindi nakikinig sa pakiusap nang nakapaligid sa kanya. Si Felicity naman ay panay ang iyak. Nag-igting ang panga ko. “Ayon po sa reporter sa palengke po ng Libertad.” Agad kong binalik sa sekretarya ko ang cellphone nito at nagmadaling lumabas ng opisina ko. “Sir Hermes,