HERMES GUSTO kong pumunta sa bahay ni Felicity ngunit hindi ko magawa dahil marami akong trabaho at lumabas pa ako sa ibang bansa para makipagkita sa investor. It’s been one month na hindi ko napupuntahan si Felicity. Although meron naka-monitor sa kanila at nagre-report naman sa akin araw-araw. Hindi ko alam pero parang ayaw kaming magkita ng tadhana. Gayon pa man umaasa akong magkikita kaming dalawa. I admit, I miss her. Habang abala sa trabaho ay hindi ko inaasahang dadalaw sa akin si Daddy matapos ang sagutan namin last time ay hindi na ito nagpupunta rito. Masama ang loob ko sa kanya dahil sa pagbabanta niya kay Felicity. Kahit ama ko siya hindi ako papayag na saktan niya si Felicity. Napatitig ako kay Daddy, nag-iisa siya. “Ano’ng kailangan niyo?” Tanong ko na tila wala ng galan