FELICITY PAGMULAT ko nang mata ay nakita ko agad ang pinsan kong si Thelma. Babangon sana ako nang maramdaman ang sakit sa bandang leeg ko. Bigla kong naalala ang nangyari. “Nasaan si Hermes?” Tanong ko agad sa pinsan ko. Napatingin siya sa akin, busy ito sa cellphone nito. Seryoso kasi itong nagtitipa sa cellphone na mukhang may ka-text. “Wala siya rito at hindi siya nagpunta. Nang dinala ka sa ospital hindi naman sumama at umalis na lang. See, hindi ka mahalaga sa lalaking iyon. Kaya kung ako sa iyo ngayon palang kalimutan mo na si Hermes. Hindi ka mahalaga sa kanya.” Mahabang sabi ng pinsan ko. Nalungkot ako sa sinabi niya. Ang buong akala ko ay siya ang kasama ko. Ang huli kong natatandaan ay lumapit siya sa akin at binuhat ako. Nang mawalan ako ng malay tao ay siya ang huling nakit