EPISODE 29

1426 Words
HERMES SINAMAAN ako ng tingin ni Mr. Ganado. “Huwag mong dalhin dito sa opisina ko ang kalandian mo, Hermes. At hindi available ang Sekretarya ko para ligawan mo.” Inis na sabi nito. Napairap ako sa kanya. “So? Boss ka lang ni Ms. Felicity at hindi boyfriend para pagbawalan mong may manligaw sa kanya.” Seryoso kong saad. Hindi nakapagsalita si Mr. Ganado sa sinabi ko. Napangisi ako. Nagtitigan kaming dalawa. Parehong salubong ang mga kilay namin. Walang gustong magbawi ng tingin. Tila nag-aaway na kami sa tingin. “Sir Ganado, mag-start na po akong mag-work” Pagbasag ng katahimikan ni Felicity. Napatingin ako sa kamay ni Mr. Ganado na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitiwan ang kamay ni Felicity. Napataas ang kilay ko. Napansin yata ni Mr. Ganado ang pagtitig ko sa kamay nitong nakahawak sa braso ng babae. Ito naman ang napangisi. “Stay here for a while Ms. Felicity. Huwag kang aalis sa tabi ko para hindi na kita ipatawag kung may kailangan ako.” Anito kay Felicity na may lambing sa tono ng boses niya. Sa akin nakatuon ang tingin nito. Nagtagis ang bagang ko sa inis. Kung hindi ko lang kailangan ang gagong ito sa company ko hindi ako mananatili ng matagal dito. Napatikhim ako. “Nandito ako para ibigay lang itong karagdagang papeles na mahalaga sa proyekto natin.” Seryoso kong saad. Napasulyap ako kay Felicity na nakatingin ngayon sa akin. Kinindatan ko ito. Mukhang nagulat pa nga ito sa ginawa ko. Napabaling ang tingin nito sa iba. Napakagat labi ako upang supilin ang ngiti sa aking labi. “Ibibigay mo ba sa akin ang karagdagang proposal o tatayo ka lang diyan para titigan ang Sekretarya ko?” ani Mr. Ganado na may inis sa tono ng boses nito. I chuckled. Ibinigay ko sa kanya ang folder na naglalaman ng proposal na ginawa ko. “Pwede mong basahin ngayon para ma-check na okay lang sa iyo ang nakalagay diyan. I am willing to wait.” “No need. Napag-usapan naman na natin ang mga importante para sa project. Kung may karagdagan naman, I can contact you anytime kung okay na.” “Okay,” sabi ko. Inilahad ko bigla ang kamay ko sa harapan ni Ms. Felicity. Nagulat na naman ito at napatitig sa kamay kong nakalahad sa harapan niya. “Ikinagagalak kitang makilala, Ms. Felicity?” Napatingin si Felicity kay gagong Ganado at ibinalik ang tingin sa kamay ko. Pansin ko ang panginginig ng mga kamay nitong nakipagkamay sa akin. Bahagya kong pinisil ang kanyang palad. Napatitig siya sa akin. “Hindi mo na kailangang malaman ang buo niyang pangalan. Alam mo naman na ang pangalan niya. Okay na iyon. Makakaalis ka na. Marami pa kaming gagawin ng Sekretarya ko.” Inis na sabi ni Mr. Ganado at saka hinila ito. Nabitiwan ko ang kamay niya. Hindi ko maiwasang mainis sa inasta ni Mr. Ganado. Napakayabang talaga ng lalaking ito. Akala mo may monthly period kung magsungit. Hinila na ni Mr. Ganado papasok sa opisina nito si Felicity. Ako naman ay naiwang nakatayo habang tanaw silang papasok ng office nito. FELICITY HINDI ko maiwasang mahiya sa inasta ko kanina. Nahihiya rin ako sa Boss ko. Uminit kasi ang ulo nito nang makapasok kami ng opisina. Kita ko ang pagsalubong ng kilay nito. At saka isa pa hindi na ito nagsalita at seryosong nakatutok lang sa screen ng laptop nito. Mabuti na lang hindi sinabi ni Sir Ganado ang last name ko. Sa ngayon hindi pa akong handang magpakilala kay Hermes. Ako naman ay naupo sa upuan upang gawin ang papeles na aayusin ko. Nagtataka nga ako dahil dito ako sa loob ng opisina ni Sir Ganado at hindi sa labas. May harang lang na glass bago makapasok sa mismong table nito. Pwede naman akong sa labas. Kagaya na lang sa opisina ni Hermes. Magkaiba naman kasi ang dalawang lalaki dahil si Hermes may babaeng dinadala sa opisina para makipaglandian lang. Itong si Mr. Ganado purely work lang at hindi hinahaluan ng kalandian. Although may babaeng nagpupunta rito na mukhang nagpapaganda sa Boss ko ngunit walang interes ito sa kanila. Hanga ako sa dedikasyon nito sa trabaho. Hindi niya hinahaluan ng kung ano. Kita ko sa kanya ang sipag at pagmamahal sa kanyang kompanya at mga tauhan. “Sir, gusto niyo po ba ng kape? Ipagtitimpla ko po kayo,” sabi ko. Napaangat ito ng tingin at nag-iba ang mukha nito. Mula sa nakasalubong na mga kilay ay naging kalmado. Ngumiti ito. “Make me a coffee. Thank you.” Anito. Napangiti rin ako. Lumabas ako ng office ng Boss ko upang pumunta sa pantry. Pagkapasok ko sa panrty nagulat ako nang makita ko roon si Hermes. Nagkakape siya. Nang mapansin niya ang presensya ko tumayo ito nang nakangiti. “Gusto mo bang timplahan kita ng kape?” Alok nito. Napangiti ako ng alanganin. Akala ko umalis na ang lalaking ito. Ano pa ang ginagawa niya rito? Hindi ba naibigay na nito ang karagdagang proposal? Tumikhim ako. “No thanks. Titimplahan ko ng kape ang Boss ko,” sabi ko at saka siya nilagpasan. Sa nanginginig na mga kamay ay kinuha ko ang tasa ng Boss ko sa cabinet. Kinuha ko ang thermos at nilagyan ng mainit na tubig ang baso. Kahit may coffee maker naman hindi ito ang ginagamit ko sa tuwing tinitimpalahan ko ng kape ang Boss ko. Mas gusto kasi nito ang timpla ko. Masarap daw kasi ang timpla ko. Ramdam ko ang presensya ni Hermes sa likuran ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Gusto ko ng umalis upang hindi ko na siya makausap. “Are you okay, Ms. Felicity?” Tanong niya sa akin. “Y-Yeah, I am okay.” Nauutal na sagot ko. Binilisan ko na lang ang paglalagay ng kape. Halos magkandatapon ang kape at asukal dahil sa panginginig ng mga kamay ko. “I will help you there. Mukhang pasmado ang kamay mo, Miss Felicity,” sabi nito. Sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko pansin ko ang diin sa pagbikas nito. Nanigas ang katawan ko nang hawakan niya ang kamay ko at kinuha ang kutsarang hawak ko. Naramdaman ko ang paglapat ng dibdib nito sa likod ko. Napalulunok ako habang hindi ko maigalaw ang leeg ko. Tanging mata ko lang ang gumagalaw. “K-Kaya ko na ito, Sir Hermes. You do not need to help me. Pagtimpla lang naman ng kape ito at hindi naman ako magluluto ng ulam.” Natawa si Hermes. Tumama ang mainit nitong hininga sa likod ng tainga ko. Mas lalong nagwala ang sistema ko. “Masarap akong magtimpla ng kape. Magaling kasi ang nagturo sa akin noon.” Natigilan ako sa sinabi niya. Ako ba ang pinatutukuyan niya o ibang babae? “Sa mga lalaki ang gusto nila matapang. You need one tablespoon of coffee and a little bit sugar. Gusto ba ng Boss mo ang black coffee? Ako kasi gusto ko ng konting tamis para masarap. . .” anito na may landi sa boses nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napakalandi talaga ng lalaking ito. Alam niya kung paano mag-seduce ng babae. Binitbit ko na ang tasa. "Aalis na ako Sir Hermes. Puwede bang umalis ka riyan sa likod ko.” Pagtataboy ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Napatirik ako ng mga mata. Ano ang nakakatawa roon? Sarap niyang buhusan ng mainit na kape. “Hindi mo pa nga tinitikman ang tinimplang kape. Okay na ba iyan? Baka hindi magustuhan ni Mr. Ganado.” Ibinaba ko muna ang tasa ng kape bago humarap kay Hermes. Malaking pagkakamali ang ginawa ko dahil hindi pa pala ito umaalis sa likod ko. Isang dangkal ang pagitan namin. Mas lalong inilapit ni Hermes ang mukha nito sa mukha ko na halos maduling ako. Napahawak ako sa counter top. “Your smell is familiar, as is your voice.” Anito. Kinabahan ako. Bakit ba hindi ko mapalitan ang pabango na lagi kong ginagamit. Sana pala nagpalit na ako. Sh*t! “B-Bakit mo naman nasabi iyan?” nauutal na sabi ko. Bahagya ang pagngiti nito at titig sa akin. “Naalala ko ang babaeng mahalaga sa akin. She really loves that kind of perfume." Napalunok ako. Sa sinabi niyang iyon nasiyahan ang puso ko dahil mahalaga rin pala ako sa kanya sa kabila ng paglayo ko. Sasabihin ko na ba sa kanya na ako ito? Siguro ito na ang oras. Ngayon na alam kong hindi pala siya galit sa akin. Ibubuka ko sana ang labi ko nang makita ko siyang mapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD