EPISODE 28

1099 Words
FELICITY “UM. . . S-Sir Hermes.” Muntik na akong mabuko. Diyos ko! Ayokong makilala niya ako. Mananatiling lihim ang katauhan ko although tunay kong pangalan ang ginamit ko. Kailangang hindi niya malaman ang apelyido ko. Napangiti siya at tila iniisip kung anong sasabihin. “Gusto niyo bang i-order ko kayo ng kape?” Tanong ko. Mukhang walang balak um-order ang lalaking ito. Gusto kong mapairap ngunit hindi ko magawa. “Hindi ba nakahihiya sa iyo?” anito at saka ngumiti. Oo nakahihiya kaya. Sa isip niya. Pinaskil ko ang pekeng ngiti sa aking labi. “Punta na po ako roon oorder na ako ng kape niyo,” sabi ko at saka tumalikod. Hindi ko na nga siya hinintay pang magsalita. Kilala ko na ang karakas ng lalaking iyon. Gusto niya iyong pinagsisilbihan siya kaysa ako ang pinagsisilbihan niya. Hindi pa rin nagbabago ang lalaking ito. Bumalik uli ako sa inupuan ko kanina. Prente namang nakaupo na si Hermes. “Hintayin na lang po natin ang in-order kong coffee,” sabi ko at saka ngumiti. Hinigop ko ang kape ko. Hindi ko mapigilang mapaningigan ng kamay dahil nasa harapan ko lang si Hermes, titig na titig sa akin. Tila kinikilala niya ako. Tumikhim ako. “ May problema po ba Sir Hermes?” Tanong ko. May diin pa nga ang pagkakasabi ko sa pangalan niya. Umiling ito at napangingiti ng alanganin. “Felicity!” Tawag nang nasa counter. Tatayo na sana ako nang tumayo si Hermes. “I’ll go get the coffee.” Boluntaryo nito at ngumiti pa siya sa akin. Nang makatalikod ito hindi ko maiwasang mapangiti. Mukhang may pagbabago na ang lalaking ito. Well, kaunti lang. Bumalik ito sa inuupuan nito nang makuha ang kape. “How did you know what flavor I want in my coffee?” pagtatakang tanong nito na ikinabigla ko. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil hindi ko napag-isipan ang ginawa ko. Bakit nga ba hindi ko itinanong sa kanya? Kailangan kong makaisip ng sagot na hindi naman obvious na mahahalatang ako nga ito. “Well, hula ko lang. Karamihan kasi ng lalaking nakikita ko ganyan yung in-o-order nila. At saka yung boss ko, ganyan din ang flavor na palagi niyang pinabibili sa akin. Kaya in-assume ko na ganyan nga ang gusto mo.” Pagrarason ko. Diyos ko sana maniwala ang lalaking ito! Nakita ko ang marahan nitong pagtango at saka hinigop ang kape nito. Nabunutan ako ng tinik nang hindi na ito nag-usisa pa. Napatingin ako sa relo ko. It’s time to go to work. Tumayo na ako. “Mauuna na ako sa iyo, Sir Hermes.” Paalam ko sa kanya. Napatayo ito. “Sabay na tayo. Actually, doon talaga ang punta ko sa office ni Mr. Ganado. Nakita lang naman kita kaya pinuntahan kita.” Hindi na ako nagkomento sa sinabi niya. Baka humaba pa ang usapan namin. Ayokong mag-usap kami ng matagal at baka humina ang pader na ginawa ko sa pagitan naming dalawa. Kapag ganitong titig na titig siya nanghihina ako. Pakiramdam ko bibigay na lang ako at baka masabi ko pang ako si Felicity ang long lost best friend niya. Nang marating namin ang elevator, marami nang nag-aabang. Tahimik lang akong nasa tabi ni Hermes. He’s towering over me and the people behind us. Napapasulyap ang mga babae kay Hermes. Sa peripheral vision ko hindi niya sinusulyapan ang mga babae bagkus sa akin nakatingin si Hermes! Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Gusto ko na lang buksan ang pinto ng elevator at pumasok doon, para makaalis na kami. Bumukas ang pinto. Pumasok na kami sa loob. Napaatras kami ni Hermes nang magsipasukan ang iba pang dumating. Napaharap ako kay Hermes. Halos mayakap ko na siya. Pinanatili ko lang sa magkabilang tagiliran ko ang kamay ko. Iniiwasan kong hawakan siya at baka nga bumigay na ako. Marupok pa naman ako pagdating kay Hermes. Inaamin ko naman iyon. Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ang kamay ni Hermes sa baywang ko. Napatingin ako sa kanya. Napangiti ito sa akin. Napalunok ako nang may iba pa akong naramdaman sa bandang tiyan ko. Matigas. . . Bumubukol! Parang alam ko kung ano iyon. Malib*g pa rin itong si Hermes. Bahagya ko siyang itinulak. He chuckled. Inirapan ko siya. Nakahinga ako ng maluwag nang marating namin ang floor ng boss ko. Nagmamadali akong naglalakad. “Bakit ka nagmamadali sa paglalakad? Wala naman sa iyong humahabol,” sabi ni Hermes. Napahinto ako sa paglalakad. “Male-late na ako sa trabaho, Sir Hermes,” sabi ko at saka naglakad muli. “Maaga pa, Ms. Felicity para magmadali ka.” Napatirik ako ng mga mata sa sinabi ni Hermes. Eh, ano naman kung maaga pa? Gusto kong sabihing iniiwasan ko siya kaya ako nagmamadali. Hindi na lang ako nagkomento. Napahiyaw ako nang higitin niya ang braso ko. Napaharap ako sa kanya. Ngiting-ngiti ang walanghiya! Ano bang kailangan ng lalaking ito?! Bakit ba ganito ang ginagawa niya sa akin? “You look stunning, Ms. Felicity, kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit?” Anito. Napalunok ako. “A-Ano ba, Sir Hermes! Bitawan mo ang kamay ko,” sabi ko at saka iwinaksi ang kamay nitong nakahawak sa braso ko. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya roon. “Why I see her in you?” he said and laugh. “Am I dreaming or crazy?” Dagdag pa nito. “A-Ano bang pinagsasabi mo, Sir Hermes?” nauutal na tanong ko. Ito na naman ang titig niyang nakakatunaw. Kumunot at hindi ang noo niya habang nakatitig sa akin. “Hindi ko maiwasang maikumpara siya sa iyo. Nakikita ko siya sa iyo. Although magkaiba kayong tao.” “Kung sino man iyang taong tinutukoy niyo hindi po ako siya. I assure you that.” Pagkumbinsi ko sa kanya. Umiling ito. Nagtaasan ang buhok ko sa batok nang haplusin niya ang pisngi ko. Nanginig pati ang mga kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Mas lalong dumoble ang t***k ng puso ko nang haplusin niya ang labi ko. Bumaba ang ulo nito at hahalikan niya ako sa labi. Kusang pumikit ang mga mata ko. Biglang may malakas na tumikhim. Nagmulat ako ng mga mata at pareho kaming napalingon ni Hermes. Nakasimangot na Mr. Ganado ang nakatayo sa aming harapan. “That’s my Secretary, Mr. Del Prado.” Hinila ako ng boss ko palayo kay Hermes. Diyos ko nakahihiya sa boss ko. Baka isipin niyang magpapahalik ako kay Hermes! Muntik na akong malunod sa tukso. Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Wala na akong maihaharap na mukha sa Boss ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD