FELICITY NAGMULAT ako ng mata nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto. Napakamot ako sa ulo dahil sa inis. Himbing na himbing na nga ang tulog ko tapos may iistorbo pa?! Tumayo ako para puntahan ang taong istorbo sa mahimbing kong tulog. Hindi ko na inisip na nakamainipis na pantulog lang ako at walang suot na bra. Pagkabukas ng pinto tumambad si Hermes, magulo ang buhok at mukhang problemado sa buhay. Nakaupo ito sa gilid ng pintuan at nakasandal sa pader. Mukhang lasing na lasing. Pumamaywang ako. “Anong ginagawa mo rito? Tingnan mo nga ang sarili mo, Hermes, mukha kang pulubi. Aba, mas maporma pa sa iyo ang pulubing nakita ko kanina.” Biro ko. Kahit naiinis nakuha ko pang magbiro sa kanya. Napangiti lang naman siya sa sinabi ko. “Fel, can I sleep here?” Tanong nito