FELICITY PININDOT ko agad ang button ng elevator pababa. Nang bumukas iyon ay agad akong pumasok sa loob. Pinindot ko agad ang close button ng elevator. Tila may humahabol sa aking kalaban kung makapindot ako ay parang sisirain ko ang button. Kabang-kaba ang nararamdaman ko dahil sa ginawa ni Hermes. Napahawak ako sa aking labi. Parang nakapagkit ang labi nito sa labi ko. Diyos ko! Hinalikan niya ako! Bakit kaya niya ginawa iyon? Malaking palaisipan sa akin. Isa na naman kayang patibong iyon upang masilo na naman niya ako? Ginagamit lang ba niya ang karisma upang manatili ako sa kompanya? Ako lang naman ang may malaking ambag para mapatakbo nang maayos ang kompanya nito. Ang lalaking iyon ay busy palagi sa mga babae nito at hindi sa kompanya. Napapikit ako ng mata habang nakasandal sa p