FELICITY HINDI ako pumasok sa opisina ni Hermes nang magtanghali dahil sa sama ng loob. Nagpasya akong sa labas kumain ng tanghalian. Panay ang tawag ni Hermes sa cellphone ko, ngunit hindi ko sinasagot. Walanghiyang iyon! Matapos niya akong saktan, ngayon tatawag-tawag sa akin? Manigas siya! Nang matapos akong kumain bumalik ako sa opisina. Malayo palang kita ko na si Hermes na nakaupo sa swivel chair ko. Napakaseryoso ng mukha at tila gustong bumuga ng apoy. “Saan ka nagpunta? I keep calling your cellphone, pero hindi mo sinasagot. Ano’ng problema, Felicity? Dahil ba sa nangyari sa atin kagabi? Okay, I am sorry kung nadala ako sa kalasingan. Hindi ko sinasadyang ga. . .” Hindi nito naituloy ang sasabihin nang magsalita ako. “Kumain ako sa labas kasama ng kaibigan ko. At sa pa