EPISODE 12

1619 Words
FELICITY TANGHALI na akong nagising dahil naglasing ako kagabi. Masakit ang ulo ko pati ang buo kong katawan. Muntik akong mahulog sa kama nang bigla akong bumangon. Buti na lang nakahawak ako sa table na nasa tabi lang ng kama ko. “Ayoko ng uminom! Ang sakit ng ulo ko!” Daing ko at saka hinilot ang nananakit na sintido ko. “Bakit ka ba naglasing? ‘Yan tuloy may hangover ka.” Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa bandang gilid ko. Napalingon ako. It’s Hermes. Hindi ko sinagot ang kanyang tanong. May dala itong tray na may tubig at bowl na umuusok pa. I’m not sure kung ano ‘yon. Sinandal ko na lang ang likod ko sa headboard at saka ipinikit ang mga mata. Narinig ko ang paglapag sa side table ko at lumundo ang kama ko. Nagmulat ako ng mga mata. Nasalubong ko ang mga matang seryosong nakatingin sa akin. “Nagkayayaan lang kami ni Guadalupe na mag-inom, birthday niya kasi. Hindi kasi naghanda kaya nag-suggest akong dito na lang sa bahay i-celebrate kahit dalawa lang kami.” Pagsisinungaling ko. “Nasaan ang kaibigan mo?” Tanong niya na parang sinisiguradong totoo ang sinabi ko. “Siyempre umuwi na kanina,” sabi ko. Bigla ay naalala ko ang napanood ko sa TV. “Totoo ba na ikakasal na kayo ni Anica sa susunod na taon?” Bigla ay naitanong ko. Gusto kong magmula mismo sa bibig niya ang totoo. Dito naka-base ang magiging desisyon ko kung mananatili ba ako sa tabi ni Hermes o lalayo na lang ako. Hindi nagsalita si Hermes, tanging titig ang ginawa niya sa akin. Nagbuntoing-hininga ito bago nagsalita. “Kung sakaling sabihin ko sa iyo ang totoo hindi ka magagalit?” Sa sinabi niyang ‘yon dumagundong ang t***k ng puso ko. Kabadong-kabado ako. Parang alam ko na kung ano’ng sagot niya. “Wala naman akong magagawa kung ikakasal ka na and beside engaged na kayong dalawa. Natural ise-set niyo na ang araw ng kasal niyo.” Labas sa ilong ang sinabi ko. Masakit sa aking malamang mag-aasawa na siya at ako maiiwang luhaan. Well, palagi naman akong luhaan sa kanya. Palaging nasasaktan kahit hindi man niya alam. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Hermes. “Yes, it’s true next year na nga ang kasal namin. Naka-set na iyon nang mag-propose ako ng kasal sa kanya. Wala ng urungan dahil napag-usapan na ng bawat pamilya namin. But for now kailangan ko munang i-enjoy ang pagiging binata ko. Alam naman ni Anica ang ginagawa kong pambababae. Sinabi ko naman sa kanya na siya naman ang pakakasalan ko. At kapag mag-asawa na kami isang new Hermes na ang makikita niya.” Napangiti pa siya na parang masayang-masaya sa sinabi niya. Samantalang ako parang gusto kong maglupasay ng iyak at magmakaawa kay Hermes na kami na lang. Pero hindi ko gagawin iyon. Ayokong ibaba ang sarili ko kung nasa ibaba na ng lupa ang dignidad ko bilang babae. “Aba dapat lang na magbago ka na pagkatapos ng kasal ninyo. Hindi naman sigurong tama na may asawa ka na tapos may iba ka pang babae,” bigla iyon ang nasabi ko. Inakbayan niya ako. “Of course not! Siyempre magiging good husband ako kay Anica. Beside she’s kind, beautiful and very sweet woman. Hindi malayong maging matino ako sa piling niya.” Nagkapira-piraso ang puso ko sa sinabi niyang magagandang assets ni Anica. Well, totoo naman kasi na nasa kanya na lahat. Napangiti ako sa kanya ngunit sa likod niyon nagdurugo ang puso ko. Sa huli naming pag-uusap naging matamlay na ako. Madalas wala akong ganang kumain at hindi na rin ako nakikipag-usap masyado kay Hermes. Pinagpapasalamat ko dahil naging busy na ito sa company at sa nalalapit na kasal nila ni Anica. “Hoy, kanina ka pa diyan nakatulala. ‘Yang kinakain mo konti na nga lang hindi mo pa inubos,” sabi ni Guadalupe. Lunch break pero busy ang utak ko sa pag-iisip kung ano nga ba’ng gagawin ko kapag kinasal na si Hermes? Paano na ako? “Masakit mabigo sa pag-ibig. Pakiramdam ko parang bibigay ang katawang lupa ko dahil sa sakit,” bigla kong sabi. Tinaas ni Guada ang kanyang malaking salamin bago nagtatakang tumingin sa akin. “Tungkol ba kay Hermes at Anica? Nagkakaganyan ka ba dahil sa nalalapit na kasal nila?” Tanong ni Guadalupe. I nodded. Ayokong magsinungaling sa kanya. “Mukhang tuloy na nga iyon. Alam mo masakit, sobrang sakit na parang pinapatay ang katawan ko ng paunti-unti. Walang saysay ang bawat araw ko. Para bang ito na ang huling pagkakataon na makasama ko siya.” Hindi ko napigilang umiyak. Napayakap ako kay Guadalupe. Hinaplos niya ang aking likod. “Kalimutan mo na siya, Felicity. Hindi pa naman magugunaw ang mundo. Ang gawin mo enjoy your life at maniwala kang may darating na lalaki para sa iyo. Don’t waste your time loving a man who doesn’t treat you right. A man doesn’t give you the love that you wanted. Instead, he was hurting you. Love yourself first, Felicity, he’s not the only man in the Philippines.” Mahabang paalala niya sa akin. Madali lang sabihin, pero mahirap naman gawin. “Mahirap sa akin, Guada, because you know why? I’m so in love with him kahit noong nasa college palang kami. Minahal ko na siya.” Pag-amin ko sa totoo kong nararamdaman. Hindi na kumibo si Guada. Hinaplos niya ang likod ko. HABANG nililigpit ang mga gamit hindi ko alam na nasa likuran ko na pala si Hermes. Hinapit niya ang beywang ko at ninakawan ako ng halik sa pisngi. Walang gana kong kinalas ang mga braso niya sa beywang ko. Pagtataka ang makikita kay Hermes habang nakatingin sa akin. “Are you okay? May sakit ka ba?” sinalat nito ang noo ko ngunit tinabig ko ang kamay ko. “Puwede ba, Hermes. Stop being so concern with me,” tumigil ako sa pagsasalita. Huminga muna ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Bakit ba sa tuwing ganito si Hermes nagiging mahina ako? Iniiwasan ko na nga, ngunit heto siya lapit nang lapit. Nakakainis! “What’s wrong?” Hinawakan niya ang kamay ko ngunit iwinaksi ko iyon. “Please, Hermes. Tigilan na natin ito, hindi na tama. Maging sensitive ka naman Hermes, napakamanhid mo.” Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Nagmadali akong naglakad ngunit pinigilan niya ako sa pag-alis. “Hindi ko maintindihan. Kanina okay pa tayo, pero ngayon bakit parang may nagawa akong mali sa iyo at ayaw mo akong kausapin? Please tell me what’s wrong with you?” Tanong nitong muli. Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap. “Nakokonsensya na ako sa ginagawa natin kay Anica. Ayoko na Hermes,” sabi ko. Bago pa makapagsalita si Hermes tumalikod na ako at nagmadaling umalis. Gusto kong makalayo sa kanya, malayong-malayo. Binuhos ko ang iyak sa loob ng elevator na pinipigilan ko kanina pa. Halos umalog ang balikat ko dahil sa matinding pag-iyak. Masakit mahalin ang katulad ni Hermes na napakamanhid at walang pakialam sa nararamdaman ko. TITIG na titig ang pinsan kong si Thelma. Mugtong-mugto ang mga mata ko nang dumating ako sa bahay niya. “’Yan na nga ba sinasabi ko, eh? Matagal na kitang pinaalalahanan, Feli na tigilan mo na ang kahibangan mo sa Hermes na iyan. Walang maidudulot sa iyo kundi sakit sa puso.” Panenermon nito sa akin. “Oo na, kasalanan ko na. Bakit mapipigilan ko ba ang puso ko na hindi umibig? Hindi ‘di ba?” Rason ko. Bigla akong binatukan ng pinsan ko. Napahawak na lang ako sa batok ko. I give her a death glare. “Ano ka ba alam mo naman na mali ang pumatol sa lalaking ikakasal na. Matalino kang naturingan, pero ilang beses ko ng sinabi na tanga ka sa pagmamahal sa lalaking ‘yan. Napakamanhid naman niya. Wala ba siyang pakiramdam?” napailing ang pinsan ko sa akin. “Kaya nga nagdesisyon na akong mag-resign sa trabaho at pupunta na lang ako kila Mommy sa US.” “Dapat noon mo pa ginawa ‘yan. Oh, ngayon plakdang-plakda ang puso mo dahil sa sobrang broken hearted.” Naparolyo ako ng mata sa tinuran ng pinsan. “Ito na nga ‘di ba lalayo na ako. Huwag mo ng ulit-uliting sabihin ang mga pagkakamaling nagawa ko. Alam ko naman kung saan ako lulugar.” Tumulo na naman ang mga luha ko. “Halika nga rito,” sabi ng pinsan ko. Yumakap ako sa kanya. Napahagulgol ako nang iyak. HERMES HALOS masipa ko ang swivel chair dahil sa inis. Tinatawagan ko si Felicity ngunit naka-off ang phone nito. Pinuntahan ko siya sa kaniyang tinutuluyan ngunit ayon sa may-ari ng apartment lumipat na raw ng uupahan si Felicity. Napasuklay ako sa buhok ko dahil sa frustration. Tumunog ang laptop ko nang may nag-message sa email ko. In-open ko ang inbox. Kumabog ang puso ko ng makita ko ang pangalan ni Felicity sa inbox. Agad ko itong binuksan ngunit nawala ang kasiyahan ko ng makita ko ang resignation letter niya. Kaagad akong nag-reply. Sinabi ko na hindi ko tinatanggap ang resignation niya. Sinabi ko rin sa message na kapag hindi siya bumalik ipapa-block list ko siya sa lahat ng company. Hinintay ko ang kanyang reply ngunit lumipas ang isang oras wala ni isang reply. Sa inis ko binalibag ko ang laptop ko, nawasak iyon ng tumama sa pader. Hinawi ko ang mga gamit ko na nasa lamesa. Galit na galit ako sa ginawa ni Felicity. Iniwan niya ako sa ere! Hindi ako papayag na basta na lang niya akong iiwan ng walang paalam at walang rason! Hindi niya ako matatakasan. Hahanapin ko siya saan mang suulok siya ng Pilipinas magpunta!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD