EPISODE 13

1367 Words
FELICITY KUNOT noong tiningnan ako ng pinsan kong si Thelma. “SURE ka na ba talaga na pupunta ka sa US? Paano kung mahanap ka ni Hermes doon? Knowing him, he can find you. Dito ka muna mag-stay ng ilang linggo para pag-isipan ang plano mong paglayo.” Suggestion ng pinsan ko. Well, may point naman siya roon. Kailangan kong pag-isipang mabuti ang plano kong paglayo. Hindi madalaing takasan si Hermes dahil kahit saan mahahanap niya ako. Lalo at ibang bansa. Kaya niyang i-tract kung saang lugar ang pinuntahan ko. Marami siyang kilala sa gobyerno at maging sa pribadong sektor ng lipunan. “I decided to stay in your house for a while. Second option ko pa lang naman ang pagpunta ko sa US. Naiisip ko rin yang sinabi mo. Knowing him kaya niya akong ipahanap.” Tumabi sa akin ang pinsan ko sa sofa at inakbayan ako. “Alam kong mahirap sa iyong malayo sa lalaking nanakit sa iyo. Ito na siguro ang tamang oras para mahalin ang sarili mo. Siya na lang palagi ang inaalala mo, eh. Ang tanong si Hermes inisip ka ba niya?” Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi ng pinsan. Hindi ko rin naman alam kung iniisip niya ba ako ngayong wala na ako. Malamang malaya ng makakapambabae ang lalaking iyon. “Saka hindi rin natin sure kung ipahahanap ka nga ng lalaking iyon. Well, on my own opinion parang malayong mangyari.” Napairap ako sa pinsan ko dahil sa sinabi nito. “Oh, bakit? Totoo naman ang sinabi ko. Ngayon pa na ikakasal na ang lalaking iyon may will pa ba siyang hanapin ka? Siyempre wala na, no? Hay naku forget him para tahimik na ang buhay mo. Diyos ko nakailang sugo na ba ang mga babae ni Hermes sa iyo? Nitong huli muntikan ka ng mamatay. My god! Hindi ko keri ang katangahan mo, day!” anito at may pahawk pa ito sa dibdib niya. “Oo na! Hindi naman talaga ako hahanapin ng lalaking iyon! Feeling-era lang ako,” inis na sabi ko. “May sasabihin pala ako sa iyo,” sabi ko sa pinsan. Napakagat ako sa labi ko. Kunot noong napatingin siya sa akin. “Huwag mong sabihin buntis ka?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Buntis kaagad? Kakachorba lang namin. . .” Natigil ako sa pagsasalita. Biglang napayuko si Felicity nang batukan ako ng pinsan. “Sinasabi ko na nga ba, eh! Nagpa-chorba ka na kay Hermes? Oh, ano ang napala mo, eh, ’di wala? Paano ’yan kung mabuntis ka tapos ikakasal na sila ng babaeng iyon, tapos magkakaroon sila ng anak. Anong mangyayari sa anak mo? Anak sa labas ’yan. Pagtatawanan ’yan kasi tutuksuhin ng mga bata na walang tatay ang anak mo. Tapos ang tawag sa iyo isang disgrasyada. Ano na?” Mahabang wika ng pinsan. Halos humingal pa nga ito sa pagsasalita. “Ano naman kung walang ama ang magiging anak ko? Wala naman akong magagawa kung magkaroon siya ng sariling pamilya. Alam ko naman na roon ang punta nila,” ani ko. “Alam mo naman pala! Bakit nagpagalaw ka pa sa kanya? My god, Feli, binaba mo na ang sarili mo sa ganoong klaseng lalaki.” “Huwag mo na akong sisihin kung nagawa ko na. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Saka hindi naman ako buntis. Wala naman sa akin kung hindi na ako virgin. Atleast sa lalaking mahal ko ibinigay ang virginity ko at hindi sa ibang lalaki,” pagmamalaking sabi ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ako ng pinsan ko. “Hay naku! Ewan ko sa iyo. Hindi ko alam kung saan napunta ang utak mo. Sa talampakan ba?” Inis na sabi nito. “Hindi naman sa sinisisi kita. Ang sa akin lang masyado mong minahal si Hermes na halos hindi mo na alam na mali na ang ginagawa mo. Kagaya niyan naibigay mo na ang bataan mo. Wala na tayong magagawa para maibalik pa ang viriginity mo. Kahit gusto kitang sabunutan.” Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ng pinsan. May punto naman siya. ISANG buwan mula noong umalis ako ng Pilipinas. Wala na akong pakialam kung mahanap ako ni Hermes. Sigurado naman akong hindi ako hahanapin ng lalaking ’yun. Ayaw pa nga akong paalisin ng pinsan ko. Ayoko namang umalis, pero kailangan para naman maka-moved on na ako ng tuluyan kay Hermes. Hanggat naroon ako magiging mahina lang ako kapag malapit lang siya sa akin. I open my email at tumambad sa akin ang sandamakmak na message ni Hermes sa inbox ko. Hindi ko binasa ang mga iyon, I log out my account. “Feli, sumama ka sa mga pinsan mo para mamasyal. Hindi ‘yang nagmumukmok ka riyan,”sabi ni Mommy. “Masama po ang pakiramdam ko,” sabi ko. Pakiramdam ko kasi lalagnatin ako. Hindi ko nga maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto ko lang matulog. Tinatamad akong lumabas. Sinalat ni Mommy ang leeg ko. Kumunot ang kanyang noo. “Wala ka namang lagnat. Baka siguro naninibago ka lang sa weather dito. Taglamig na kasi. Ganyan rin kami ng Daddy mo noong unang punta namin dito sa US,” aniya. “By the way nagluto ang Daddy mo ng onion rings, masarap ito.” Binigay niya sa akin ang isang plato ng onion rings. Inamoy ko iyon ngunit biglang bumaligtad ang tiyan ko nang maamoy ko ito. Binaba ko ang plato at dali-daling pumunta sa kitchen. Sumuka ako sa sink. “Anak, buntis ka ba?” Tanong agad ni Mommy. Natigilan ako sa tanong niyang ‘yon. Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko bago hinarap si Mommy. “H-Hindi ko po alam,” ’yun ang agad ang sinabi ko. Napayakap sa akin si Mommy. Sa pagyakap niyang iyon hindi ko napigilan ang emosyon ko. Bigla na lang akong umiyak. Hindi ko alam kung bakit. O dahil naisip kong hindi ako pananagutan ni Hermes kung buntis nga ako. TITIG na titig sa akin ang mga magulang ko habang nakaharap ako sa kanila. They’re sitting across the table from me. My father can only sigh and shake his head in dismay. “Sinong ama ng ipinagbubuntis mo?” naapangat ako ng tingin. “Dad, hindi naman importante kung sino ang ama. Palalakihin ko po ang magiging anak ko kahit wala ama,” sabi ko. Biglang napatayo si daddy mula sa pagkakaupo nito sa silya. “Hindi maaring walang ama ang magiging anak mo! Ayokong maging bastardo ang apo ko at hindi ako papayag na hindi panagutan ng lalaki kung sino man ’yan! Felicity. Kailan ka pa naging tanga. Sorry to say this, pero tanga ka nagpabuntis ka sa lalaking hindi ka pananagutan. Huwag mong sabihin pumatol ka sa may asawa? Tell me!” napapitlag ako sa pagtaas ng kanyang boses. Bigla akong napaiyak. “Dad, I am so sorry kung nakagawa ako ng mali. I am so sorry, pero hindi ko sasabihin kung sinong nakabuntis sa akin. Hindi po siya kasal, pero may mahal po siyang iba.” “Tama na ‘yan! Huwag mo namang insultuhin ang ating anak. Nagkamali siya, wala na tayong magagawa para ituwid ang pagkakamali niya. Ang tamang gawin na lang natin tulungan ang anak nating mapalaki ang anak niya,” turan ni Mommy Yumakap siya sa akin. Hindi nagsalita si Daddy. Alam kong dismayado siya sa akin. Kaagad kaming pumunta sa OB-gyn na kakilala nila Mommy. Nakumpirma na buntis nga ako nang blood test ako at i-ultra sound ang tiyan ko. Seven weeks na ang pinagbubuntis ko. Kaya pala ang weird ng pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw. Palagi rin akong inaantok at gusto ko lang matulog. Wala rin akong ganang kumain which is weird dahil matakaw naman akong kumain noon. “Kailangan mong alagaan ang magiging anak mo. Narito lang ako. Hayaan mo na muna ang Daddy mo. Sa una lang galit iyon at kapag nakita na ang magiging apo magbabago ang isip ng matandang iyon.” Napangiti ako sa tinuran ni Mommy. I hugged her. Although pagkakamali itong nangyari sa akin ngunit ’di ko pinagsisihan na ibinigay ko ng buo kay Hermes ang sarili ko. Mahal ko siya at mamahalin kahit may iba siyang mahal. I will be a good mother to my baby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD