EPISODE 11

1173 Words
FELICITY “PASENSYA ka na Christopher hindi ako nakarating. Masama kasi ang pakiramdam ko. Hindi kita natawagan dahil hindi ako nagising ng maaga.” Paliwanag ko. Tinawagan ko si Christopher dahil hindi ako nakarating sa usapan namin. “Gusto mo bang pumunta ako riyan?” nanlaki ang mga mata ko. “Huwag na, medyo maayos na ang pakiramdam ko. Nakainom na ako ng gamot kanina nang magising ako.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya. Ayokong gawin ito dahil ayoko rin namang may masabi siyang masama kung malaman niyang nakipag-chorbahan ako kaya hindi ako nakarating sa pinag-usapan namin. “Ganoon ba? Magpahinga ka na lang siguro. Baka naman over work ka na kaya napapabayaan mo na ang sarili mo. I told you, you need to take care of yourself. Siguro kailangan mo na mag-gym.” Suggestion nito. “Siguro nga. Salamat, Christopher. Hayaan mo next time pupunta na ako ng gym.” Tinapos na niya ang tawag dahil may tumawag sa kanyang co-gym instructor nito. Napatingin ako kay Hermes na mahimbing na natutulog. Nagpasya akong bumaba sa kama upang maligo. I feel the soreness between my legs. Diyos ko napakahilig ni Hermes walang kapagod-pagod. Napailing siya. Pero mukhang ako’y magiging ganoon na rin dahil natikman ko na ang sarap ng luto ng diyos. MAGMULA nang ilang ulit na may nangyari sa amin at nagkasundo sa setup na best friend with benefits ginagawa na namin ito kapag may pagkakataon. I usually stay at his condo at kung minsan nasa bahay ko si Hermes. Hindi ko na rin siya pinakikialaman sa mga babae niya. Ayokong mag-away kami at bigla na lang niya akong iwan. Aaminin kong hulog na hulog na ako kay Hermes na kahit magbulagbulagan ako sa nakikita binabalewala ko na lang kahit nasasaktan ako. “Hi, Felicity!” Bati sa akin ni Anica. Napatingin ako sa dala nitong box na mukhang cake ang laman. Napangiti ako. Kahit sinasabi ko sa sariling huwag magseselos sa mga babae ni Hermes hindi ko maiwasan. May karapatan ba akong gawin iyon kung nagkasundo kaming walang level ang relasyon naming dalawa? Pawang sekswal na relasyon lang ang meron sa aming dalawa. “Hi, Ms. Anica. Ano ‘yang dala mo?” Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong dahil sa kursyusidad. “Ah, ito? Cake na ginawa ko. I hope magustuhan ni Hermes ito,” sabi nito habang nakangiti. “Siguradong magugustuhan niya ‘yan. Pasok ka na sa loob nandiyan si Sir Hermes.” “Thank you. By the way, sa iyo itong isang box.” Pinatong niya sa lamesa ko ang isang small size ng box ng cake. Malawak akong napangiti dahil tamang-tama nagugutom na ako. “Nakahihiya naman sa inyo, Ms. Anica, nag-abala pa kayo.” “Okay, lang. Sige pasok na ako, huh?” I nodded. Nakaramdam ako ng guilt dahil pinag-iisipan ko ng masama si Anica. Naging mabuti naman ito sa akin unlike ang ibang babae ni Hermes kung makabakod akala mo nauubusan ng lalaki. Hindi dapat ako magkaroon ng agam-agam na baka isang araw mawala na lang sa akin si Hermes. Pero kailangan ko rin paghandaan ang sarili ko. Sa ngayon i-enjoy ko lang muna kung anong meron kami. Ayoko naman maging demanding pagdating sa oras niya sa akin. Kuntento na ako na lagi kaming magkasama rito sa trabaho. Atleast nakikita ko pa rin ang mga activity niya. Two hours nang nasa loob si Anica kaya expect kong may ginawang milagro ang dalawa. Wala naman akong karapatan na magreklamo, mas may karapatan si Anica dahil siya ang fiancee ni Hermes. Naunang lumabas si Anica at sumunod si Hermes na mukhang hindi pa inayos ang magulong buhok. Napairap ako ng palihim dahil nagseselos ako. “Bye, Felicity,” paalam ni Anica sa akin. Kinaway pa nito ang kamay. Ako naman ay ganoon din ang ginawa. “By the way baka hindi na ako makakabalik dito sa opisina may date kami ni Anica,” sabi nito sa akin na parang balewala lang sa akin ang sinabi niya. Isang insulto iyon sa p********e ko. Parang gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil may lakas loob akong sabihing insulto iyon sa p********e ko, ngunit wala naman akong respeto sa sarili ko. Bakit ako magagalit kung wala namang level ang relasyon namin? Mas may right si Anica sa kanya. “Okay,” ani ko at napangiti pa ako kahit sa kaibuturan ng puso ko gusto kong magwala at umiyak. Pero wala akong magawa. Tanga kasi ako. Nagmahal sa lalaking babaero. Hanggang sa pag-uwi ko masama pa rin ang loob ko. Dumaan ako sa 7 eleven upang bumili ng alak na maiinom. Balak kong uminom ngayong gabi para makalimot sa sakit na naramdaman ko. Hindi ako sa condo ni Hermes umuwi kundi sa bahay ko. Balak ko sana sa pinsan ko, ngunit nagbago ang isip ko. Baka kasi magtanong na naman iyon. Bakit doon na naman ako matutulog at ito mag-iinom pa? Mang-aasar na naman iyon tungkol kay Hermes. Binuksan ko ang ilaw. Tumambad sa akin ang tahimik kong tahanan. Na-realize kong nakakabagot din pala ang ganito, mag-isa sa buhay. Walang pamilyang uuwian kapag galing sa trabaho. Ni hayop wala ako dahil ayokong mag-alaga dahil palagi akong wala sa bahay. May alaga naman akong halaman, kaso minsan ko lang siyang madiligan. Diyos ko mas marami pa yatang dilig ang kepyas ko kaysa ang halaman ko. Binaba ko sa dala kong paper bag at ang bag ko. Naupo ako sa sofa kong mahaba. In-on ko ang TV upang manood ng balita. Isinandal ko ang aking pagal na likod. Pinikit ko ang aking mga mata para ipahinga muna ng ilang saglit bago ako uminom ng alak. Pero bago iyon kakain na muna ako. Mr. Hermes Del Prado, CEO of DP Corporation, is expected to marry Ms. Anica Sandoval, sister of business magnate Reynaldo Sandoval. The couple interviewed today stated that their wedding will take place next year.’ Nagmulat ako ng mga mata dahil sa narinig ko sa balita sa TV. I expected it to happen to them, but I never expected it to happen so quickly. Nakita ko silang magkatabi habang kinakausap sila ng host. I’m not sure kung anong segment ito. Tanging sa dalawa naka-focus ang mga mata ko. The camera zoomed in on their clasped hands. They are both smiling and looking each other in the eyes. Inalala ko kung ganoon ba si Hermes sa akin? Niloloko ko lang ang sarili dahil hindi naman sweet sa akin si Hermes.He never looks me in the eyes the way he looks at Anica's. Kinuha ko ang alak na binili ko. Hindi na ako kumuha ng baso roon na mismo sa bote tumungga nang mabuksan ko iyon. I need to drink para makalimutan ko ang balitang napanood ko. Halos wala ng laman ang isang bote na ininom ko. Lasing na lasing ako nang mahiga ako sa kama ko. Ang buong paligid ko ay umiikot dahil sa kalasingan. Bigla na lang akong umiyak na parang aping-api. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko pinapatay ako ng unti-unti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD