EPISODE 23

1175 Words
HERMES NAKATITIG lang ako kay Felicity. Hindi ko siya iniwan magbuhat noong unang araw niya rito sa ospital. Hawak ko ang kanyang kamay at ilang beses kong hinahagkan iyon. “Hermes, you need to go home. Ako na muna ang magbabantay kay Felicity. Isang buwan ka nang narito at hindi umuuwi sa condo mo, and what about your company?” sabi sa akin ni Kaleb. Hindi ko na nga alam kung ano ang itsura ko. I never shaved my beard at ang aking buhok ay humahaba na. Dinadalhan lang nila ako ng mga damit. Parang bahay ko na ang ospital. Isinisisi ko sa sarili kung bakit nawala ang anak ko. Nasa kritikal pa ang lagay ni Felicity. Kung hindi ko sana siya kinuha sa poder nang mga magulang nito ay sana hindi nangyari ito sa kaniya. Sana ay buhay pa ang anak ko. Puro sana na lang. Hindi ko napigilan ang umiyak. Napakasakit pala mawalan ng anak. Pakiramdam ko parang namatay ang kalahati ng aking katawan. Paano kaya kapag nalaman ni Felicity na wala na ang anak namin? Mas doble ang mararamdaman niyang sakit. “Ayokong umuwi. I don’t care about the company. I want my baby back. . .” Umiyak na sabi ko. Hinagod ni Kaleb ang likod ko. “Bakit siya pa ang naging kabayaran sa mga naging kasalanan ko? Dapat ako na lang, hindi ang anak ko at si Felicity. They don’t deserved it.” Sabi ko sa gitna nang pag-iyak ko. “Hindi mo kasalanan ang nangyari. That was an accident. Kaya huwag mong isisi sa sarili mo. May dahilan kung bakit nangyari ito,” sabi ni Kaleb. Marahas akong napatingin sa kaniya. “Ano’ng klaseng dahilan iyon? Namatay ang magiging anak ko at heto si Felicity, nasa kritikal na kondisyon at ang taong sumagasa nasaan? Is at large! I will kill that person for killing my baby!” umigting ang aking mga panga dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. “Hermes, hindi sagot sa pagpatay ang solusyon para maparusahan ang taong may gawa nito. Mas lalo mo lang palalalain ang situation, makukulong ka pa. Paano na si Felicity? Namatayan din siya. Kung masakit sa iyo mas triple ang sakit sa kanya kapag nalaman niyang wala na ang anak niyo. Mag-isip ka nga, Hermes, hindi ’yang puro galit ang pinaiiral mo,” sermon sa akin ni Kaleb. Ngunit sarado ang isip ko sa mga payo niya sa akin. Ang nasa isipan ko ngayon ay gumanti. NAALIMPUNGATAN ako nang may maramdaman akong humahawak sa aking pisngi. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Felicity na nakamulat na. Tinitingnan niya ako. “Thanks god! You are awake now. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? I will call the doctor,” tumayo ako upang tawagin sana ang doktor ngunit hinawakan ni Felicity ang aking braso. Her smile is weak. Hinaplos ko ang kanyang mga pisngi at saka hinagkan ang kanyang noo. “I’m okay, Hermes, nanghihina lang ang pakiramdam ko,” she said. “Kumusta pala ang baby natin?” nanghihinang hinawakan ang kamay ni Felicity ang wala nang umbok na tiyan nito. Napakunot ang kanyang noo nang wala siyang makapa sa kaniyang tiyan. Napaawang ang kaniyang labi. “Hermes, bakit wala nang umbok ang tiyan ko?” Tanong niya at saka akmang babangon nang pigilan ko. “You need to rest para bumalik ang iyong lakas. We talk that matter later.” Pagpapakalma ko sa kanya. Nahihirapan din ako kung paano sasabihin sa kanya ang totoo nang hindi siya masasaktan. Pero parang niloloko ko lang ang aking sarili. Kahit anong ganda nang paliwanag ko, alam kong masasaktan at masasaktan siya. “Tell me, Hermes, what happened to our baby?” Ngayon pa lang parang gustong mahati nang puso ko kapag ipinagtapat ko sa kaniya ang totoo. “I am so sorry, Fel; our baby didn’t make it.” My eyes watered. Umiling si Felicity. “Hindi totoo ang sinabi mo buhay ang anak natin. Nandito siya ramdam ko.” Hinimas niya ang kaniyang tiyan. Napangiti pa nga si Felicity ngunit nawala iyon at napalitan nang pag-iyak. Masakit makitang umiiyak siya. Nakakaawa ang pag-iyak niyang parang durog na durog ang puso nito. “Buhay siya! Niloloko mo lang ako! Gusto mo lang akong saktan kaya ginagawa mo sa akin ito!” Umiling ako. Hinawakan niya ang aking kamay. “ Ayos lang naman kung hindi mo ako seseryosohin basta ang anak natin ang dapat i-priority natin. Pagkalabas niya bubusugin natin siya nang pagmamahal natin.” Naluha na rin ako dahil sa sinasabi ni Felicity. Ganoon din ang iniisip ko. Ngunit paano pa mangyayari iyon kung wala na ang anak namin? Naglahong parang bula na lang ang pangarap naming iyon dahil sa taong pumatay sa anak ko! I can’t see my baby anymore. Niyakap ko si Felicity ng mahigpit habang umiiyak. “I am so sorry, Fel, wala akong nagawa para ma-survive siya. Wala na ang anak natin. Wala na siya. . .” “No! Buhay ang anak ko! Buhay siya! Niloloko mo lang ako! Ang anak ko!” Sigaw nito at humagulgol ng iyak si Felicity. Niyakap ko siya nang mahigpit. Kung naipapasa lang ang sakit na nararamdaman niya sana ako na lang ang makaramdam. Hindi ko siya kayang makitang umiiyak. AWANG-awa ako kay Felicity. Iyak siya nang iyak. Tinurukan lang siya nang pampakalma kaya nakatulog na siya. Tumayo ako upang lumabas muna ng silid. Pagkasarado ng pinto bigla ay may lumanding na kamay sa aking pisngi. “Walanghiya ka! Ano’ng ginawa mo kay Felicity. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin nasa ospital ang pinsan ko! Binuntis mo na nga ganito pa ang gagawin mo sa kanya!” Galit na galit na sabi ng pinsan ni Felicity. Napayuko ako. Wala naman akong magagawa dahil may kasalanan din naman ako. Hindi ko ipinaalam sa pinsan niya ang nangyari sa kanya. Nawala sa isipan ko. “I am so sorry. Hindi ko ginusto na mangyari kay Felicity ito. At mas lalong hindi ko ginusto na mawala ang anak namin.” Nangilid ang mga luha ko. Tila wala ng katapusan ang luha ko. Every time na mababanggit ko ang aming anak hindi ko mapigilang maging emosiyonal. Napakasakit mamatayan ng anak. Pinipiga ang puso. “Kung hindi mo sana binuntis ang pinsan ko hindi mangyayari ito sa kanya,” umiiyak na wika niya. “Hindi makukuha sa sorry lang ang mga ginawa mo sa kanya. At hindi rin makukuha sa sorry lang ang nararamdaman ng pinsan ko ngayon. Huwag ka ng lalapit sa kanya! Kukunin ko ang pinsan ko at huwag ka ng magpapakita sa kanya.” Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Pumasok na siya sa silid. Naiwan akong natulala ng ilang minuto. Kaya ko bang mawala na lang si Felicity? Ngayon palang parang hindi ko kakayaning ilayo nila siya sa akin. Napagtanto ko sa aking sarili na mahal ko na si Felicity. I can't live without her in my life. Hindi ako papayag na basta na lang nilang ilalayo sa akin si Felicity. Akin siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD