EPISODE 24

1490 Words
FELICITY NAGISING ako na nasa isang silid at wala na sa hospital. Bigla ay bumukas ang pinto at pumasok ang pinsan ko. “Feli!” Lumapit agad ang pinsan ko sa kinahihigaan ko at niyakap niya ako. “Salamat naman at maayos ka na.” Aniya sa gitna nang kaniyang pag-iyak. Mahigpit niya akong niyakap. Mahinang hinawakan ko ang kaniyang likod. Naalala ko na naman ang sinabi ni Hermes. Kasalanan ko kung bakit nawala ang anak ko. Kung hindi sana ako lumabas hindi mangyayaring mabangga ako ng sasakyan. Tumulo ang mga luha ko. Huli na para magsisi pa ako. Wala na ang anak ko. Nahihiya ako kay Hermes dahil sa ginawa ko. “Hindi ka na babalik sa lalaking iyon, Feli,” sabi niya nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap. Pinahid ko ang mga luha ko. “Don’t worry hindi na ako magpapakita kay Hermes. Nahihiya ako sa ginawa ko.” Napaiyak muli ako. “Bakit ka naman mahihiya sa nangyari? Hindi mo kasalanan na nabangga ka ng sasakyan. Kung hindi ba naman gago ang lalaking iyon. Hindi ka na sana niya kinuha mula sa magulang mo. Eh, ’di sana buhay pa ang anak mo,” sabi ng pinsan na mukhang dismayado sa nangyari. “Walang kinalaman si Hermes sa pagkakabangga ko ng sasakyan. Ako itong mapilit na lumabas. Sinuway ko ang utos niya. Huwag mo siyang sisihin sa nangyari.” Paliwanag ko. Hindi ko sinisisi si Hermes sa pagkawala ng anak namin dahil ako ang may kasalanan. “You're unbelievable, Feli. My god, mag-isip-isip ka nga! Ito na ang ibinigay na pagkakataon sa iyo para maayos ang buhay mo. Ngayong wala ng pananagutan ang lalaking iyon, wala na rin siyang karapatan pang angkinin ka na parang pagmamay-ari niya.” Naiinis na turan ng pinsan. “Huwag mong sisihin si Hermes. Wala siyang kasalanan. It’s all my fault kaya nawala ang anak ko. Hermes did everything para lang protektahan ako sa pagbubuntis ko, ngunit ako itong matigas ang ulo. Kaya nga nagdesisyon akong lumayo na sa kanya. Hindi ako makikipagbalikan kung iyon ang iniisip mo. Nahihiya ako dahil pinatay ko ang aming anak.” Napahagulgol ako nang iyak. Hindi na nakapagsalita ang pinsan ko. She just watching me crying. NAPAPATINGIN sa akin ang pinsan ko habang nag-e-empake ako ng mga damit ko. Napaparolyo pa nga siya ng kanyang mga mata habang nakahalukipkip sa harapan ko. Malalim akong napabuntonghininga. “Lalayo ka lang tapos dito lang din sa Pilipinas. Kung ako sa iyo lulubusin ko nang lumayo as in malayong-malayo talaga sa lalaking iyon. Kung ako pupunta ako ng north pole para hindi niya maiisip na roon ako nagpunta.” Sermon sa akin nang pinsan ko. Naparolyo ako nang aking mga mata sa sinabi niyang 'north pole.' Grabe naman ang pupuntahan ko ’yung hindi ko pa kayang tumira. “Makakapagtago naman ako kahit nasa Pilipinas lang naman ako. Don’t worry I make sure hindi niya ako mahahanap dahil mag-iiba ako nang pangalan.” Sabi ko. Inilagay ko na sa malaki kong maleta ang mga damit na dadalhin ko. Buti na lang may mga damit pa akong naiwan dito sa pinsan ko kaya hindi ko na problema ang bumili pa nang damit. Napabuntonghininga ako nang matapos kong maempake ang mga gamit ko. Lumapit ako sa pinsan kong nakasimangot. Alam ko naman na ayaw niya akong umalis. “Ma-mimiss kita.” Ani ko. Hindi ko napigilan ang maging emosyonal. “Salamat sa lahat nang mga payo at sermon mo sa akin. Pasensiya ka na kung naging matigas ang aking ulo. Hindi kita pinapakinggan kaya nga ganito ang nangyari sa akin. And please don’t blame, Hermes, sa mga nangyari sa akin dahil ginusto ko naman iyon. Mahal ko siya kaya handa akong masaktan.” Sabi ko sa gitna nang aking pag-iyak. “Basta kung saan ka man lupalop mapadpad huwag mong kalimutang I-text ako. Mag-aalala ako sa iyo nang sobra. Alam mo naman kapatid na ang turing ko sa iyo. Pasensiya ka na sa akin kung minsan palagi kitang naaapi. Gusto ko lang naman na maging totoo ka sa iyong sarili at hindi paaapi. Tandaan mo narito lang ako kung kailangan mo nang tulog.” Naiyak na rin ang aking pinsan. Magbabagong buhay ako sa ibang lugar. Gusto kong baguhin ang sarili ko. Ayoko nang balikan ang Felicity na mahina at walang confidence sa sarili. Sa ibang lugar sisiguraduhin kong magiging masaya ako kahit mabigat sa loob kong layuan at iwasan si Hermes. Mahal na mahal ko siya. 2 years later HERMES “Get out I don’t need your f*cking service!” bulyaw ko sa aking sekretarya. Nakailang sekretarya na ba ako magmula noon? Hindi ko na mabilang. Parang may hinahanap-hanap ako. Walang nakakatagal sa ugali ko kaya palaging nagreresign ang mga nagiging sekretarya ko. Napalingon si Kaleb sa umiiyak na sekretarya ko nang pumasok at nakasalubong niya ito. “Ano na namang ginawa mo sa bago mong sekretarya? Malamang bukas wala na iyon. Hermes. Huwag mong idamay ang mga taong wala naman kinalaman sa paglayo ni Felicity. Intindihin mo ang ginawa niyang paglayo dahil nasaktan ang tao sa pagkawala ng anak ninyo,” sabi ni Kaleb. “Bakit siya lang ba ang nasaktan sa aming dalawa? Nasaktan din ako Kaleb. Sobrang sakit na kahit dalawang taon na ang nakalilipas hindi ko pa rin mapatawad ang aking sarili. Pakiramdam ko ako ang pumatay sa anak ko. It’s all my fault.” Nangilid ang aking mga luha. “Hindi ko naman sinasabi na hindi ka nasaktan sa nangyari sa pagkamatay ng anak mo. Moved on, Hermes. Hindi maibabalik ang buhay niya sa ginagawa mong pagsusungit sa mga taong nasa paligid mo. They are all innocent para pagdiskitahan mo ng galit. Nasaan na ang Hermes na laging nagpapalakas nang loob ko noon? Hindi ko na siya makita sa iyo, two years ago. Ibang Hermes na ang nasa harapan ko ngayon,” sabi ni Kaleb. “I don’t know what to do anymore, Kaleb. Para akong nabubuhay sa wala. I feel empty inside. I try to forget them, but I can’t.” Napaiyak ako. Tumayo si Kaleb at hinawakan ang aking mga balikat to comfort me. I feel down and hopeless. Hanggang ngayon pinahahanap ko pa rin si Felicity ngunit para bang ayaw na niyang magpahanap sa akin. Naglaho na lang siyang parang bula. NAPAANGAT ako ng tingin nang pumasok ang isang magandang babae. Maputi at may magandang kurba ng katawan. Kumunot ang aking noo. “Who are you?” Tanong ko sa kaniya. “Umm. . . Ako po pala ang new applicant para sa secretary position. Interview ko po ngayon, Sir,” sabi ng babae. Napatampal ako sa aking noo nang maalala na may i-interbiyuhin akong applicant ngayon para sa magiging bagong secretary ko. Nag-resign na naman kasi ang bago kaya nag-conduct na naman ng interview para sa kapalit. “You may sit down.” I motioned her to sit down. Although seksi ang babae ngunit ang pananamit nito ay takip na takip. Mayroon siyang kulot na buhok at mahahabang mga pilikmata. Napatingin ako sa kanyang mga labi na kulay rose pink ang lipstick. Bigla ay may naalala akong naglalagay nang ganoon shade. Iniabot niya sa akin ang kaniyang curriculum vitae. Pinasadahan ko nang tingin iyon. Maganda ang kaniyang credentials. Hope Martinez. Iyon ang ang pangalan niya. It suits for her. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong malaman kung kaya mong i-tolerate ang ugali kong mapanigaw. Ayoko sa taong masyadong iyakin at masyadong sensitive kapag pinapagalitan ko. I am not the kind of boss you are looking for kung ang ini-expect mo na isang mabait at maunawain na boss ang hinahanap mo. Ang kailangan kong sekretarya ay matapang at kayang gampanan ang trabaho niya.” Mahaba kong sabi sa kaniya. Napangiti ito. Halos maningkit ang mga mata nito sa pagkakangiti niyang iyon. “Don't worry, Sir; I can put up with that kind of attitude. And I'm capable of performing my duties as your secretary. As a matter of fact may dati na po akong boss na ganyan ang ugali. In fact, he is a womanizer and he’s not doing his position as the CEO of his company. Ako po ang lahat ng gumagawa ng trabaho niya. Nakakalungkot nga lang po namatay po siya sa heart attack dahil sa pambabae niya. Kaya ito po, naghanap po akong muli ng trabaho.” Gusto kong mapangiwi sa ikinuwento niya. Bakit kailangan niya pang sabihin iyon? “Okay, ayoko nang pahabain pa ito. Tutal na-impress naman ako sa sinabi mo, you’re hired. You can start your job by tomorrow and make sure hindi ka male-late dahil ayoko nang late comer,” sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya. “Really, Sir? Thank you po!” Nagulat ako nang tumayo ang bago kong sekretarya at niyakap nang malapitan niya ako. Bigla ay tumibok ng mabilis ang aking puso sa pagkakadikit nang aming mga katawan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naramdaman ko ito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD