EPISODE 22

1343 Words
HERMES KALAT na kalat sa social media ang ginawa kong statement. May mga humusga at meron din namang nakauunawa. Hindi ko hawak ang opinyon ng mga tao kaya wala rin naman akong pakialam na sa kanilang mga opinyon. Ang mahalaga sa akin nasabi ko ang totoong nasa loob ko at totoong nangyari. Hindi ako makapapayag na ako ang palalabasing masama ni Anica. Si Felicity ang naiipit sa away naming dalawa. Bakit hindi na lang niya amining hindi ako ang ama. Napakadali namang gawin iyon. Napabuntonghininga ako. Napaangat ako nang tingin nang bumukas ang pinto ng opisina ko. Daddy’s face is furiously mad kasunod nito si Mommy na tahimik lang at hindi ko mabasa ang kaniyang reaksyon. Napapitlag ako nang ibagsak ni Daddy ang dalawa niyang palad sa table ko. Galit na galit niyang hinawi ang mga papeles na naroon sa ibabaw ng table ko. Seryosong titig lang ang ginawa ko sa nag-aapoy niyang mga tinging ibinibigay sa akin. “Hindi lang pangalan natin ang sinira mo sa medya kundi ang buong angkan natin. Paano mo naatim na sabihing may anak ka samantalang magkakaroon na kayo ni Anica,” galit na sabi nito habang hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. “I told you, Dad, I am not the father of her child. Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa inyo ’yon! Mayroon akong anak at iyon ang masasabi kong akin.” Nanginginig ang aking mga kamay dahil sa matinding galit sa aking ama. Hindi niya ba ako isinaalang-alang at palagi na lang ang pangalan ng pamilya namin ang mahalaga sa kanya. How about my happiness? “I don’t believe you, mas paniniwalaan ko pa si Anica kaysa sa ’yo na sarili kong anak.” Nagtagis ang bagang ko sa kanyang sinabi. So, ako na anak niya ay walang kuwenta. “Bakit, Dad? Dahil ba hindi ako katalinuhan at hindi rin ako magaling kagaya mo? Wala ka bang ni katiting na tiwala sa akin, na mas pinapapaburan mo ang ibang tao kasya sa sarili mong anak.” Hindi ko napagilang sabihin sa kanya ang sama ng loob ko. “Tama na ’yan. Hindi mareresolba ang problema kung mag-aaway kayong dalawa.” Awat sa amin ni Mommy. Naupo ako sa swivel chair ko at ipinakalma ang aking sarili. “Dad, mas paninindigan ko ang anak ko sa babaeng tunay kong nabuntis dahil siya naman ang nararapat na panagutan ko.” Marahas na napatingin sa akin si Daddy. “Tell me kung sino ang nabuntis mo.” Nagsukatan kami nang tingin ni Daddy tila walang gustong bumawi. “I won’t tell you, Dad. She’s a private person at ayokong makaapekto ito sa kanyang pagbubuntis. Please, Dad, let me the father of my child.” Pakiusap ko sa kanya. “I will never accept that child of yours with the other woman. Huwag mo akong aasahan na matatanggap ko kayong dalawa nang babaeng iyon.” Pagkasabi niyon tumalikod na si Daddy at lumabas nang opisina ko, sumunod naman si Mommy. Tanging simpatiyang tingin na lang ang nagawa niya para sa akin. Kahit humadlang pa siya hindi ako papayag na tratuhin niyang ibang tao ang anak ko. FELICITY PALABAS ako sa condo ni Hermes dahil balak kong bumili ng pagkain ko. Nagsasawa na kasi ako na nasa refrigerator. I want hotdog sandwich ng Ministop. Na-miss kong kumain nang ganoon. Noong nagtatrabaho pa ako sa company ni Hermes palagi iyon ang binibili ko. Masarap naman kasi ang lasa lalo na ’yung chili con carny hotdog nila. Bigla ay naglaway ako sa naalala kong pagkaing paborito kong bilhin. Malapit lang sa condo ang Ministop kaya hindi ako naglakad nang malayo. Tapat lang nang condominium. Habang namimili nang iba ko pang kakainin ay nag-ring ang phone ko. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko at tiningnan kung sinong tumatawag. It’s Hermes. “Hello?” Sagot ko. “Where are you? Bakit maingay ang background mo?” Tanong nito na ikinarolyo ng mga mata ko. Akala mo naman may nangyari nang masama sa akin. “Nandito ako sa Ministop. Bumili ako ng hotdog sandwich. Malapit lang naman ito sa condo mo.” Paliwananag ko sa kanya. He sounds worried at parang may mangyayaring masama sa akin. “Bakit hindi mo sinabi na gusto mo pala ng hotdog sandwich? Sana gumawa ako kaninang umaga.” Aniya. “Hermes, okay lang ako. Saka aalis na ako. Ito magbabayad na lang ako.” Paniniguro ko sa kanya para hindi na siya mag-alala. Hindi naman siya nag-aalala sa akin kundi sa anak namin. Ayos lang kahit hindi na ako basta para sa anak ko masaya na rin ako. “Umuwi ka na. Next time, sabihin mo sa akin ang mga gusto mong kainin, ako mismo ang bibili.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Totoo? Siya ang bibili? Hindi niya ba alam kung gaano kalayo ang opisina niya at sa condo niya? Pasig to Makati? “Heto na nga palabas na ako nang Ministop. I need to hang up this call tatawid na ako.” Ani ko. Tumingin ako sa magkabilang kalsada. Nang masiguro kong walang sasakyan ay saka ako tumawid. Ngunit may bigla na lang humaharurot na sasakyan papunta sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Ang tanging narinig ko na lang ang hiwayan nang mga tao at nawalan na ako ng malay tao. HERMES  BIGLA ay parang kinabahan ako. Kanina ko pa tinatawagan ang phone ni Felicity ngunit hindi niya sinasagot. Kaya mas lalo ang kabang nararamdaman ko. Tumayo ako upang lumabas ng opisina ko. “Miss Suzette, cancel my meeting for today. I have some important things to do.” Ani ko sa aking bagong Secretary. She looks tense nang makita niya ako. “Yes, Sir!” Nagtaas ito nang tinig na ikinakunot ko ng aking noo. Napansin ko sa aking bagong Sekretarya, palaging mali-mali at magugulatin. Kung ano-ano ang lumalabas sa kanyang bibig. Pumasok ako agad sa sasakyan ko nang marating ko ang car park. Nang marating ko ang condo agad akong dumiretso papasok sa lobby ng condo. “Sir Hermes! Sir Hermes!” habol ng isang admin ng condo. Pasara na sana ang elevator nang tawagin niya ako. Pinindot ko ang hold. “Why?” Tanong ko. Hingal na hingal pa siya na tila tumakbo nang pagkalayo-layo. “Si Ma’am Felicity po dinala po sa ospital, na hit and run po siya riyan sa tapat nang ministop.” Parang huminto ang inog nang mundo ko nang marinig ang masamang balita. “Saan siya dinala?” “Sa Makati Med po, Sir.” Kaagad akong lumabas ng elevator at pumunta sa pinagparadahan ko ng sasakyan ko. Agad kong pinaharurot nang makasakay na ako. Halos hindi ko mapigilan matakot at kabahan. Iniisip ko kung maayos ba si Felicity at ang anak namin. Agad akong nagpunta sa room number na sinabi ng receptionist sa information. Pagkabukas ko nang pinto nakita ko ang kalunos-lunos na sinapit ni Felicity. Marami ang nakakabit sa kanyang katawan. Napatingin sa akin ang doktor. “Ikaw ba ang kamag-anak ng biktima?” Tanong nito. I nodded habang na kay Felicity ang mga tingin ko. Bumuntonghininga ang doktor bago nagsalita. “I am so sorry she had a miscarriage and is not stable. ” Napaatras ako sa sinabi ng doktor. Nagpaulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang salitang ‘miscarriage and not stable.’ Hindi ko na rin naintindihan ang iba pang sinabi ng doktor. Ang tanging nasa isip ko ay si Felicity at ang aking anak. Napaupo ako sa isang sulok. Tumulo nang kusa ang mga luha ko. Ang aking tingin ay naka-focus lang sa kaawa-awang itsura ni Felicity. Ang anak ko wala na siya. . . Ang anak ko. . . Nanginginig ang mga kamay ko habang hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit ang anak ko pa. Diyos ko! Bakit?! Ito ba ang parusa mo sa akin sa pagiging masamang tao ko? Pero bakit nadamay ang inosenteng bata? Tuluyan ng nahulog ang mga luha ko sa mata. Napahagulgol ako nang iyak. Ang doktor ay walang nagawa kundi tingnan na lang ako habang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD