EPISODE 31

1245 Words
HERMES DAHIL sa nangyari kanina sa amin ng Sekretarya ko nagpunta ako ng bar upang magpalamig at uminom. Nang makapasok sa bar binati ko agad ang bartender na kakilala ko. “Mukhang may problema ka, ah?” tanong ng bartender. Natawa ako. “Manghuhula ka na pala ngayon?” birong sabi ko. Natawa rin ito. Binigay niya sa akin ang isang baso na sinalinan niya ng whiskey na lagi kong ino-order. “Mukha kasing pinagbagsakan ka ng langit at lupa. Babae na naman iyan, no?” sabi nito na natatawa. Napailing lang ako at tinungga ang baso na hawak ko. Gumuhit sa lalamunan ko ang tapang ng lasa ng alak. Ngunit ininda ko iyon at inubos ang laman ng baso. “Give me more.” Utos ko sa lalaki. “Mukhang maglalasing ka ng todo ngayon. I’ll give you one bottle of whiskey,” sabi nito. Kinuha nito sa estante ang bote ng whiskey. Napangisi ako. “Thanks!” pasasalamat ko. Agad kong kinuha iyon sa kanya at sinalinan ang baso. Agad kong tinungga nang masalinan ang baso. Habang umiinom ako napansin ko ang taong tumabi sa kinauupuan ko. Napatulala ako nang makilala ko kung sino iyon. Ibubuka ko na sana ang labi ko upang kausapin ang taong iyon nang may sumulpot na lalaki. “Hey, Felicity!” bati nito sa babae. Hindi ko maiwasang pag-igtingan ng panga nang hagkan ng lalaki ang pisngi nito. Hindi ko alam kung bakit parang nainis ako bigla nang makita ang lalaking kasama ni Felicity. Alam kong wala akong karapatan sa kanya ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng selos na hindi ko dapat maramdaman. I chose to turn away from them and focus on the front. Sinalinan kong muli ang baso na wala ng laman. Tinungga kong muli nang masalinan ko iyon. Ayaw ko man marinig ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit hindi ko maiwasan. Magkatabi lang kami kaya malamang magkakarinigan kami. Nakatalikod sa akin si Felicity. Ang lalaki ang nakaharap sa gawi ko. Dahil natatakpan ako ng katawan ni Felicity hindi ako napansin ni Mr. Ganado. “Pasensya ka na medyo late ako,” sabi nito. Napahinto ako sa paglagok ng alak dahil sa sinabi ng lalaki. Hindi sila sabay na nagpunta rito? Tsk! Ano naman ang pakialam ko. Nailing ko ang ulo ko dahil sa naisip ko. “Halos magkasabay lang tayo. Kadarating ko lang. Ano ba ang gusto mong order-in?” Tanong nito sa lalaki. “Just whisky,” sabi nito. Naparolyo ako ng mga mata. Walang originality ang lalaking ito. Gaya-gaya. Nagsalin muli ako ng alak sa baso ko at nilagok yon ng diretso. “Hey, Hermes! Nandito ka rin pala!” Narinig kong sabi ni Mr. Ganado. Kahit ayaw kong lumingon ay ginawa ko pa rin. Ngiting pilit ang sumilay sa labi ko. “Obvious ba?” sarkastiko kong sagot. Natawa lang ito sa sinabi ko. “Yeah, as you’ve said,” anito na parang hindi napikon sa sinabi ko. “Hi, Sir Herms,” bati sa akin ni Felicity. Sa pagbati niyang iyon napaharap ako sa kanya. Napatitig sa mukha nito. Nangunot ang noo ko dahil parang may kamukha siya. Malaki ang pagkakaiba ng kulay ng kanilang balat at hugis ng katawan. The person I know have brown complexion and chubby. Hinanap ko sa mukha niya ang palatandaan na meron siya. Ngunit natatakpan ng buhok ang spot kung saan naroon ang nunal na hinahanap ko. Bakit nga ba hindi ko naisip na baka iisang tao ang nasa harapan ko. They have the same name. Bigla ay nakaisip ako ng paraan para malaman ko ang totoo. Inilapit ko ang isang kamay ko sa pisngi nito at hinawi ang side bangs nitong tumatakip sa kanang noo niya. Ngunit bago ko pa nakita iyon binaling sa kabilang side ang ulo nito. Naibaba ko na lang ang isang kamay ko. “Uuwi na ako Mr. Ganado. Gabi na at kailangan ko ng magpahinga. Medyo nahihilo na ako.” “Um, okay.” Kumuha ng pera sa wallet si Mr. Ganado at ibinaba sa counter. “Mauuna na kami Mr. Del Prado,” paalam na sabi ng lalaki. Tinango ko lang ang ulo ko at napasulyap kay Felicity na hindi na makatingin ng maayos sa akin. “Sige po Sir Hermes,” paalam nito na hindi nakatingin sa akin. Nang makalabas ang dalawa nagpasya akong sundan sila. Kumuha ako ng 5000 pesos sa wallet ko at inilapag sa counter. “Keep the change,” sabi ko sa bartender na malawak na napangiti. “Thank you, Sir Hermes,” anito. Nagmadali akong naglakad palabas ng bar. Nakita ko ang dalawa pasakay na ng sasakyan ni Mr. Ganado. Sumakay na rin ako sa sasakyan ko. FELICITY “Are you alright?” Tanong ni Mr. Ganado nang mapansing hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Isang pekeng ngiti ang ipinaskil ko sa aking labi bago ako nagsalita. “Ayos lang po ako Sir. Medyo nahihilo lang dahil sa nainom kong alak.” Pagrarason ko kahit hindi naman iyon ang dahilan ng pagkabalisa ko. Muntik na ako kanina. Mabuti na lang naibaling ko ang ulo ko kaya hindi niya nakita ang nunal ko sa kabilang noo ko. This time talaga mag-iingat na ako. Sa totoo lang hindi pa ako handang harapin si Hermes. Not this time. “I think you need to rest. I am so sorry dahil hindi ko man lang tinanong kung ayos pa ba ang pakiramdam mo. Inaya pa kitang magpunta ng bar.” Napangiti ako dahil napakabait na boss si Mr. Ganado. Bukod sa guwapo ito napakabuti pa ng puso nito. “Don’t worry Sir hindi naman ako nagrereklamo. Bigla lang kasi akong nahilo. Siguro ay dahil naparami ang alkohol na nainom ko.” Napatango lang ito at tinuon na ang tingin sa harapan. Nang makauwi sa tinitirhan niyang apartment agad siyang naligo. Paglabas ng banyo ay nakatapis lang siya ng tuwalya. Narinig niya ang pagtunog ng doorbell. Nangunot ang noo niya. Bumalik kaya si Sir Ganado? May nakalimutan ba siya? Bakit hindi siya tinawagan nito? Mga tanong na pumasok sa isipan niya. Hinubad ko ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko. Kinuha ko ang robe at binalot sa katawan ko. Nakahihiya naman kasing makiharap sa boss niya na nakatapis lang siya. Binuksan niya ang pinto. Laking gulat niya nang makita sa harapan ng pinto si Hermes. Napalunok siya. Ilang sandaling nakatitig lang ako sa kanya at hindi nakapagsalita. “Hi, good evening, Felicity,” bati nito nang may lambing. Bumilis ang tib*k ng puso ko at hindi alam kung anong sasabihin at gagawin ko. Napatingin si Hermes sa kabuuan ko at saka napangiti. Mukhang lasing na ang isang ito. “A-Anong ginagawa niyo rito Sir Hermes?” Tanong ko nang may paggalang. Tumikhim ako nang hindi ito nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin partikular sa didbib ko. Bumaba ang tingin ko sa dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil bakat ang n*pple ko. Sh*t! I crossed my arm to cover my breast and then cleared my throat to get his attention. He seems stunned. Natigilan ako nang humakbang palapit sa akin si Hermes. Napaatras ako. Paatras ako nang paatras hanggang pader na ang nasa likuran ko. May ngisi sa labi ni Hermes habang nakatitig sa akin. Napalulunok ako habang nakatingin sa kanya. Hinigit ko ang hininga ko nang hawiin ni Hermes ang bangs ko. “I knew it!” anito at saka niya ako sinibasib ng halik sa aking labi. Napakapit na lang ako sa wall at hindi nakagalaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD