EPISODE 3

2075 Words
FELICITY DUMATING ang boss niya alas-tres na ng hapon. Naihanda ko na ang mga kailangan niya, siya na lang ang hinihintay. Siya itong CEO siya pa ang palaging late. Palagi ako ang humaharap sa lahat ng investors niya. Sa totoo yata ako ang kilala bilang CEO kaysa siya? “Where have you been? Kanina pa nandito si Mr. Gonzales. Aalis na sana siya kanina mabuti napakiusapan kong mag-stay pa ng ilang minuto kaya pumayag. Ikaw itong nagsabi ng alas-tres tapos paghihintayin mo ang tao? Hermes, importante ito hindi isang simpleng meeting lang,” inis na turan ko. Napaka-unprofessional niya. Nakakainis ang ugali ng boss niya. Mas inuuna pa ang pambabae kaysa ang company. Napakadami pa naming gagawin dito. Hirap na hirap na nga ako, hindi na ako magkanda-ugaga dahil sa pag-aayos ng mga meeting niyang palaging kanselado. Mabuti na lang tatlong araw ang pahinga ko kaya nakapahinga naman ang katawang lupa ko pagtatrabaho at isali pa ang nakakainis na ugali nito. “Sorry naman. Kung hindi siya makapaghintay he’s free to leave. I don’t need him,” inis na sagot niya sa akin. I look at him with disbelief. Aba, siya pa ang magmamalaki. Ang hirap kayang kombinisihin si Mr. Gonzales na mag-invest sa company niya. Malaking tulong ang company nito para kay Hermes. Baliw ba ang lalaking ito? “You know what you’re unbelievable. Ikaw itong nagpilit na kausapin si Mr. Gonzales pumayag naman ‘yung tao, tapos ngayon parang ikaw pa ang nagmamalaki sa kanya? Remember malaki ang magiging ambag niya sa company mong papalubog na.” sabi ko dahil sa inis. Tinalikuran ko siya at pumasok na sa conference room. Inis na inis si Felicity habang nagtitimpla ng kape para sa boss niya at kay Mr. Gonzales. Buti na lang maganda ang araw ng matanda kaya hindi naman nagalit dahil late na ang boss niya. Pinaskil ko ang ngiti sa labi nang lumapit ako sa kinauupuan ng dalawa. “Here’s your coffee, Sir.” Inilapag ko sa center table ang kape ni Mr. Gonzales. “Oh. Thank you Ms. Felicity. You’re such a lovely lady. Hayaan mo ipakikilala kita sa anak ko. He will like you,” nakangiting turan ni Mr. Gonzales. Malawak akong napangiti sa sinabi niya. “Talaga po? Naku, Sir, paghahandaan ko ’yan. Magpapa-medi at meni ako at siyempre kailangan kong magpa-salon para naman di nakakahiya sa anak niyo, Sir.” Natatawa kong saad sa matanda. Totoo naman ang sinabi ko. Kailangan kong mag-ayos at baka naman mapahiya si Mr. Gonzales sa pagpapakilala sa akin sa anak niya. “Don’t worry, ang anak ko ay mabait. He likes a simple woman like you. Maganda ka hija, hindi mo lang nakikita,” Gusto kong mapalundag sa tuwa tungkol sa sinabi ni Mr. Gonzalez. Nakaka-warm ng puso. Maganda daw kasi ako. Bago pa ako makapagsalita sumingit bigla si Hermes sa usapan namin ng matanda. “Can we start now?” Anito kay Mr. Gonzalez at napalsulyap pa nga siya sa akin saka tinaasan ng kilay. Inirapan ko naman siya. Ginawa ko ang trabaho ko sa isang sulok. Sinusulat ko ang lahat ng pointers na napag-usapan ng dalawa at inilalagay sa note ko sa ipad. Halos isang oras rin nag-usap ang dalawa tungkol sa project na gagawin. Ngalay na ngalay na nga ang puwet ko sa pagkakaupo nang matagal. Tumayo na ang dalawa at nagkamayan nang matapos ang meeting. Napabaling sa akin ni Mr. Gonzalez. “Tutuparin ko ang sinabi ko sa iyo, hija. Ipakikilala kita sa anak ko. I assure you, he will like you,” nakangiting wika nito. “Talaga po? Ang Akala ko po joke lang iyon. Totoo pala,” natawa ang matanda at pati na rin ako. Alanganing tawa ang ginawa ko. Umalis na rin siya at naiwan kaming dalawa ni Hermes sa loob ng conference room. Hindi ko akalaing seryoso si Mr. Gonzales sa sinabi ko. Diyos ko sino naman kasing magkakamaling magkagusto sa isang katulad ko? Hindi ako kaseksihan at mas lalong hindi rin kagandahan. Average lang ang aking beauty, kaya pang below average lang rin ang magkakagusto sa isang katulad ko. Paano kung hindi ako magustuhan ng anak niya? Nakahihiya naman ’di ba? Malay mo gusto niya hindi kagandahan at mataba. Anang isip ko. Tumikhim si Hermes. Napatingin ako sa kanya. He has a serious look at para bang may masama akong ginawa sa kanya. “Don’t believe that old men he’s just joking you. Huwag kang umasa,” sabi nito. Saka niya ako tinalikuran. Nagngitngit ako sa galit. “Ang sama ng lalaking ito. Kapag nagustuhan ako ng anak ni Mr. Gonzalez who you ka sa akin. Porque ba magaganda ang mga babae niya at ako hindi? Tsura nito!” mahinang usal niya. “I heard it!” narinig kong sambit ni Hermes nang papasok na ito sa opisina niya. “So what?!” inis na turan niya rin dito. Hindi ko kinausap si Hermes dahil sa inis. Napaka-dominante niya akala mo nakukuha niya lahat. Oo, siya na ang guwapo, habulin ng mga babae at mayaman. Bakit ba nagpapakatanga ako sa kanya? Sa kabila ng ugali niya nagtitiis pa rin ako sa kanya. Sabi nga ng kaibigan ko may pinag-aralan naman ako pero sinisiksik ko pa ang sarili ko dito. Mahal ko kasi siya. Lihim na minamahal. Nagpapakatanga sa pagmamahal na wala naman patutunguhan. Sinasaktan ko lang ang puso ko sa ginagawa ko sa sarili ko. Napaangat ang tingin ko nang mapansin may tao sa harapan ng table ko. Nilapag niya ang isang paper bag. My favorite fast food chain. “Ano ito suhol? Hindi ako gutom sa iba mo na lang ibigay ‘yan.” Pagtanggi ko sa binigay niya sa akin. Akala naman niya makukuha niya ako sa pagbigay-bigay niya ng favorite kong pagkain? Kahit pinakapaborito ko pa iyan tatanggihan ko dahil masama ang loob ko sa kanya. Kahit nagugutom ako, mas nanaisin ko na lang magutom kaysa tanggapin ang bagay na ibinibigay niya para lang hindi ako magalit sa kanya. Ang kapal ng mukha niya. Tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi ito para sa iyo. Kapag dumating ang friend ko ibigay mo sa kanya ‘yan. Aalis muna ako saglit may pupuntahan lang ako. Pakisabi hintayin na lang niya ako sa loob ng office ko. Saglit lang akong mawawala,” bilin niyang sabi sa akin. Mas lalong nagngitngit ang kalooban ko dahil sa pagkapahiya. Inayos ko ang pagkakaupo ko at nagkunwaring hindi nasaktan sa sinabi niya, kahit sobrang durog na durog ang puso ko. Para bang ipinaparating niya sa aking huwag kang feeling. Ganoon ang tingin niya sa akin. “Okay,” tipid na wika ko. Tumalikod na siya. Inambaan ko siya ng kamao ko. Iyon lang ang magagawa ko para makaganti sa kanya. Nagbuntonghininga ako. Napatingin ako sa paper bag. Sinilip ko ang laman. Naamoy ko tuloy ang mabangong aroma ng ulam. Naglaway ako sa gutom. Ayoko sanang mainggit sa mga babae niya, pero naiinggit ako sa kanila. May concern si Hermes sa kanila, pero sa akin wala. Malambing lang siya kapag may kailangan sa akin, pero kung wala naman dedma na ako sa kanya. Dumating ang sinasabi n'yang kaibigan. Napanganga ako sa ganda ng babae. She’s tall, sexy and her color of skin noticeably pinkish white. Long legged pa. Para siyang manika. Ang liit ng mukha. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko kahit ang lapad ng katawan ko. Pakiramdam ko pumayat ako sa naging pakiramdam ko habang nakatingin sa sinasabing friend daw ni Hermes. Natotomboy ba ako at gusto ko na ang babae? The woman cleared her throat. “Where’s, Hermes?” Diyos ko hindi lang sa ganda ng katawan at mukha ang meron ang babae. Pati ang boses niya - heaven! Before I spoke I cleared my throat. “He left, but he would return later. Maybe wait for him in his office. By the way, he gives it to you.” Binigay ko sa kanya ang paper bag. Umaliwalas ang mukha ng babae. Nginitian niya ako. “Thank you,” anito. Tumalikod ito at pumasok sa opisina ni Hermes. Nakatingin na lang ako sa kanya habang pumapasok sa loob ng opisina. Inaya ko si Guadalupe na uminom sa bar na malapit sa opisina namin nang mag-out na kami sa trabaho. Gusto ko lang maibsan ang inis ko kay Hemes. Friday naman ngayon at bukas walang pasok. Malaya akong umuwi ng gabi at lasing. Gusto kong makalimot sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi naman ako dati ganito. Mahal na mahal ko na ba si Hermes? Obvious ba na mahal ko ang lalaking iyon? “Ako talaga ang inaya mong uminom? Manginginom ba ako? Hello?” wika ni Guadalupe at saka ako inirapan. Inayos nito ang salamin sakop na ang buong paligid ng mata niya sa sobrang laki ng size nito. “Kaya nga ikaw isinama ko para kapag lasing na lasing na ako may aalalay sa akin at mag-uuwi sa bahay kapag gumagapang na ako dahil sa kalasingan.” Nanlaki ang mata ni Guada sa sinabi ko. “Ginawa mo pa akong alalay. Ako? Bubuhatin kita? Diyos ko naman Feli, ang bigat mo, no? Hindi kita kayang buhatin.” Reklamo niya. “Grabe ka naman kung maka ako naman ikaw diyan. Hindi naman ako ganoon kataba para hindi mo ako mabuhat. Chubby lang ako hindi obese,” sabi ko. “Ganoon rin ‘yon!” pinanlakihan niya ako ng mata kaya natawa ako. “Okay let’s have fun. Kalimutan muna natin ang mga taong nakaka-stress sa buhay natin! Cheers!” Pinagbunggo namin ni Guadalupe ang mga baso namin at saka nilagok ang alak. Parehong nalukot ang mga mukha namin dahil sa lasa ng alak. “Grabe ang tapang nito!” reklamo ni Guadalupe. “Okay lang iyan masasanay rin tayo sa lasa. Cheers!” Nag-inuman kaming dalawa ng walang humpay hanggang sa dalawa na ang tingin ko sa taong nasa paligid namin. “Hi, girls!” Bati ng lalaking lumapit sa amin. Hindi ko maaninag ang mukha ng lakaki dahil malabo na ang tingin ko. “Mukhang lasing na lasing na kayong dalawa. Gusto niyo ihatid ko kayo?” Suhestiyon ng lalaki sa amin ni Guada. Mukha namang maayos makipag-usap ang lalaki Napaangat ng tingin si Guada. Nasa ilong na ni Guada ang eyeglass at mas mukhang lasing sa akin. Dinuro niya ang lalaki. “Hoy! Hindi ka namin kilala para magpahatid kami sa ‘yo and excuse me we have our own car. Kahit lasing kami kaya pa naming mag-drive. Hindi ba Feli?” Humarap si Guada sa akin. My lips twitched as what she stated. “A, oo. Yakang-yaka ‘yan. Gusto mo magkarerahan pa tayo.” Mayabang na wika ko. Napahagikgik si Guada sa tinuran ko. “’Yan ang gusto ko sa ‘yo Feli, masyadong mataas ang bilib mo sa sarili, which is good naman.” Tumawa siya na parang aliw na aliw sa sinabi ko. Nakitawa rin sa amin ang lalaki. “Manloloko ka, no? Hindi mo kami maloloko, astig ito, e?” sabi ni Guada sa lalaki. Nagtawanan kaming dalawa. “I’m not a manloloko. Gusto ko lang namang makilala ka,” sabi ng lalaki kay Guada. Tinuro ni Guada ang sarili. “Ako?” tumawa siya na parang kontrabida. Tumayo na ako at hinayaan na silang mag-usap. Tutal si Guada naman pala ang type ng lalaki. Gayon pa man hindi ko inalis ang tingin ko sa dalawa. Baka gawan ng kahalayan ang kaibigan ko. Malalagot sa taba ko ang lalaking ‘yon kapag binastos niya ang kaibigan ko. Uminom ako nang malamig na juice para mahimasmasan at upang mawala na rin ang pagkalasing ko. Ginala ko ang tingin ko sa paligid. Maraming tao ngayon dahil huling araw ng trabaho. Napako ang tingin ko sa dalawang taong naghahalikan malapit sa kinatatayuan ko. Halos mahubaran ang babae at gayon rin ang lalaki. Wala silang pakialam kung may mga tao sa paligid. Namukhaan ko ang lalaki. Walang iba kundi si Hermes. Napakababaero ng lalaking ito. Iba na naman ang babaeng kasama. Nag-igting ang panga ko nang umalis ang dalawa na magkahawak kamay pa. Nagseselos ka lang Felicity dahil hindi ikaw ang kasama.  Mukhang itutuloy nila ang lampungan sa condo ni Hermes. Sure ako na doon ang punta nila. Pugad kaya ‘yon ng mga babaeng kinakama niya. Isali mo na rin ang opisina niya. Tumalikod na ako upang puntahan si Guada. Nawalan na akong gana pang mag-stay dito at mukhang nawala na rin ang tama ng alak dahil sa nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD