EPISODE 2

1159 Words
FELICITY  HINDI ako pumasok ng ilang araw sa trabaho dahil sa sama ng loob kay Hermes. He messaged me and he even called me, but I never returned his calls. Masama talaga ang loob ko. Hindi man lang ako binigyan ng benefit of a doubt. Para ngang kasalanan ko na nandoon ako at pinagdiskitahan ng babae nito. Baka naman kasi mapahiya siya dahil napagkamalan akong nobya niya. “Hindi mo ba sasagutin ang tawag na iyan? Kanina pa tumutunog ang cellphone mo. Patayin mo na lang kaya, no?” Pang-iinis sa akin ng pinsan ko. Pinatay ko na lamang ang cellphone ko para hindi na mag-ingay. “Alam mo kung ako sa iyo mag-resign ka na. Hindi na healthy kung mag-stay ka pa roon tapos purong sama ng loob ang binibigay niya sa iyo. Dadami lang ang wrinkles mo sa lalaking iyon at tatanda ’yang mukha mo.” Payo ng pinsan sa akin. Naging option ko na iyan dati pa. Pero iniisip ko kasi paano na si Hermes kung mawala ako? Sinong mag-aayos ng mga dapat ayusin sa office? Paano siya kung wala ako sa tabi niya? Mga katanungang laging sumasagi sa isipan ko kapag iniisip kong lumayo sa kanya. Hindi pa naman magaling na sa pagma-manage ng company ang lalaking ’yon kundi lang sa akin. Tiningnan ako ng pinsan ko. All the information she sought seemed to be on my face. “I know that look, City. I'm just concerned with you.” Aniya. “Sorry dahil duwag akong iwan ang best friend ko.” Tanging sabi ko. TATLONG araw na hindi ako pumasok. Ngayong araw ay napagpasiyahan kong pumasok na. Nag-alala na rin ako sa company at baka wala na akong madatnan. I’m sure maraming naghihintay na trabaho sa akin na nasa ibabaw ng table ko. Habang naglalakad sa pasilyo ng building napapatingin sa akin ang mga ibang empleyado. “Okay, ka lang? Ilang araw kang hindi pumasok. Alam mo bang ang init ng ulo ng boss mo? Parang papatay ng tao, eh?” sabi ng kaibigan kong si Guadalupe isang nerd at palaging binu-bully kagaya ko. Sabay na kaming pumasok sa elevator. Siya lang at isa pa ang naging kaibigan ko sa company. Masyadong maarte ang ibang empleyado para maging malapit sa aming hindi naman kagandahan. “Nagka-trauma naman kasi ako sa nangyari last time. Feeling ko nasa tabi ko lang ang babaeng iyon. Imagine mo muntikan na akong magkagripo sa tagiliran. Sobrang takot ko kaya.” Exagerated na sabi ko. Mas okay ng magsinungaling kaysa sabihing nagpalamig lang ako sa inis sa boss kong manhid. Well, totoo na natakot ako, pero hindi na-trauma. Nainis lang ako kay Hermes kaya ilang araw hindi ako pumasok sa trabaho. “Good luck frenny sa boss mong masungit,” sabi ng kaibigang si Guadalupe. Lumabas kami pareho sa elevator. Sa ibang way siya pumunta at ako naman sa office ni Hermes. Inayos ko ang buhok kong kulot na nakapusod at ang damit kong may raffles. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto at pumasok. Nawala ang ngiti na hinanda ko nang makita ko ang dalawang taong nagkakabayuhan sa ibabaw ng table ni Hermes. Napalunok ako nang makita ko ang muscle ni Hermes sa puwet. Napatitig ako roon. Ang puti ng puwit niya. Daig pa sa puwit kong parang uling. Hindi ko alam kung iistorbohin ko sila o aalis na lang ako. Kailangan kong kunin ang papeles na nasa ibabaw ng lamesa ng boss kong babaero. Huminga muli ako ng pagkalalimlalim kasing lalim ng pagbaon niya sa kanyang baton sa monay ng babaeng maingay pa sa inaheng manok sa umaga. Ang lakas makasigaw ng - “Ohhh. . . Ahhh. . . Yeah. . . Yes!” napangiwi ako sa ungol ng babae. Tumikhim ako ng malakas ngunit parang wala namang narinig ang dalawang busy sa pagkakabayuhan. Mas nilaksan ko pa ang pagtikhim. “Ahemmm. . .” Walang epekto ang tikhim ko. Sigawan ko kaya ito para marinig nila? “Oh, my god, Hermes! I’m cvmming!” Ano raw? Napalunok ako nang marinig ko ang tunog na nagsasalpukang bahagi ng kanilang katawan. “Ahemmm! Ahemmm!” Tumikhim akong muli na mas malakas pa sa una, ngunit walang epekto. Pumameywang ako para isipin kung anong diskarte ang gagawin ko. Kailangan kong makuha ang mga folder na nasa ibabaw ng lamesa. Nakita ko ang folder na nasa gilid nilang dalawa. Ilang pulgada na lang malalalaglag na. Tumingin ako sa kabilang side para hindi ko makita ang kanilang hubad na katawan habang kinukuha ang folder. Napatalon ako sa gulat nang malaglag ang folder. Nasanggi ng balakang ng babaeng malaki ang bunganga. “Ay, mahaba ang t*t* mo!” Gulat na sabi ko. Napatakip ako sa bibig at napapikit ng mga mata. Mabilis kong kinuha ang folder at mabilis pa kay the flash, nakalabas ako ng pintuan. Sinarado ko kaagad at napasandal sa pinto habang nasa dibdib ko ang folder. Napakabilis ng tib*k ng puso ko. Pinagpawisan ako kahit wala naman akong ginawa. Baka naman dahil sa nerbiyos ko. Pumunta ako sa table ko at inilagay sa ibabaw ng table ang folder. Umupo ako sa swivel chair habang nanginginig ang mga paa ko. Grabe ka, Hermes, hindi mo lang ako sinaktan, nawala na rin ang ka-inosentehan ko sa s*x. NAPAPITLAG ako nang may kumalampag sa lamesa ko. Napaangat ako ng tingin. Si Hermes kasama nito ang babaeng kinakabayo niya kanina lang. “Fel, your mind is wandering. Kanina pa ako nagsasalita rito,” sabi ni Hermes na mukhang inip na inip dahil sa hindi ko siya napansin. “Oh, sorry you know may gumugulo lang sa isipan ko. Nakakita kasi ako ng nangangabayo. I mean nagkakabayo... Um..It’s not what you think, okay? I mean nakapanood ako ng karera ng kabayo kagabi. Grabe ganoon pala iyon, ang bilis, ha?” Natawa pa ako, pero ’di bumenta kay Hermes ang joke ko. His mouth twitched in response to what I said. “Tell Mr. Gonzales my meeting with him will be moved to 3:00 PM. I will be back soon. I want to talk to you. Maraming kang dapat ipaliwanag sa akin.” Anito na may seryosong tingin. Inirapan ako ng babae at saka tinaasan ng kilay bago tumalikod. Sarap niyang sabunutan at kalbuhin. Aba, hindi na ako papayag na sasaktan nila ako. Akala mo naman maganda siya? Malaki lang ang hinaharap niya, pero mas maganda ako sa panaginip. Aminin mo na kasi Felicity na maganda ang babae. Hamak na maganda sa iyo. Singit ng isip ko. Pumangalumbaba ako sa ibabaw ng table ko. Wala bang magmamahal sa isang katulad ko? ’Yon bang hindi tumitingin sa panlabas kundi sa panloob? Ang swerte naman nila nang magpaulan ang diyos ng kagandahan at kaseksihan nasalo nilang lahat. Nakatulog yata ako noon kaya wala akong naabutan. Noong nagpaulan ang diyos ng kapangitan nasalo kong lahat dahil gising ako. “Haist, Felicity, ang maganda lang sa iyo pangalan wala ng iba pa.” Napailing siya sa sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD