EPISODE 4

2065 Words
FELICITY  PAPASOK na sana ako sa elevator nang makasabay ko ang magandang kaibigan ni Hermes. May dala itong paper bag na mukhang kape ang laman dahil sa tatak ng paper na nakatatak doon. “Hi, good morning.” Bati ko sa kanya. Mukha namang mabait ang babae kaya naglakas loob akong batiin. “Hello, ‘di ba ikaw ‘yong secretary ni Hermes?” tanong nito. “Opo, Ma’am.” “By the way, I’m Anica, Hermes fiancee,” pakilala nito sa sarili. Napaawang ang labi ko sa sinabi niyang fiancee siya ni Hermes. Nagtataka naman ako. Bakit sabi ni Hermes friends sila ng babae at bakit fiancee ang pakilala nito sa akin? “Oh, really, Ma’am. Wow!” Peke akong napangiti. Bumukas ang pinto ng opisina ni Hermes. Sinalubong agad niya si Anica. Ang fiancee umano ni Hermes. Nagyakapan ang dalawa at naghalikan sa pisngi ng bawat isa mismo sa harapan ko. Para akong ‘di nag-e-exist. Tumikhim ako. “Good morning, sir.” Bati ko. Pinandilatan ko siya ng mata. Ngunit parang balewala lang iyon. Biglang nalungkot ang taba ko kaya tahimik akong bumalik sa table ko. Ang dalawa naman ay pumasok sa opisina ni Hermes, magka-holding hands pa sila. Halos isang oras sa loob ang dalawa hindi pa lumalabas. Hindi ko alam kung ano’ng ginagawa nila doon? Wala naman akong naririnig na kakaiba. Kung sa ibang babae ni Hermes makaririnig ako ng kalabog at mga ungol. Pinilig ko ang ulo ko dahil kung ano-ano ang sumasagi sa isipan ko. Kinuha ko ang papers na inaayos ko. Gusto kong pumasok sa loob ng office ni Hermes para makita ko kung anong ginagawa nila. Haist, bakit ko ba iniisip kung meron silang ginagawa sa loob? Nagpasya akong ituon ang atensyon ko sa papeles na nasa harapan ko. Madami pa naman ito. Lumabas na rin sa wakas ang dalawa nang pauwi na ako. Mukhang sayang-saya ang mukha ng dalawa. Siguro sobrang nag-enjoy sila kung ano man ang ginawa nila sa loob. “Felicity, puwedeng ikaw na muna ang makipag-meeting kay Mr. Sandoval. May mahalaga akong lakad,” aniya sabay ngiti sa kasama nito. Gusto ko sanang bulyawan si Hermes dahil importanteng tao ang kakausapin niya ngayon. At saka pauwi na ako. Hindi ko sure kung papayag ‘yon na isang secretary lang ang kakausap sa kanya. “Pero sir . . .” pinutol niya ang sasabihin ko. “No buts, just do what I said.” anito na maya pinalidad at saka tumalikod. Naiwan akong nagpupuyos sa galit. Huminga ako ng malalim at pinikit ng matagal ang mata ko upang pakalmahin ang sarili kong punong-puno na sa ugali ng kaibigan ko. “Relax lang Felicity. Ang wrinkles mo baka dumami.” Pagpapakalma ko sa sarili. Tinawagan ko agad ang secretary ni Mr. Sandoval upang sabihing hindi makakapunta sa meeting ang boss kong masama ang ugali. Sana naman pumayag na ako ang mag-represent. May takot ako dahil ayon sa mga nakausap ko strict daw si Mr. Sandoval. Nang makausap ko ang sekretarya ni Mr. Sandoval na pumayag daw ang boss nito. Nakahinga ako ng maluwag. Pinuntahan ko agad ang opisina ni Mr. Sandoval sa BGC Taguig. Doon ang main office nito. Pumasok ako sa building ng Sandoval Group of companies. Napapatingala ako sa building na nakapaligid dahil nagtataasan ang mga iyon. Grabe nakakalula ang building kung saan ang opisina ni Mr. Sandoval. Mukhang bigatin dahil meron din siyang office sa Makati. “Good morning, I have an appointment with Mr. Reynaldo Sandoval. I am Felicity Mabuhay, Secretary of Mr. Hermes Del Prado.” Pakilala ko sa receptionist na nasa front desk. Tumingin muna ito sa akin bago hinanap ang pangalan ko sa logbook. Nang sulyapan niya muli ako ay tinitigan ako at saka ngumiti. Binigay niya sa akin ang ID na may nakalagay na visitor. “You can proceed to the office of the CEO,” aniya. Kinuha ko ang ID at pagkatapos nilagay ko sa bandang didbib ko gamit ang pin. Naglakad ako patungo sa elevator. May lalaking nakatayo doon na mukhang naghihintay din sa pagbukas ng elevator. Sumulyap sa akin ang lalaki. Gustong tumalon ang taba ko nang makita ko ang kabuuan ng mukha nito. He’s georgeous kahit seryoso. Tumabi ako sa kanya at saka humarap sa elevator. Nang bumukas ang elevator gusto ko sanang siya ang paunahin dahil mukhang may mataas na katungkulan ito base sa kanyang suit na suot. “You can go first.” Gulat ako sa sinabi niya. Hindi naman pala ito suplado. Gentleman naman pala. “Thank you, sir.” Pasasalamat ko at saka pumasok sa loob ng elevator. Sumunod naman ang lalaki. Sumulyap ang lalaki sa akin. “What floor you are going?” Tanong nito. Nagulat na naman ako. Aba, mukhang mabait talaga ang lalaki. “Sa 25th floor, sir. Ako na po ang magpipindot.” Presinta ko. Pipindutin ko sana ngunit pinindot na nito ang sinabi kong floor. Nahiya ako kaya sumiksik ako sa bandang sulok. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa narating ko ang floor. Binigyan niya ako ng daan upang makadaan ako. Nagulat ako nang lumabas din ang lalaki. Dito din pala sa floor na ito nagtatrabaho ang lalaki. Nagkatinginan pa kaming dalawa nang pareho kaming napahinto sa pintuan kung saan ang opisina ng pakay ko. Natulala ako at hindi nakagalaw, gayon din ang lalaki. “You must be Ms. Felicity Mabuhay, Hermes secretary?” tanong nito. Tumango ako. Hindia ko nakapagsalita dahil sa kabiglaanan. Binuksan nito ang pinto at pinapasok ako. Nakayukong pumasok ako sa loob. Ang akala ko matanda na si Mr. Sandoval. Ang nasa isipan ko nakakalbo at uugod-ugod na matanda. Diyos ko, hottest man on earth pala ang itsura. “Good morning po, Sir Sandoval.” Bati ko dito. Sumenyas itong umupo sa sofa na mukhang nakahihiyang upuan dahil sa ganda at kintab. Marahan akong umupo sa sofa dahil sa bigat ko lumubog ng kaunti. Kailangan ko na yatang mag-diet mukhang tumataba na talaga ako. Maalala ko palang mataba ako. Nagkasabay kaming napalingon ni Mr. Sandoval nang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang taong hindi ko inaasahang darating. “Hey, peanut!” bati ni Mr. Sandoval sa magandang babae. Nagyakapan sila. Nagkatinginan kami ni Hermes. “What are you doing here?” Gulat ako sa tanong niya. Hindi niya ba alam na si Mr. Sandoval ang ka-meeting niya dapat ngayon at hindi ako? “Siya ang ka-meeting mo dapat ngayon, Sir Hermes.” Sabi ko nang may diin sa kanyang pangalan. Hindi naman nagulat ang boss ko. Sarap sabunutan. “Oh?” Singit ni Mr, Sandoval. Napalingon si Hermes. “Tutal nandito naman ako, ako na ang kakausap sa’yo Reynaldo.” Gusto kong magngitngit sa galit. Pwede naman pala siya ngayon. E, bakit ako pa ang pinapunta niya? Sinayang ko lang ang oras ko dito. Sana nasa bahay na ako at nagpapahinga. Buwisit na lalaking ito. “Ganyan ka na ba ka-unprofessional, Hermes? Pinapunta mo dito ang secretary mo para siya ang mag-represent sa ‘yo. Then now paaalisin mo siya? Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo? You just wasted her time going here and do nothing.” Napalingon kami kay Mr. Sandoval nang magsalita ito. “Ano naman masama sa ginawa ko? Hindi ko alam na ikaw pala ang ka-meeting niya.” Nagsalubong ang kilay ni Mr. Sandoval sa tugon ni Hermes. Napailing ako dahil napaka-lame ng reason niya. Natawa na lang ng mahina ang huli. Hindi makapaniwala si Mr. Sandoval. “So sinasabi mong walang masama sa ginawa mo? And one more thing, bakit hindi mo alam kung sino ang ka-meeting ni Ms. Mabuhay? Ganoon ka na ba kawalang interesado sa company mo at pati mga client ng company mo ay hindi mo kilala?” Mr. Sandoval laughs at his own statement. I saw Hermes gritting his teeth. Hinawakan naman siya ng kasama nitong babae. “Kuya, don’t insult him. Baka hindi lang niya naaalala kung sino ang ka-meeting ni Ms. Mabuhay. Wala naman perpektong tao.” Anito. Kapatid pala ng babae si Mr. Sandoval. What a small world. “Sorry, Mr. Sandoval. I forgot to tell my boss.” Singit ko. Napasulyap ako kay Hermes. Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. I save his ass. Napayuko ako nang titigan ako ni Mr. Sandoval. “Okay, we start the meeting.” Napatingin sa akin si Mr. Sandoval. “You’re not going out, stay here.” He said to me with finality. Umupo ako sa isang tabi at nakinig sa meeting ng dalawa. Samantalang ang kapatid ni Mr. Sandoval ay nasa tabi naman ni Hermes. Hindi na umalis doon magmula kanina. Natapos ang meeting nila alas-syete na ng gabi. Nakaramdam na ako ng gutom dahil kanina pa tunog nang tunog ang tiyan ko. Mabuti na lang hindi nila naririnig. Pumasok ang sekretarya ni Mr. Sandoval. May dala itong paper bag at inilabas ang mga pagkain. Mas lalong nagwala ang bituka ko nang maamoy ang mabangong amoy ng ulam. “Bukod sa trabaho mo bilang secretary, ano pa ang mga skills mo, Ms. Felicity?” out of nowhere na tanong ni Mr. Sandoval sa akin habang kumakain kami. Nag-hang ang kamay kong may hawak na kutsara. Binaba ko ang kutsara. Tumikhim ako. “I can cook, I can sing, I can dance and…” natigil ako sa pagsasalita. Sumulyap ako kay Hermes na tumigil din sa pagkain at tumingin sa akin. Mukhang naging interesado sa sasabihin ko. Sasabihin ko ba? Bahala na nga. “And?” mukhang interesado din si Mr. Sandoval sa sasabihin ko. “I can be a good wife.” Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Well, totoo naman iyon dahil pangarap ko iyon matagal na. Nakakatawa dahil skills ba ang pagiging good wife? Napangiti si Mr. Sandoval habang si Hermes naman ay kunot na kunot ang noo na nakatingin sa akin. May na sabi ba akong masama? It’s my own opinion. “I like that. As a matter of fact, ‘yan ang hinahanap kong babae. I’m not into a woman na pagpapaganda lang ang ginagawa, walang pakialam sa nararamdaman ng iba.” Napatitig ako kay Mr. Sandoval. Pakiramdam ko para sa akin ang sinabi niya. Nagtitigan kaming dalawa. Tumikhim ng malakas si Hermes kaya nawala kami sa titigan naming dalawa. “Siguro naman puwede nang umalis ang sekretarya ko. Beside tapos naman na ang meeting natin,” sabi ni Hermes habang nasa akin ang tingin niya. Inirapan ko s’ya. Grabe siya, o? Nandoon na nga, e? “Oh, sure. Para naman makapagpahinga na si Ms. Mabuhay.” Hindi ko alam parang may kahulugan ang tingin niya sa akin. Gusto kong kiligin sa sinabi niya. Mabuti pa ito may concern sa akin kahit ngayon lang kami nagkakilala. Samantalang itong boss ko halos isang dekada ko nang kakilala, ni minsan hindi naging concern sa akin. Mas concern pa yata sa mga babae nito. “Thank you for your time, Mr. Sandoval. It’s my pleasure to meet you in person,” sabi ko. He smiles. Lumitaw ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito. Mas lalo siyang naging guwapo sa pagngiti niyang ‘yon. Tumayo si Hermes. Nagulat ako nang hilahin niya ako palabas ng opisina ni Mr. Sandoval. “Ano ba, Hermes, bitawan mo nga ang kamay ko. Napaka-unprofessional ang ginawa mo. Basta mo na lang iniwanan ng walang paalam ang tao.” Iwinaksi ko ang kamay kong hawak pa niya. “Ano pa bang gagawin natin doon? E, ‘di umalis na lang tayo.” Inis na wika nito. Hinarap ko siya. Nilagay ko sa magkabila kong beywang ang mga kamay ko. “Ganyan ka ba talaga, Hermes? Wala kang pakialam kung mapahiya ako? Take note office ito ni Mr. Sandoval at hindi mo office para umasta ka ng ganyan. Kung umasta ka parang pagmamay-ari mo ang building na ito. Nakakapuno ka na, Hermes. Malapit na akong mapuno sa ‘yo.” Gigil na sabi ko. Tinalikuran ko siya at nagmadaling naglakad paalis. Bakit ko ba pinagtitiyagaan ang ugali niya? Dapat noon pa umalis na ako sa trabaho. I’m holding my back because I love him. Buwisit talaga ang pagmamahal na iyan! Alam ng nasasaktan, ngunit sige pa din. “Fel, I am so sorry.” Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang paghingi nito ng paumanhin. Ito ang kahinaan ko kapag humihingi na siya ng sorry. Napapikit ako ng mariin dahil naiinis ako sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD