EPISODE 6

1639 Words
FELICITY HINDI ako makatingin ng diretso kay Hermes habang nasa loob kami ng tinutuluyan kong apartment. Pagkatapos ng dinner date namin ni Mr. Sandoval inihatid niya ako sa bahay. Dumating doon si Hermes kunot na kunot ang kanyang noo habang nakatingin ng seryoso sa akin. Bakit ba kasi of all places doon pa kumain ang dalawa! “Of all people, ikaw pa ang magsisinungaling sa akin? Pinsan, huh? Why did you lie? Bakit sinabi mong pinsan mo ang kasama mo? Si Sandoval naman pala ang kasama mong lalaki.” Pagkadiin niya pa ang apelyido ni Mr. Sandoval. Napairap ako. Ano naman ang masama kung kasama ko siya? Wala na ba akong karapatang makipag-date sa ibang lalaki? Alam kong nagsinungaling ako sa kanya, pero hindi tamang pagbawalan niya ako. “Ano namang pakialam mo kung lalaki ang kasama ko?” Hindi ko naiwasang sagutin siya. Nakakainis! “’Yun na nga, eh? Ang point ko roon, you lied to me. Bakit mo ginawa iyon, huh?” Napatirik ako ng mata. “I am so sorry kung nagsinungaling ako sa iyo. Satisfied ka sa answer ko?” May panghahamon sa mga binitawan kong salita. “I am your friend, not anyone else’s. Ngayon mo lang ginawa ito sa akin. Bakit?” Tanong nito. Hindi ko maiwasang maparolyo ng mata. Nauubusan ako ng pasensya sa kanya. E, ano naman kung nagsinungaling ako? Wala naman siyang concern sa akin. Sa tingin niya ba poque ‘di ako kagandahan wala ng magtatangkang makipag-date sa akin? Grabe naman siya. “Ayokong pagtalunan pa natin ang pagsisinungaling ko. And beside, ginagawa mo rin naman sa akin ang magsinungaling. Remember, sabi mo kaibigan mo ang kapatid ni Mr. Sandoval, ‘yon naman pala fiancee mo. O, nag-react ba ako? Nagalit ba ako? Hindi naman, ‘di ba? Kinompronta ba kita? See, maliit lang na bagay pinapalaki mo. Puwede ba, Hermes, I want to get rest now. I am tired already.” Pagtataboy ko sa kanya para matahimik na ako at naubusan na ako ng rason. “You’re unbelievable, Fel. You didn’t answer my question. ‘Yun lang naman ang gusto kong malaman,” aniya. “Sabihin ko man o hindi pagtatalunan pa rin natin ito. Can you, Hermes, please stop being so concerned about me, which you are not?? “Paano mo nasasabi ‘yan na hindi ako concern sa iyo? Of course, I am so concern with you. I am your best friend natural mag-alala ako. Don’t tell me of all years na magkasama tayo iniisip mong ginagamit lang kita?” Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi nga ba ganoon ako para sa kanya? Isang utusan, isang uto-uto para lang mapalapit sa lalaking mahal ko. I swallowed. Hindi ako nakapagsalita nang ilang sandali. I just look at him, directly in the eyes. “Hindi nga ba?” Biglang lumabas sa bibig ko ang salitang iyon. Hindi makapaniwala ang hitsura ni Hermes. “Ganoon na ba ako kasama sa tingin mo?” anito na may himig na tampo. He looks disappointed. Ako naman ay hindi magkamayaw ang pagtib*k ng mabilis ang puso. I expressed regret for lying him. Sana sinabi ko na lang ang totoo hindi iyong idadamay ko pa ang pinsan ko. “Get rest. I’m going home.” Kita ko ang pagkadismaya niya sa akin. Nakonsensya ako sa ginawa ko. “Hermes. . .” Tawag ko sa kanya ngunit hindi na ito lumingon. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad nito patungo sa kinaparadahan ng sasakyan. Naupo na lang ako sa sofa habang may pagsisisi sa puso ko. **** LUNES, ngunit parang biyernes santo ang mukha ni Hermes nang dumating ito sa opisina. Binati ko siya ng good morning ngunit hindi niya ako tinugon. Diretso lang itong pumasok sa opisina. Napabuntonghininga ako. Galit pa rin siya sa akin. Nagtimpla ako ng kape niya. Pumasok ako sa loob ng opisina niya. Nakita ko itong busy sa harapan ng laptop. Parang may kaaway siya sa harapan ng laptop. Kung titigan niya ay parang gusto na nitong wasakin. Tumikhim ako bago inilapag ang kape niya. Sumulyap lang siya nang ilang segundo at ibinalik din agad ang atensyon sa ginagawa nito sa laptop. “You have a meeting this 2:00 PM with Ms. Lorenzo,” sabi ko. Napatingin siya sa akin. Matagal niya akong tinitigan bago magsalita. “Prepare the paper I needed for the meeting this afternoon.” Aniya at saka muling binalik ang tingin sa laptop. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. “Hermes, I am so sorry kung nagsinungaling ako. Wala naman akong intensyon na masama.” Paliwanag ko kahit naipaliwanag ko sa kanya iyon. Alam kong may mali ako. I lied to him. At ano naman kasi ang pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon? Lumabas na lang ako nang hindi na niya ako tinapunan ng tingin. Sumapit ang 1:30 PM, dumating ang seksing babae. Lumapit siya sa table ko. “Hi, I’m Margaret Lorenzo, ‘yung ka-meeting ni Mr. Del Frado.” Pakilala ng babae. Ito pala si Ms. Lorenzo, napakaganda niya. Nakahihiya ang beauty kong pang-tribo ng bundok tralala. Ang akala ko matanda na itong si Ms. Lorenzo mukhang may karibal na naman ako sa kanya. Ngumiti ako at tumayo. “Nasa loob po si Sir Hermes,” sabi ko at inilahad ang kamay kong nagtuturo sa opisina ni Hermes. “Thank you,” sabi nito. Nang makapasok sa loob ang babae kinuha ko agad ang papel na kailangan niya sa meeting. Pinihit ko agad ang seradura nang hindi kumakatok. Natulos ang paa ko sa kinatatayuan nang makita ang dalawang taong naghahalikan. At hindi lang iyon, magkapatong ang dalawa. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib. Makaka-witness na naman ako ng nagkakabayuhan. Bago pa mahubaran ni Hermes ang babae tumikhim ako ng malakas. Natigil ang dalawa sa kanilang ginagawa. Napasulyap sa akin si Hermes. Napansin ko ang pisngi nitong puno ng lipstick at ang babae naman ay magulo ang buhok na kanina ay straight na straight. Tinaas ko ang papel upang ipakita nasa akin na ang papel na kailangan nila. Pero parang hindi naman nila ito kailangan. Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Hermes, tumalikod na ako at lumabas ng pintuan. Naibaba ko na lang sa ibabaw ng lamesa ang papel. Napailing ako. Mukhang ‘di pa rin nagbabago si Hermes. Kinuha ko ang water jug ko at uminom ng tubig. Diyos ko nauhaw ako sa nakita ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Ms. Anica. “H-Hello, ma’am.” Bati ko sa kanya nang makalapit ito sa table ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanginig ang mga kamay ko habang hawak ang papel. “Oh, hi, Felicity. By the way pasensya na sa kuya ko may pagka-strict kasi ‘yon at masungit.” Anito tungkol sa nangyari last time. “Ayos lang po ‘yon. Sanay naman po ako sa mga ganoong ugali ng mga boss.” “Nandiyan ba si Hermes?” Natigilan ako sa tanong niya. Paano kaya ito? Nasa loob pa ang dalawa at may ginagawang milagro. Natawa ako ng hilaw. “Naku nagkasalisi po kayong dalawa. Umalis po s’ya. Mamaya pa po ang balik niya.” Pagsisinungaling ko. Diyos ko sana naman hindi siya pumasok sa loob. My god! “Ganoon ba?” Nag-isip pa ito ng ilang sandali. “Siguro hihintayin ko na lang siya sa loob ng opisina niya.” Mas lalo akong na-tense dahil sa sinabi niyang ‘yon. Diyos ko! Hindi maaari! Gusto kong manlaki ng mata nang makita ko si Hermes na palabas ng opisina niya. Magulo ang buhok pati ang suot nitong long sleeve. May bahid pa ng lipstick ang kanyang pisngi. Pinandilatan ko siya ng mga mata nang mapasulyap sa akin. Ginalaw ang ulo ko para sabihin umalis siya. Hinawakan ko ang braso ni Ms. Anica. “Magkwentuhan na lang kaya tayo, ma’am. Maiinip lang po kayo sa loob ng opisina ni sir.” Suggestion ko. Namilog ang mga mata niya nang sabihin ko ‘yon. “That’s nice I like that. May boyfriend ka na?” Napaubo ako sa tanong niya. May pag-aalala sa kanyang mukha. “Okay ka lang?” Hinawakan niya ang balikat ko. Nakita ko si Hermes at ang babae na umalis na. Nakahinga ng maluwag ang bilbil ko. Grabe! Magkakaroon yata ako sa sakit ng puso nito dahil sa kagagawan ni Hermes the pokp*k. “Wala pa pong nanliligaw kaya single pa rin.” Natawa ako sa sinabi ko. “Alam mo bagay kayo ni Kuya. Mabait ‘yon at saka ‘di siya mahilig sa mga sexy. I mean hindi ko naman sinasabing ‘di ka sexy. Sadyang mahilig si kuya sa chubby. Marami ngang nagkakadarapang mga seksing mga babae sa kuya ko, ngunit walang epekto sa kanya kahit maghubad pa sa harapan niya.” Natawa si Anica sa sinabi nito sa kuya. Maging sa pagtawa napakaganda niya. Paano na lang kaya ako? Mukhang baboy ang tawa ko. Nakokonsensya ako sa pagsisinugaling sa kanya. “Matanong ko lang, Ms. Anica. Ano pong nagustuhan niyo kay Sir Hermes? Alam naman po nating numero unong babaero ang boss ko. Hindi ko naman po sinisiraan ang boss ko, pero ‘yun naman po ang totoo.” Pagsasabi ko ng tapat. She laughed again. Nakakainggit naman ng tawa niya. Seksing pakinggan. “Alam ko naman ‘yon na babaero siya. Nakilala ko siyang ganoon na kaya minahal ko ang mga flaws niya at hindi ang kanyang panlabas na anyo. He’s a good person naman kaya mahal na mahal ko siya. Naniniwala naman akong magbabago siya kapag nag-asawa na kami.” Napakagat labi ako dahil sa narinig mula kay Anica. Napakabuti niyang babae para magmahal lang sa katulad ni Hermes na walang inisip kung hindi ang sarili nito. Hindi kaya naisip ni Hermes na isang mabuting babae si Anica para lokohin na lang niya ng ganoon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD