EPISODE 5

1475 Words
FELICITY NIYAKAP niya ako mula sa likuran. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata upang pigilan ang sarili kong maging mahina na naman. Hindi dapat ako bumigay sa sorry o yakap niyang nakapanghihina ng mga tuhod. “I am so sorry naging pabaya ako. Pangakong hindi na mauulit. Huwag ka lang magalit sa akin.” Anito. Hindi ako nakapagsalita. Totoo ba itong narinig ko sa kanya? Humihingi siya ng sorry at higit sa lahat ayaw niyang magalit ako sa kanya? Really? Baka naman inuuto na naman ako ng lalaking ito? Huminga ako ng malalim bago ko kinalas ang braso nitong nakapulupot sa beywang ko. Hinarap ko siya. “Maging responsable ka sa trabaho, Hermes. Hindi isang maliit lang na kompanya ang hawak mo. Your dad trusted you, which is why he has given you all the authority to lead the company. Don’t just waste it. You’re not young anymore, Hermes. Hindi na tayo isang estudyante lang na parang naglalaro na puwede mong ipasa sa iba kung ayaw mong gawin ang assignment mo. Maraming empleyado ang nakasalalay sa iyo, Hermes. Kung bumagsak ang company mo paano na lang ang mga taong umaasa sa trabaho nila? Naiintindihan mo ba ako?” Naturingan siyang CEO, pero parang isip bata kung mag-isip ang lalaking ito. Parang ang mga bagay sa kanya ay walang kuwenta. He slowly nodded. “I am sorry for being childish. Hindi ko na inisip ang mga taong nasa paligid ko.” Anito. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at tinitigan sa kanyang mata. “You need to be serious para naman walang magiging problema.” Payo ko sa kanya. ISANG buwan ang lumipas magmula nang mag-usap tungkol sa ugali ni Hermes. Hindi niya mapaniwalaan ang malaking pagbabago nito. Hindi na ito humihingi ng kahit na anong pabor at palagi na itong nasa loob ng opisina. Seryoso na rin ito sa kanyang trabaho. Ito na ang nakikipag-meeting sa mga client kapag may meeting sa labas kaya hindi na ako haggard pagdating sa mga ganoong bagay. “Here’s the paper you need.” Ani ko nang makapasok sa kanyang opisina. Napaangat ng tingin si Hermes. Busy ito sa harapan ng kanyang laptop. “Make me a coffee.” Utos nito. Kumunot ang noo ko. Naka-ilang kape na siya. Isang oras palang ang nakararaan. Nang hindi ako tuminag tinaasan niya ako ng isang kilay. “I need it.” “Hermes, masama ang maraming intake ng kape.” Pagpapaalala ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng seryosong tingin. “Just do what I said.” Seryoso nitong utos. Bumuntonghininga ako. Tumalikod na ako upang timplahan ng kape ang amo kong wala yata sa mood. Habang nagtitimpla ng kape tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng skirt ko. Napatingin ako sa screen ng phone. Si Mr. Sandoval ang tumatawag kung kaya sinagot ko agad. “Magandang araw po, Mr. Sandoval. Ano pong atin?” “Hi, Ms. Felicity. Gusto ko sanang imbitahan ka para mag-dinner tonight. Is it okay with you, hindi ka ba busy?” Parang huminto ang pagpintig ng puso ko dahil of all people si Mr. Sandoval ang nag-aayang ng dinner date. Sa totoo si Hermes hindi man lang akong inayang mag-dinner kahit walang date. Hindi ba siya nagkakamali ng rinig? Diyos ko! Siya na ba? Teka paano naman si Hermes? Huwag mo ng hintaying ligawan ka ng lalaking iyon dahil para kang nagbigti. Sa loob-loob ko. “Ms. Felicity are you still there?” Nawala ako sa malalim na pag-iisip. Tumikhim ako. “Pasensya na po, nabigla po kasi ako. Sure na sure po na hindi po ako busy.” Diyos tatanggi pa ba ako? Isang guwapong nilalang ang nagkamaling ayain akong mag-date. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang mararanasang i-date ng lalaki. “Okay, then see you tonight, Ms. Felicity. I’ll fetch you before 6:00 PM.” Tinapos na nito ang tawag ngunit nasa tainga ko pa rin ang phone ko. Hindi ko napigilang mapangiti at syempre kiligin ng slight. “Fel, kanina ko pa hinihintay ang kape ko. Sino ba ang kausap mo?” inis na turan ni Hermes nang pumasok sa pantry. Napalingon ako. “Pinsan ko ang tumawag. Nag-aayang mag-dinner kami mamayang pagka-out ko sa trabaho.” Pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin sa kanya na si Mr. Sandoval ang ka-dinner date ko mamaya at baka ‘di niya ako payagan. He looks at me na parang may pagdududa sa sinabi ko. Umayos ako ng pagkakatayo. “Ito na ang kape mo.” Ibinigay ko sa kanya ang tinimpla kong kape. Napatingin si Hermes at binalik ang tingin sa akin. Sukat ba namang tumalikod ito. Napailing na lang ako. Habang nasa CR hindi magkamayaw ang t***k ng puso ko dahil sa matinding kaba. Ngayon lang ako makararanas ng isang dinner na kasama ay lalaki. Take note siya ang nag-aya sa akin at hindi ako. Diyos ko ano kaya nakita sa akin ni Mr. Sandoval at ako ang napili niyang ka-dinner date? Ang daming mas magaganda sa akin at mas sexy. Baka naman nagandahan sa bilbil ko? Napahagikgik ako ng mahina sa sariling biro. Hindi man ako marunong sa pagme-makeup. Pinilit kong pagandahin ang mukha ko kahit simple lang. Para naman maging presentable ako. Nagdadalawang isip pa nga ako kung ilulugay ko na lang ang kulot kong buhok o itali na lang? Sa huli ay nilugay ko na lang. Naalala ko ang sinabi ng pinsan kong mas bagay ang nakalugay sa akin dahil maganda naman daw ang pagkakulot ng buhok ko. Iyon lang naman daw ang maganda sa akin. Masakit pakinggan dahil buhok ko lang ang maganda sa akin. Bakit ko ba iniisip ang kapangitan ko? Dapat maging confident ako sa sarili ko kahit wala akong karapatan. Lumabas na ako ng CR. Patingin-tingin pa nga ako sa likuran ko at baka nasa likuran ko si Hermes, mabuko pa akong iba ang kasama ko. Nakita ko agad si Mr. Sandoval na nasa lobby at mukhang hinihintay ako. Diyos ko, nakakahiya siya pa ang naghintay. “Sorry, Mr. Sandoval medyo na-late ako ng dating.” Hindi ko namalayang ang tagal ko sa CR. Akala mo naman nagmake-up ako ng bonggang-bongga. E, naglagay lang naman ako ng foundation at naglagay ng lipstick. Napangiti lang siya sa akin. Naglakad kami patungo sa sasakyan nito na nasa harapan ng building. Pinagtitinginan nga kami ng mga empleyado nang alalayan ako ni Mr. Sandoval papasok sa sasakyan nito. Mabuti pa siya napaka-gentleman samantalang si Hermes ako pa ang nagbubukas ng pinto ng sasakyan nito at ako pa umaalalay. “Thank you, Mr. Sandoval.” Ani ko at saka ngumiti sa kanya. “Walang ano man, Ms. Felicity.” Nakangiting sabi nito. Narating namin ang restaurant kung saan ang dinner date namin. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at inalalayang bumaba. Pakiramdam ko isa akong prinsesa. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kaba at nerbiyos. First time ko talagang may umaalalay sa aking lalaki. Kagaya sa office kanina pinagtitinginan din kami ng mga babaeng napapadaan sa harapan namin. Iniisip nila siguro bakit kasama ko ang isang guwapong katulad ni Mr. Sandoval. Mukhang hindi sila makapaniwala. Aba, kahit ako rin hindi makapaniwalang ka-date ko ang isang Mr. Sandoval. Masasabi ko lang sa mga babae. Mainggit kayo! Pumasok kami loob at dumiretso sa pina-reserve niyang table para sa aming dalawa. Apaw na apaw ang kilig ko dahil sa pagka-gentleman ni Mr. Sandoval. Napakaswerte ng babaeng mamahalin n’ya, bukod sa makisig, napakabait niya pa. Inihain na ng waiter ang wine pati na ang food namin. Kinuha ni Mr. Sandoval ang wine. Marahan niyang ginalaw ang glass wine at saka inamoy ‘yon. “This wine is made of pure grapes from Spain; you’ll love the taste.” Kinuha ko ang akin. Kagaya ng ginawa ni Mr. Sandoval sa glass niya, ginaya ko rin. Napapikit ako nang maamoy ko ang mabangong aroma ng red wine. Bagay na bagay sa steak na in-order namin. I take a little drink. Napatango ako nang malasahan ang tamis at bitter ng alcohol, ngunit masarap ang lasa. Tama si Mr. Sandoval na magugustuhan ko ang lasa nito. I like the taste. Habang nagkukwentuhan tungkol sa buhay-buhay naming dalawa nakarinig ako ng pagtawag mula sa kung saan. “Kuya! What a coincidence. Oh, hi, Felicity.” Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Parang gusto kong tumakbo palabas ng restaurant nang makita ko kung sino ang kasama ng kapatid ni Mr. Sandoval. Walang iba kung hindi si Hermes. Seryoso itong nakatingin sa akin. Napalunok ako ng laway nang magtama ang tingin namin. Tila may nagawa akong kasalanan. Well, meron nga naman dahil nagsinungaling ako sa kanya. “Really, huh? Dinner date with your cousin.” Aniya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Halos mamula ang mukha ko nang marinig ni Mr. Sandoval ang sinabi ni Hermes. Nakahihiya sa kanya. I swallowed hard as he looked at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD