EPISODE 7

2362 Words
FELICITY DUMATING si Hermes, nakaalis na si Anica. Sinalubong ko siya na salubong ang kilay. Huminto sa paglalakad si Hermes. Pumamaywang ako sa harapan niya. “Sumasakit ang ulo ko sa mga gusot na ginagawa mo, Hermes. Ang akala ko ay mahuhuli ka na kanina! Diyos ko, hindi ko alam ang gagawin ko kanina. Mabuti na lang nakumbinsi kong magkwentuhan kami para lang hindi siya pumasok sa opisina mo. My god, magkakaroon yata ako ng sakit sa puso nang dahil sa mga kalokohan mo. And to think na akala ko isang client ‘yang si Ms. Lorenzo ‘yun naman pala babae mo. Paano na lang kung nahuli ka ni Ms. Anica? Hindi mo lang sinaktan ang pobreng babae kundi niloloko mo pa,” dire-diretso kong saad sa kanya. Hindi pa yata ako huminga habang nagsasalita. “Okay, tapos na wala na silang dalawa kaya safe ka na. I am very sorry kung binigyan pa kita ng problema. I am not expecting Anica today. Hindi ko rin naman alam na masyadong mainit si Ms. Lorenzo nang makita niya ako. Lalaki lang ako madaling matukso sa babae. Bakit ko naman tatanggihan ang isang babae na gustong makipag-s*x sa akin? I am a giver kaya pinagbigyan ko na. She had a good time.” Pagmamalaki pa nito. Napamaang ako sa sinabi niya. Ipinagmalaki niya pa ang pambabae niya? Hindi ako makapaniwala sa dahilan niya sa akin. Paano naaatim ni Hermes na manloko ng isang mabuting babae? He’s unbelievable. Napaiiling akong napatingin sa kanya. “Hindi ka ba kinakapitan ni kahit konting konsensya sa dibdib mo? Panloloko ang ginagawa mo kay Ms. Anica. Ang alam niya mababago ka niya dahil sa pagmamahal, pero mukhang nagkakamali siya sa kanyang akala. Hermes, you’re not young anymore para mambabae ng walang humpay.” Sermon ko sa kanya. I always like this to him pero tila walang epekto ang mga payo ko. “Hindi ko kasalanan na main-love siya sa akin. Siya naman ang nagpumilit na pumasok sa buhay ko. Knowing she knows I am a womanizer. Kaya magtiis siya sa piling ko.” Umawang ang labi ko. Pagkasabi niyon tinalikuran niya ako at pumasok sa opisina nito. Paano niya naaatim ang mga binitawan nitong salita na nakakapagpababa ng moral ng isang babae? Tingin niya ba ang mga babae ay isang laruan? Kung si Ms. Anica ay kaya niyang saktan, ako pa kaya na hindi naman kagandahan? Tama pa ba itong nararamdaman ko para kay Hermes? Dapat ko na bang kalimutan at ibaling na lang sa iba itong nararamdaman ko para kay Hermes? Biglang sumagi sa isapan ko si Mr. Sandoval. Nasa kanya na lahat. Fame, good looking guy and most of all gentleman. Sa totoo na kay Mr. Sandoval na ang lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki. Pero bakit ang puso ko ay tumibok para sa lalaking hindi naman karapat-dapat. Haist, ang pag-ibig nga naman alam ng mali pero sige pa rin. Tinuon ko ang atensyon ko sa nakatambak na gawain sa ibabaw ng lamesa ko. Mas dapat kong gawin ang mga ito kaysa isipin kung may lalaki ba na nagmamahal sa katulad ko? Ayokong umasa dahil masakit masaktan. Masakit na nga ang katotohanang wala sa akin ang quality na hinahanap ng isang lalaki ‘yun pa kayang may magmamahal pa sa akin? Napatingin ang pinsan ko sa akin nang mabungaran n’ya ako sa harapan ng pinto nito. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. “Papapasukin mo ba ako o paniningkitan mo ako ng mata mong malalaki?” pang-iinis ko sa kanya. Niluwagan nito ang bukas ng pinto at saka niya ako inirapan. “Anong masamang hangin at napadpad ka sa bahay ko ng ganitong oras. Hello? 9:00 PM na kaya.” Reklamo ng pinsan. “Friday naman ngayon at walang pasok bukas. Nagdala ako ng maiinom natin at chichiria.” Pinakita ko sa kanya ang dala kong supot. Napatirik ng mga mata ang pinsan ko. “If I know kaya ka nag-aayang uminom dahil? Hulaan ko, may ginawa na namang kabalbalan ang boss mong babaero at manhid na hindi mo nagustuhan. Tama?” Tama nga naman siya ngunit hindi ko sinagot ang tanong niya. Ibinaba ko ang dala kong supot sa center table at saka umupo sa sofa. “Gusto ko lang mag-relax masama na ba ‘yon? Nag-conclude ka na agad. Hindi ba ako pwedeng uminom?” Pumameywang ang pinsan ko. “Aba, malay ko ba na pagre-relax lang ang pakay mo dito at hindi ang sugatan mong puso.”|Pang-aalaska sa akin ng pinsan. “Tigilan mo ako. Mag-inuman na lang tayo habang nanonood tayo ng Netflix,” suhestiyon ko sa kanya. Napangiti ang pinsan ko nang marinig ang Netflix. Mahilig kasi itong manood. Umupo na ito sa tabi ko at ako naman ay in-open ang TV. HERMES PAGKALABAS ko ng opisina hindi ko na naabutan si Felicity. Tinawagan ko ang phone nito ngunit ‘di naman niya sinasagot. Hindi kaya nagalit siya sa sinabi ko kanina? It’s my own opinion wala naman personalan sa sinabi ko. Minsan ‘di ko na rin maintindihan si Felicity. Matagal na niya akong kilala kaya alam niyang isa akong babaerong numero uno, kaya wala ng dapat question doon kung mambabae man ako. Pumunta na lang ako sa bar para magpalamig baka makabingwit pa ako doon ng maikakama ko ngayong gabi. Medyo nabitin ako kanina kay Ms. Lorenzo dahil may meeting pa raw siyang pupuntahan kaya naudlot ng kaunti ang dapat sexy time namin. Nang makarating sa paroroonan ko pumasok na ako agad sa bar. Sinalubong ako ng kaibigan ko. “Hey dude!” nakipag-fist bump ako. “Long time no see Kaleb!” natatawa kong bati sa kanya. “Maka-long time no see ka naman diyan parang noong isang taon tayo nagkita. Last week lang kaya ‘yon.” Masaya naman ako dahil kita ko ang happiness sa mukha ni Kaleb. Mukhang sinagot na yata ng nililigawan niya. Ang childhood sweetheart niyang si Bernadette. “Let’s celebrate,” ani ko. “Celebrate para saan?” nagtataka ang mukha ni Kaleb. “Sinagot ka na ni Bernadette sa panliligaw mo sa kanya.” Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya. Sinuntok niya ng mahina ang balikat ko. “Bakit? Ano naman masama kung mag-celebrate tayo?” ani ko. Natatawa ako sa hitsura ni Kaleb, namumula ang pisngi. Sa aming tatlo masasabi kong si Kaleb ang pinaka-anghel. Siya kasi ang wagas sa amin magmahal. Si Jaxson malupit sa mga babae hindi man babaero, pero mapanakit ng pisikal. Ako naman kahit babaero hindi ako nananakit sa mga babae. Masarap akong kasama lalo na kapag nasa kama. Napangisi ako. “Alam ko ‘yang mga ngisi na ganyan, Hermes. Iniisip mo na naman ang mga babae mo, no?” biro ni Kaleb. “Paano mo nalaman? May tama ka!” nagtawanan kaming dalawa. Nag-inuman pa kaming dalawa nang ilang oras pa. Umuwi si Kaleb ng malasing na ito. Pero ako kahit nakayukyok na ay umiinom pa rin. Parang hindi ko na yata kayang mag-drive. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa upang tawagan si Felicity. Siya lang ang alam kong taong makatutulong sa akin upang makauwi. Ilang ring lang sinagot niya agad ang tawag ko. “Hello, ano’t gabing-gabi tumatawag ka pa!” mukhang galit ang tono niya. “Um… Puwede mo ba akong ihatid pauwi sa bahay ko? I am drunk I can’t drive,” sabi ko. “Bakit ako? For your information lasing rin ako kaya hindi kita maihahatid.” “Fel, mas lasing ako compare sa iyo. I know you, beer lang ang iniinom mo kaya mas alam mo ang ginagawa mo. Please, Fel, hindi ka ba naaawa sa akin? Paano na lang kung mag-drive ako’t mabangga ang sasakyan ko dahil sa kalasingan? Maatim mo bang may masamang mangyari sa akin?” pangongonsensya ko sa kanya. “Paano na lang kung mamatay ako?” dugtong ko pa. Ilang sandaling katahimikan. Malalim na buntonghininga ang narinig ko sa kabilang linya. “Okay! Grabe ka kung mangonsensya parang kasalanan ko pa na mabangga ka dahil hindi kita naihatid.” Inis na wika nito. Napangiti ako. “Thank you. Fel. Maaasahan ka talaga sa lahat ng oras. I’m here at Rock’s Bar,” ani ko. In-end call niya agad ng masabi ko kung nasaan ako. Alam niya ang bar na ito dahil madalas akong nagpupunta dito at nagpapasundo sa kanya kapag nalalasing. Ilang minuto ang lumipas dumating si Felicity. Napangiti ako. Nakapamaywang ito habang nakaharap sa akin. Napahagod ang tingin ko sa suot ni Felicity. She’s wearing a whit long sleeve na nakatupi ang manggas hanggang siko. Nakasuot ito ng skirt na hanggang tuhod. She’s chubby, pero may shape siya. “Oh Fel, you’re so hot by doing that,” ani ko. Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung bakit naseksihan ako sa ganoong gesture nito. Napairap siya sa akin. “Yeah, it’s true believe me,” sabi ko. “Uwi na tayo. Huwag mo na akong utuin ihahatid naman kita.” Tumayo ako ngunit na-out of balance ako. Lumanding ako sa harapan ni Felicity kaya nagyakapan kaming dalawa. Dahil sa hilo wala na akong pakialam kung magkayakap na kami ni Felicity. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan, agad kong ipinikit ang mga mata ko. Ang huling narinig ay ang pag-start ng engine ng sasakyan. Isang malakas na tapik sa aking pisngi ang nagpagising sa akin. Sa nanlalabong mga mata iminulat ko ang mga mata ko. Nakatunghay si Felicity sa harapan ko. Napakunot ako ng noo. “Where am I?” tanong ko na tila hindi ko maalala kung saan ba ako. “Anong saan tayo? Gag* ka ba? Hinatid kita dito sa bahay mo dahil lasing na lasing ka. Siraulo ito,” inis na turan niya. Maya-maya ay naalala kong nagpahatid nga pala ako kay Felicity. “Nandito na tayo sa bahay mo,” Napangiti pa nga ako. Tinulungan niya akong tumayo. Napaakbay ako sa kanyang balikat. Dahil sa tangkad ko hindi ko maisandal ang ulo ko sa kanya. Nang marating namin ang silid ko may pumasok na kapilyuhan sa utak ko. Sinadya kong mapahiga ang katawan ko kaya naisama si Felicity. Napasigaw ito sa ginawa ko. “Hermes! Ano ba!” reklamo nito. Nagkaharapan kaming dalawa. Hindi ko binitawan ang kanyang beywang. Nakipagtitigan ako sa kanya. “Uuwi na ako.” Anito at tatayo na sana, ngunit pinigilan ko siya. “Please stay her, sleep with me,” natigilan si Felicity sa sinabi ko. Sa tagal ng pagiging magkaibigan namin ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa’t isa. Kaya ngayon ko lang natitigang maigi ang kanyang mukha. Maganda naman pala si Felicity. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Napapikit kami pareho nang maglapat ang aming mga labi. My lips brush her lips softly. Nanantiya ang bawat hagod ng labi ko. Samantalang ang aking kamay ay abalang naglakbay sa kanyang likuran. “F*ck with me,” sabi ko sa gitna ng halikan naming dalawa. Wala akong narinig na pagtanggi sa kanya. So it means yes. Umibabaw ako sa kanya. Sinimulan kong hubarin ang kanyang suot. Walang pagtanggi sa ginagawa ko kaya ipinagpatuloy ko ‘yon. “You will love this…” sambit ko sa namumungay na mga mata. FELICITY NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nang luminaw ang paningin ko nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na hindi ko ito silid. Bumalikwas agad ako ng bangon. Naalis ang nakatakip sa aking katawan, napatingin ako doon. Mas lalong lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang aking hubad na katawan. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Napatakip ako sa aking bibig nang hindi sinasadyang mapasigaw ako. Dahan-dahan pa akong napalingon sa katabi ko, walang iba kung hindi si Hermes. Nakadapa siya at wala ni isang saplot sa katawan. Napakabilis ng t***k ng puso ko habang pinagmamasdan si Hermes. Naramdaman ko ang pananakit ng aking p********e. Ibig sabihin lang niyon nakuha na niya ang virginity ko. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil naging mahina ako. Nagsisisi ako sa ginawa ko, pero ano pang silbi kung nakuha na niya. Gusto kong mapaiyak sa inis sa sarili ko. Nagpasya na lang akong bumaba mula sa kama. Kailangan kong umalis bago pa siya magising. Hindi ko alam kung natatandaan niya ang nangyari sa amin. How I wish na hindi niya matandaan. Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko na nasa sahig. Sinuot ko iyon habang patingin-tingin sa kinahihigaan ni Hermes. Ayokong maabutan niya ako dito. Pagkalabas ng bahay ni Hermes doon na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Mahal ko si Hermes, pero hindi ko inisip na ibigay ang sarili ko sa kanya nang hindi ko nalalaman kung mahal ba niya ako o hindi? May humintong taxi sa harapan ko. Kaagad akong sumakay doon. Hindi ko mapigilang umiyak sa loob ng taxi. Tinitingnan nga ako ng taxi driver. Hindi naman ito kumibo at tanging pagsulyap lang ang ginawa niya. KINABUKASAN hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Pinapakalma ko ang sarili ko habang hinihintay ang oras ng pagdating ni Hermes. Nakadalawang tasa na ako ng kape. Bumuga ako ng hangin. Pakiramdam ko nga pinaninikipan ako ng paghinga dahil sa sari-saring nararamdaman ko. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko si Hermes na paparating. Bigla akong nataranta. Naisip kong magtago sa ilalim ng table ko para hindi niya makita. Ngunit sa huli kinalma ko na lang ang sarili ko.Nagkunwari akong busy sa pagta-type kahit wala naman. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakalapat sa keyboard. Diyos ko help me. “Good morning, Fel, nasa loob na ba ang schedule ko?” tanong niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. “Y-Yes, nasa loob na pati ang kape mo.” Nauutal na wika ko. Napangiti siya. “Thank you,” sabi nito pagkatapos pumasok na ito sa opisina niya. Napatulala na lang ako sa inasal ni Hermes. Parang wala siyang natatandaan sa nangyari kagabi. Napasandal ako sa swivel chair ko. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. So, hindi niya natandaan na may nangyari sa amin kagabi? Or maybe ibang babae ang alam niyang kaulayaw niya kagabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD