FELICITY HINDI ako makatingin ng diretso kay Hermes habang nasa loob kami ng tinutuluyan kong apartment. Pagkatapos ng dinner date namin ni Mr. Sandoval inihatid niya ako sa bahay. Ilang minuto lang ang pagitan ay dumating si Hermes, kunot na kunot ang noo habang nakatingin ng seryoso sa akin. Mabuti na lang nakaalis na si Mr. Sandoval nang dumating ang lalaking ito. Kung naabutan niya ang lalaki malamang ayawin pa nito si Mr. Sandoval na wala namang ginawang masama sa kanya. Bakit ba kasi of all places doon pa kumain ang dalawa! Sa dami ng restaurant doon pa talaga. “Of all people, ikaw pa ang magsisinungaling sa akin? Pinsan, huh? Why did you lie? Bakit sinabi mong pinsan mo ang kasama mo? Si Sandoval naman pala ang kasama mong lalaki.” Pagkadiin niya pa ang apelyido ni Mr. Sando