EPISODE 15

1274 Words
FELICITY WALANG kibong umupo ako sa sofa. Gabi na kaming nakarating sa condo ni Hermes. Kahit sinabi ni Hermes na pumayag ang parents kong isama ako pabalik ng Pilipinas hindi pa rin ako mapakali. I want to talk to them. Gusto kong magpaliwanag na pinilit lang ako ni Hermes na sumama sa kanya. Napaangat ako ng tingin. “Can I call my parents?” Tanong ko kay Hermes. Napahinto ito sa paglalakad. Napalingon sa akin. “I told you they know you’re here,” anito na tila nairita sa hiling ko sa kanya. Napairap ako sa kanya. “Gusto ko lang malaman nila ang saloobin ko. Hindi mo man lang kasi ako binigyan ng pagkakataong makausap muna ang parents ko bago mo ako dinala dito! Baka akala nila gusto ko!” Tumaas ang timbre ng boses ko dahil sa inis. Ilang segundong nakatitig lang siya sa akin at ibinigay nito ang phone at tinawagan ang mga magulang ko. Ilang sandali lang ay natawagan niya ang mga magulang ko. Nakasimangot niyang ibinigay sa akin ang phone nito. Masamang tingin naman ang ibinigay ko sa kanya. “Hello, Hermes. Nandiyan na ba kayo sa Philippines? Kumusta ang anak ko?” Narinig kong sabi ni Mommy. “Mom, si Felicity po ito.” “Naiintindihan namin kung sumama ka sa lalaking iyan. Ayaw man naming malayo ka sa amin wala kaming magawa. Si Hermes ang ama ng anak mo at siya dapat ang kasama mo. Huwag kang mag-alala hindi kami galit ng Daddy mo.” Paniniguro niya sa akin. Hindi ko maiwasang malungkot. Gusto ko pa namang doon manganak kasama ng mga magulang ko. Mahirap kasing manganak na malayo sa pamilya. “Pasensya na po Mommy kung nabulabog ko pa kayo riyan. Kapag nakapanganak ako uuwi ako riyan.” “Uuwi na lang kami ng Daddy mo kapag malapit ka ng manganak,” anito. Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng maunawaing mga magulang. Sa kabila ng pagkukulang ko sa kanila. Babawi ako kapag nakapanganak na ako. I will let them be with my baby. Napangiti ako. Nang matapos kaming mag-usap ni Mommy nagpasya akong matulog muna dahil inaantok na ako. Hindi ko na kinausap si Hermes dahil inis ako sa kanya. Natulog ako sa kabilang silid at hindi sa silid ni Hermes. Nagising ako nang maramdamang may nakayakap sa beywang ko at may nakapatong na mabigat sa balakang ko. Pagmulat ko ng mga mata nabungaran ng mga mata ko ang mukha ni Hermes. Payapang natutulog sa ibabaw ng dibdib ko. Sa inis ko itinulak ko ang mukha niya. “Gising!” sabi ko. Umungol lang ito at mas idiniin pa ang mukha nito sa ibabaw ng dibdib ko. Sa inis ko sinampal ko ang pisngi niya. Nagmulat ito ng mga mata at napahawak sa pisngi nito. “Bakit mo ako sinampal?” Tanong nito. “Ginigising kita ayaw mong umalis sa ibabaw ng dibdib ko, kaya sinampal na lang kita.” Nangangamot na bumangon ito at naupo. Ako naman ay naupo at sumandal sa headrest ng kama. “Anong gusto mong pagkain?” Tanong ni Hermes. Lumingon ito nang hindi ko siya sinagot. “Wala. Hindi ako nagugutom. Ang gusto ko lang magpahinga ng walang kasama.” Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Hermes. Wala akong pakialam kung mainis siya. “Bakit ba nagagalit ka?” inis na tanong nito. Napabuga ako ng hangin at hindi makapaniwalang tinapunan ko siya ng tingin. “Tinatanong mo sa akin kung bakit ako nagagalit? Sa tingin mo iyong puwersahan mo akong dinala rito sa Pilipinas hindi ba kagalit-galit iyon? Nananahimik na ako, Hermes, ginulo mo pa! Masaya na ako sa piling ng mga magulang ko. Ako na ang kusang lumayo para hindi ako makagulo sa inyo. Sa palagay mo ba kapag nalaman ni Anica na may nabuntis ka hindi magagalit iyon? Mabuting babae si Anica at ayokong saktan siya. Pero mukhang masasaktan ko ang damdamin niya.” Hindi ko napigilang maging emosyonal. Siguro nga dala marahil ng hormones ko dahil buntis ako. Pero nakakaiyak naman kasi ang sitwasyon ko. Nagpabuntis ako sa lalaking ikakasal na. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nagpapakatanga akong mahalin si Hermes kahit wala naman akong mahihita sa lalaking ito. Hahawakan niya sana ako nang iharang ko sa kanya ang palad ko. “Please, Hermes just leave me alone. Kahit ngayon lang,” pakiusap ko sa kanya. “Don’t you miss me? Ako na-miss kita,” anito. Naningkit ang mga mata ko. Hindi nito sinagot ang pakiusap ko bagkus iba ang sinabi niya na mas lalo kong ikinainis. “Hindi kita na-miss. Kontento ka na sa sagot ko?” Umiling ito sa tanong ko. Tiningnan ko siya nang may pagbabanta. Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. “I am not,” seryoso nitong sagot. “Gusto kong magpahinga. Iwan mo na ako rito.” Hindi ito natinag sa pakiusap ko. “Please,” pakiusap ko sa kanya. Nagbuntong-hininga na lang si Hermes. “Okay. Nandiyan lang ako sa labas kung may kailangan ka tawagin mo lang ako,” sabi nito. Hindi ko siya sinagot. Nahiga na ako at tumagilid paharap sa kabilang side. Ilang minutong katahimikan nang lumabas ng walang kibo si Hermes. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Nakahinga ako nang maluwag. Naninikip kasi ang dibdib ko lalo pa at katabi ko si Hermes. Ayoko ng magkasala. Tama na itong nabuntis ako. Nagising ako nang makaramdam ng gutom. Bumangon ako sa kama at naupo. Madilim na sa labas ng bintana. Mukhang napasarap ang tulog ko. Nagpasya akong pumunta ng kusina upang magluto ng pagkain ko. I am sure namang hindi magluluto ang lalaking iyon. Nagulat ako nang makita si Hermes na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Napaangat ito ng tingin nang marinig nito ang mga yabag ko. “Mabuti naman gising ka na. Gigisingin na sana kita. I cooked our dinner.” Hindi ako nagsalita. Tahimik lang akong umupo at kinuha ang sandok ng kanin. Ngunit imbes ako ang sasandok ay kinuha niya sa akin ang sandok at ito ang nagsandok ng kanin. Napapatingin na lang ako sa ginagawa niya. Malalim akong huminga at nagbuga ng hangin. “Okay lang ba ang ganyang kadaming kanin?” Tanong nito. Napatingin ako sa plato ko. Nang okay na sa paningin ko kung gaano kadami ang kanin ay tumango ako. Ito na rin ang naglagay ng ulam sa plato ko. Mukhang caldereta itong niluto ni Herme. Kailan pa natutong magluto ng ganito ang lalaking ito? Ang alam ko marunong lang um-order itong si Hermes. Usually kasi busy sa trabaho ito o busy sa pambababae nito kaya pati pagluluto ay hindi na pinagkakaabalahang gawin ni Hermes. Ako ang palaging tiga-luto niya sa condo. “Thank you,” pasasalamat ko at saka ako kumain ng tahimik. Panaka-nakang napatitingin sa gawi ko si Hermes. Nagkakasabay pa kami sa pagsulyap sa isa’t isa. Napangingiti lang ito at saka napaiiling sa tuwing iniirapan ko siya. “By the way kailan ang checkup mo? I will be going with you. Kailangan kasama mo ako.” Natigilan ako sa pagnguya dahil sa sinabi ni Hermes. “Tatawagan ko pa ang OB-GYNE ko kung kailan ang schedule. Akala ko kasi sa US na ako titira kaya hindi ko na tinawagan ang OB-GYNE ko.” “Ako na ang hahanap ng bagong OB-GYNE,” sabi nito. “Huwag na, ako na lang.” “Ako ang dapat gumagawa nito. Let me do it, okay?” Pamimilit nito. Hindi na lang ako nagkomento dahil hindi rin naman ako mananalo sa lalaking ito. Saka tama lang na ito naman ang mag-asikaso sa akin dito dahil kargo niya ako - kami ng anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD