EPISODE 14

1453 Words
HERMES “SIR, we found her,” sabi ng taong inutusan ko upang hanapin si Felicity. May ibinigay siyang envelope sa akin. Kinuha ko iyon at binuksan. I feel excited to see what’s inside. It’s been 5 months magmula noong hindi na nagpakita si Felicity sa akin. Aaminin kong na-miss ko ang presesnsya niya. I even cancelled my wedding to Anica. Nagalit nga sa akin si Reynaldo, ang kuya ni Anica dahil parang niloloko ko raw ang kapatid niya. I talked to Anica about the wedding, but she refused not to continue the wedding. Recently we had a fight and that’s the chance I ended up our relationship. Ayokong gawin pero kailangan. Marami akong problema at ayaw kong makadagdag pa siya. Anica was furiously mad at me. He even threatened to ruin my life. Nakita ko ang mga kuhang litrato. May naglalakad kasama ang mga babae at lalaki sa tingin ko ay mga magulang niya ito at mga kamag-anak. Napakunot ang aking noo nang may nakita akong kuha niya na nakaside view. Malaki ang tiyan niya. Is she gain her weight? May nakita pa akong kuha na lumabas sa isang clinic. “Where did you get this shot?” Tanong ko. “Um. . . Yan, Sir, nagpunta po sa OB-Gyn clinic si Ms. Mabuhay. Lahat po ng pinupuntahan niya ay may mga shot po siya diyan. Nandiyan din po ang address kung saan siya nakatira,” sabi ng lalaki. Nakipagkamay ako sa kanya.”Thank you very much. You did an excellent job. You can expect my payment to be deposited into your bank account later.” “Thank you so much, Sir.” anito at umalis na rin agad. Naiwan akong puzzled sa nakita kong mga larawan. She’s pregnant? I need to go to the US to know the truth. FELICITY NAPANGITI ako habang tinitingnan ang ultrasound ng baby boy ko. Hindi ko ma-imagine na magiging Mommy na ako, four months from now. Inilapag ko ang envelope sa tabi ko. Ipinagpatuloy ko ang pagtutupi ng damit na binili nila Mommy. “Magaganda itong nabili niyong damit ng baby ko, Mommy,” sabi ko sa kanya. Sa sobrang excited ni Mommy bumili na agad ng mga damit ng apo nila. Noong una galit sa akin si Daddy pero nang lumaon natanggap na rin niya ang nangyari sa akin. “Oo naman para sa unang apo namin.” Umupo sa tabi ko si Mommy pagkatapos hinaplos niya ang tiyan ko. “Ilang buwan na lang lalabas na ang anak mo. Ano nga palang plano mo? Sasabihin mo ba sa amin kung sino ang nakabuntis sa’yo?” Tanong niya. Natigilan ako sa tanong niya. Maybe it’s time to tell my parents who the father of my baby is. Ilang sandaling katahimikan. Tinitimbang ko pa kasi ang sarili ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Mom, si Hermes Del Prado po ang ama ng anak ko.” Namilog ang mga mata ni Mommy sa sinabi kong pangalan. “Really? Si Hermes, ’yung bestfriend mo?” I nodded in reply. Napailing si Mommy. She knows Hermes- a womanizer. “Bakit ka naman pumatol sa ganoong klaseng lalaki? Hindi ka seseryosohin ng lalaking ‘yon. Kilala s’ya sa pagiging palikero.” “Mom, I know.” Hindi na lang ako nagkomento ng mahaba. Ayoko rin namang pag-usapan ang pagkakamali ko na nagawa at hindi na maibabalik para baguhin. Ang mahalaga natuto ako sa pagkakamali ko noon. I will take care of my baby alone. Kakayanin ko ang lahat para sa kanya. “Nandito lang kami ng Daddy mo, anak. We will help you to raise your baby. Gusto kong bumawi sa mga panahong wala kami sa tabi mo.” Yumakap sa akin si Mommy. “Thank you, Mommy,” hindi ko napigilan maiyak. MY OB-GYN suggest na maglakad-lakad ako. Maganda raw na exercise ’yon para sa buntis na kagaya ko. Which is gusto ko namang gawin dahil ayokong mahirapan sa panganganak. Ayoko kasing magmanas at tumaba pa lalo. Moderate na nga ang pagkain ko ng rice. More in fruits and vegetables na ako ngayon. Habang naglalakad may napansin akong lalaki na sumusunod sa akin. Nilingon ko siya ngunit nawala ang lalaki. Baka naman akala ko lang sumusunod dahil iisang way lang ang nilalakaran namin? Ano ba ito, buntis lang ako naging paranoid na ako. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ang isang sasakyan na tila sumusunod sa akin. Nilingon ko iyon. It’s a black Porsche. Bumukas ang pinto at lumabas ang taong ayokong makita. Paano niya nalamang nandito ako? Bakit ko nga ba tatanungin? I know him. Kaya niya akong hanapin gamit ang pera niya. “Why Felicity? Why are you hiding me?” Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. Napalunok ako nang salubungin ko ang mga tingin niyang parang nanunumbat. Bakit nagtatanong pa siya kung bakit ako umalis? Alam niya ang sagot sa tanong niya. “Because I want to be away from you. Mahirap bang intindihin ‘yon, Hermes. Ikakasal ka na. Ayokong makasira ng isang relasyon,” paliwanag ko sa tanong niya. “You’re pregnant,” anito imbes na sagutin ang sinabi ko. “Hindi mo anak ang batang ito. Iba ang ama nito. Puwede ba, Hermes, nanahimik na ako rito. Huwag mo na akong guluhin,” pakiusap niya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Ngunit hindi pa ako nakalalayo nang maramdamang may tinakip siya sa ilong ko. Pumalag ako ngunit nanghina ako nang maamoy ko ang kakaibang amoy. Ilang sandali lang ay nagdilim ang paningin ko. “I am sorry, baby, I need to do this. You’ll never escape from me again. I will make sure you will never ever go away from me.” Ang huli kong narinig sa kanya. NAGMULAT ako ng mga mata nang makaramdam ng pamamanhid sa braso ko. Bumungad sa aking mga mata ang hindi pamilyar na silid. Bumalikwas agad ako ng bangon ngunit may nakakabit na seatbelt. Napatingin ako sa paligid. Hindi ito silid kundi isang eroplano. Eroplano! Sigaw ng isip ko. Bakit ako nandito? Bigla kong naalala ang ginawa ni Hermes kanina. “It’s good you’re awake.” Napatingin ako sa taong nagsalita. “Bakit mo ako dinala dito? Ibalik mo ako sa amin at baka nag-aalala na ang magulang ko. Ano ang kailangan mo, Hermes? Sinabi ko naman sa iyo hindi sa iyo ang batang dinadala ko.” Napasunod ang tingin ko ng umupo si Hermes sa tabi ko. May dala itong glass na may lamang alak. He takes a sip while his gaze remains fixed on mine. “Kanino kay Christopher? Sinong niloloko mo, Felicity? Alam ko ang pagkatao ng sinasabi mong Christopher.” Napakunot noo ako. “W-What do you mean?” Nauutal na tanong ko. He literally laughed at my question. He slowly moves the glass in a circle before sipping it again. “Christopher is a gay and he has a boyfriend.” Napakagat labi ako. Paano niya nalamang bakla si Christopher? “Bakit sinabi ko ba na siya ang ama ng anak ko? Hindi ’di ba?” I confidently said. He chuckled at my statement. “Si Reynaldo ba?” Tanong nito. He chuckled. “Hindi mo ako maloloko sa sinasabi mo Felicity. Kilala ko si Reynaldo. Masyadong mataas ang standard niya sa babae.” Nagtagis ang bagang ko. Nakaiinsulto siya. Porke ba mataba ako at hindi kagandahan wala na akong karapatang magustuhan ng mga poging lalaki? Ang sama ng ugali ng lalaking ito! He leans on the chair while his gaze is locked on me. “Iuwi mo na ako!” Umiling si Hermes. “You are not going back there. Uuwi na tayo ng Pilipinas. You’ll be living with me. I want to be a part of our baby. I am the father kaya ako dapat ang kasama mo. That’s final you cannot do anything. And about to your parents nagpaalam na ako sa kanila na kukunin na kita. Pumayag sila.” Napaawang ang labi ko. Really? Pumayag na lang ang mga magulang ko ng ganoon kadali? “I don’t believe you,” sabi ko at matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. “Here look at this. I recorded this earlier bago tayo sumakay ng airplane.” Ibinigay niya sa akin ang phone nito na kinuha ko naman. Pinanood ko ang video na nag-uusap sa videocall ang magulang ko at si Hermes. Hindi ako makapaniwala sa napanood ko. Bakit pumayag sila? Dapat hindi sila pumayag! Hindi ko na tinapos ang video at pabalang na ibinalik sa kanya ang phone nito. Tumaas ang sulok ng labi nito habang matiim ang pagkakatitig niya sa akin. Pagkatapos niyon ay tumayo na ito at iniwan ako. Napakuyom na lang ako ng kamao dahil sa inis at galit rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD