EPISODE 16

1741 Words
FELICITY NAGISING ako kinaumagahan wala na si Hermes. May niluto itong breakfast at may post it note pa siyang inilagay sa ibabaw ng table. Nakasulat doon na may naluto ng ulam at kumain na lang daw ako at hindi dapat ako magpagutom.May emoticon pang nakalagay na puso. Gusto kong matuwa ngunit pinipigilan ko ang sarili kong gawin iyon. Natatakot kasi ako na pansamantala lang ito at hindi panghabangbuhay. Hindi dapat ako umaasang kami sa huli ni Hermes. Akala naman nitong Hermes na ito maniniwala ako sa emoticon niyang puso. Pinainit ko ang ulam na niluto ni Hermes sa microwave oven dahil mukhang kanina pa ito niluto. Habang hinihintay ang ulam in-open ko ang TV. Tumunog ang microwave oven hudyat na tapos na ang oras sa pag-init sa ulam. Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor. Habang inilalagay ang ulam sa plato napatingin ako sa TV. May nakalagay na flash report tungkol sa showbiz. Naging interesado ako sa flash report na iyon. Umupo ako at tutok na tutok sa TV. Isusubo ko na sana ang pagkain nang makita ko ang pinagkakaguluhan ng mga reporter. Si Hermes. Hinahawi niya ang mga reporter sa daraanan nito. Ngunit mas lalong na-corner siya ng mga ito. Wala siyang nagawa kundi huminto sa paglalakad at hinarap ang mga reporter. Seryoso ang mukha nito nakatingin sa mga media. “Totoo bang magiging tatay ka na? Anica, released a statement confirming her pregnancy that she is six months pregnant and you are the father of her baby.” Umawang ang labi ko sa sinabi ng isang reporter. Nabitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Kinuha ko ang remote control at in-off agad ang TV. Hindi ko na hinintay pang marinig ang sagot ni Hermes. Napakabilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung anong mararamdamdan ko sa mga oras na ito. Halo-halo ang emosyon ko. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o sisigaw. Tila may kung ano sa dibdib kong gusto kong ilabas. Tumayo ako at nagpalakad-lakad na tila hindi alam kung anong gagawin. Napahinto ako sa paglalakad at bigla na lang akong naiyak. Sa una impit lang ngunit habang tumatagal umiyak ako ng malakas. Umalog ang balikat ko. Nakaramdam ako ng sakit sa aking puso. Iyong sakit ay pati ang himaymay ng kaluluwa ko ay nasasaktan. Naiiyak ako sa kinasadlakan ng buhay ko. I cried because I am hurting. Tanga ako sa pagmamahal ko kay Hermes. HERMES “I don’t have anything to tell dahil walang katotohanan ang mga sinabi niya. I am not the father of her child,” sagot ko sa mga reporter. Paanong mabubuntis si Anica kung palagi naman akong gumagamit ng proteksyon kapag may nangyayari sa amin? Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ni Anica. Is she want to destroy my credibility to social media? Pumagitna ang mga security at hinawi ang mga nagkukumpulang mga reporter. Sumakay ako agad sa aking sasakyan na ipinarada ng valet sa mismong harapan ng building. Pagkasakay pinaharurot ko agad iyon. Halos lagpasan ko ang mga kasabayan kong mga sasakyan upang makauwi lang agad sa condo ko. Naghihintay na sa akin si Felicity. How I wish she never watch TV. Kung oo baka iba ang isipin niya. Kaagad akong nakarating sa condo ilang minuto lang ang tinakbo ko. Bumaba ako agad nang maiparada ko ang sasakyan ko. May pagmamadali sa mga kilos ko. Binuksan ko ang pinto. Hinanap ng mga mata ko si Felicity. Walang tao sa sala kaya nagpunta ako sa kusina ngunit wala rin siya. Kinabahan ako. Hindi kaya napanood niya ang balita kanina kaya umalis na lang siya at iniwanan niya ako? Pumunta ako sa silid ko at baka naroon siya ngunit laking dismaya ko nang hindi ko makita si Felicity. Nanghihinang naupo ako sa kama habang hinahagod ang aking buhok. Nakarinig ako nang pagbukas ng pinto mula sa labas. Agad akong tumayo at lumabas ng silid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Felicity. May hawak itong supot. Mukhang may binili sa grocery. Niyakap ko siya agad nang makalapit ako sa kanya. “Thanks God! You’re here!” ani ko habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Nagtatakang akong tiningnan ni Felicity nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap. “Ano’ng nangyari sa ’yo? Bumili lang ako nang ilang gamit diyan sa store malapit dito sa condo mo. Wala kasi sa pantry mo ang gusto kong kainin.” Inilapag niya ang supot sa center table. “I thought you go away again. I don’t know what to do kung lalayo kang muli,” aniya. Umupo kaming pareho sa sofa. Nagtataka ang mga tingin sa akin ni Felicity. “Hindi na ako aalis. Para saan pa? Wala rin naman magagawa ang pagtatago ko ng matagal. Magkikita pa rin tayo kahit saan man ako pumuntang bansa. I know you. Patay na patay ka sa akin, eh?” Natawa ako sa biro ni Felicity. Inakbayan ko siya. “Yes, of course! I will find you wherever you are,” mayabang na sabi ko. Isang irap ang ginawad niya sa akin. “About kay Anica napanood ko ang interview mo sa TV. Panagutan mo siya dahil may pananagutan ka naman sa kanya. Remember, she is your fiancee kaya dapat lang na panindigan mo siya. Don’t worry about me. Naiintindihan ko ang situation nating dalawa. Ang nangyari sa atin ay isang pagkakamali. Ang magagawa na lang natin ay maging magulang sa ating anak. Kahit wala tayong commitment sa isa’t isa,” aniya na ikinagulat ko. Ayos lang sa kanyang magpakasal ako sa iba? Paano ang magiging anak namin? “Iyan ba ang gusto mo pakasalan ko si Anica? Narinig mo ba ang buo kong sinabi? I told to the media I am not the father of her baby. I admit may nangyayari sa aming dalawa, but it doesn’t imply I can impregnate her. Every time we had s*x, I used protection.” Napaawang ang labi nito sa sinabi kong katotohanan. Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko maiwasang sumama ang loob sa kanya dahil parang ayaw niyang panagutan ko siya at si Anica ang dapat kong isipin at hindi siya. “Bakit mo ako pinagtatabuyan kay Anica? Wala na kaming relasyong dalawa. Tinapos ko iyon nang umalis ka. She’s just ranting dahil hindi ko itinuloy ang kasal namin. About sa ipinagbubuntis niya, wala akong kinalaman doon. I am sure one hundred percent hindi sa akin ang ipinagbubuntis niya.” Hindi kumibo si Felicity sa sinabi ko. Kinuha niya ang supot at binuksan iyon. Kinuha niya ang pinamiling damit at pagkain. “Bibili ako ng mga damit mo,” ani ko at saka tumayo. Napatingala siya sa akin. “Hindi na kailangan, Hermes. Mag-order na lang ako online at saka ’di mo rin alam ang sukat ko.” “Alam ko ang sukat mo. Palagi ko ngang hinahawakan ’yan,” pagmamalaki ko pa sa kanya. Naparolyo ng mga mata si Felicity dahil sa sinabi ko. Natatawang bumalik ako sa pagkakaupo. “Totoo naman, ah?” inakbayan ko siya at saka hinagkan ang kanyang sintido. “Ewan ko sa iyo. By the way kailangan kong pumunta sa OB-GYNE bukas. Nakausap ko na ang doktor ko at sinabi niyang pumunta ako bukas sa clinic niya.” “Sasamahan kita,” ani ko. “Huwag na. Baka may makakita pang reporter sa iyo at pag-usapan ka na naman sa social media. Ayokong malaman ni Anica ang tungkol sa pagbubuntis ko. Naging mabuti siya sa akin at ayokong magalit siya.” “Okay, kung iyan ang gusto mo.” Napangiti ako. FELICITY HINDI ko expected na ganoon ang sagot ni Hermes. Akala ko ipagpipilitan niyang sasama siya. Sanayin ko na lang siguro ang sarili kong hanggang ganito na lang kami. He’ll never love me, but I’ll always be his best friend. Kinabukasan pumunta ako sa OB-GYNE sa Makati Medical Center. Doon kasi ang clinic nito. Pagkapasok sa loob ng ospital nakasalubong ko si Anica. Gulat na gulat ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang hindi pa ganoon kalaki ang tiyan ko. Iisipin nitong taba lang ang laki ng tiyan ko at hindi isang baby ang laman. Mabuti na lang at hindi nga sumama si Hermes. Malaking gulo kapag nagkita kaming tatlo rito. “Felicity?” napangiti ako sa kanya nang lumapit siya sa akin. Lihim kong tinakpan ng bag ang aking tiyan. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Tanong niya sa akin. “Um. . . dadalawin ko ang pinsan ko ritong Nurse,” pagsisinungaling ko. Diyos ko! Sana naman hindi siya magtanong kung anong pangalan ng pinsan ko. “Ganoon ba? Kagagaling ko lang sa OB-GYNE ko.” Totoo ngang buntis si Anica. Totoo kayang si Hermes ang ama gaya ng sinabi niya sa mga reporter? “Oh, talaga? Wow, congratulation magkaka-baby ka na pala,” sabi ko. Hindi ko alam kung mangingiti ako dahil ang plastic ko sa sagot ko. Aaminin kong masakit sa aking marinig mula sa kanya na buntis siya. Hindi man sigurado kung si Hermes ang ama. Hindi malayong sa kanya iyon. Inamin naman nitong may nangyayari sa kanila ni Anica. May possibility. “Yes, magkaka-baby na kami ni Hermes.” Bigla ay nalungkot ang mukha ni Anica. “Bakit hindi mo siya kasama? Dapat every prenatal mo kasama mo si Hermes.” Gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil mukhang apektado si Anica sa sinabi kong dapat kasama niya si Hermes. “I will. |Busy kasi ang lalaking iyon sa company kaya hindi niya ako nasamahan ngayon,” sabi nito. “Mauuna na ako sa ’yo, ha? Baka naghihintay na ang pinsan ko,” paalam ko sa kanya para hindi na humaba pa ang usapan namin. Baka kung saang makarating ang pag-uusap naming dalawa. Baka madulas pa ako at may masabing hindi ko dapat sabihin sa kanya. Nagyakapan kami bago siya umalis. Nakahinga ako ng maluwag nang makalayo si Anica. Kabadong-kabado ang nararamdaman ko habang kaharap ito. Pakiramdam ko may malaki akong nagawang kasalanan sa kanya. Meron naman talaga dahil nagpabuntis ako sa kanyang fiance. Ako rin ang may kasalanan kung bakit ang kanilang kasal ay hindi natuloy. Sana hindi niya malaman ang kalagayan ko dahil malaking gulo ang mangyayari. Ayokong maipit ang anak ko sa problema nila ni Hermes. Hindi ko maiwasang matakot sa mangyayari kung sakaling lumabas ang katotohanan tungkol sa amin ni Hermes. Sari-saring isipan ang nasa utak ko. Paano ang magulang ni Hermes? Sasabihin niya kaya na may nabuntis siyang ibang babae? Complicated ng sitwasyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD