HERMES AKO ang nagbabantay kay Felicity. Hindi man ako makakita at hindi pa makalakad ay kinaya ko. Gusto kong bantayan ang babaeng pinakamamahal ko. Sa mga nangyari ay doon ko lang napagtantong mahal ko si Felicity. Ang akala ko ay kaibigan lang ang pagmamahal na meron ako sa kanya. Malalaman mo lang ang kahalagahan ng isang tao kapag wala na ito. “You need to rest Hermes. Isang buwan ka ng nandito sa ospital. You need to see your twin and your daughter to Felicity,” sabi ni Jaxson. Dumalaw silang dalawa ni Kaleb. Sa videocall lang kami nagkakausap ng mga anak ko. Kahit hindi ko sila nakikita, ang mahalaga ay makita nila ako. They don’t know my situation. As much as possible I don’t want them to know my situation. I don’t want my children to get sad and worried. “Not now, Jaxson. G