HERMES ISANG linggo na akong nandito sa ospital at bukas na ang discharge ko. I still waiting Kaleb to come. Hindi ko na inaasahang sabihin ni Mommy kay Kaleb ang pinasasabi ko sa kanya. I know kasama niya si Anica. Hindi ko na rin naman binanggit nang magpunta siya dito. Sana ay malaman ni Kaleb kung saan ako naka-admit na ospital. Sigurado akong gumagawa na ng paraan ang kaibigan ko. Pinagtataka ko lang kung bakit ang tagal niyang pumunta dito. Hindi kaya binantaan siya ni Anica? Napakasama ng babaeng iyon. Maka-recover lang ako humanda siya sa pagbabalik ko. Hindi ako titigil na masira ang babaeng iyon. Marami na siyang kasalanang nagawa sa amin ni Felicity at maging sa anak namin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakiramdam ako sa taong pumasok. “Hey, it’s me Kaleb. Pasensya ka