EPISODE 27

1162 Words

FELICITY NANG makalagpas ang dalawa na hindi naman ako napansin kahit nakatingin na ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung masusuka ako o iiyak. Halo-halo ang emosyon ko ngayon. Bigla ay nabitiwan ko ang tinidor na hawak ko at pinili ko ang umiyak kaysa masuka. Sayang naman ang kinain ko kung isusuka ko. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko kahit naluluha. Uubusin ko lang itong salad at aalis rin ako agad. Ayokong makita ang taong laging sinasaktan ang damdamin ko. Hindi ko pinansin ang pagsulyap sa akin ng katabing table dahil kumakain ako habang naiiyak. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor habang kumakain. Parang doon ko na lang binubuhos ang galit ko sa sarili ko dahil minamahal ko pa rin si Hermes kahit dinurog niya ang puso ko. Hindi ko namalayang naubos ko na pala ang salad na ki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD