FELICITY ISANG buwan mula noong umalis ako ng Pilipinas. Sigurado naman akong hindi ako hahanapin ng lalaking ’yun. Kailangan kong umalis upang makalimot ng tuluyan. Kung nandoon ako sa Pilipinas at lagi ko silang nakikita ay parang pinarurusahan ko ang sarili ko. Baka mas lalo lang akong nagkakasala dahil mahina pa naman ako pagdating kay Hermes. Siya ang kahinaan ko bukod sa pagkain. Madalas lang ako rito sa loob ng bahay. Ang mga magulang ko ay nagtatrabaho pa rin kahit nasa 50 years na sila. Kailangan nilang magtrabaho dahil maraming bills na babayaran. Nakatanaw lang ako sa mga dahon ng puno na kulay orange na. October ngayon at magtataglagas na. Malapit na ang winter. “Feli, sumama ka sa mga pinsan mo para mamasyal. Hindi ‘yang nagmumukmok ka riyan,”sabi ni Mommy na ang pina