FELICITY DUMATING si Hermes, nakaalis na si Anica. Sinalubong ko siya na may salubong na kilay. Huminto sa paglalakad si Hermes. Pumamaywang ako sa harapan niya. “Sumasakit ang ulo ko sa mga gusot na ginagawa mo, Hermes. Ang akala ko ay mahuhuli ka na kanina! Diyos ko, hindi ko alam ang gagawin ko kanina. Mabuti na lang nakumbinsi kong magkwentuhan kami para lang hindi siya pumasok sa opisina mo. My god, magkakaroon yata ako ng sakit sa puso nang dahil sa mga kalokohan mo. And to think na akala ko isang client si Ms. Lorenzo, ‘yun naman pala babae mo. Paano na lang kung nahuli ka ni Ms. Anica? Hindi mo lang sinaktan ang pobreng babae kundi niloloko mo pa.” Dire-diretso kong saad sa kanya. Hindi pa yata ako huminga habang nagsasalita. “Okay, tapos na wala na silang dalawa kaya safe ka