HERMES “Please, Anica, let’s end this fight. Ano pa ba ang gusto mo? Asawa mo na ako at may dalawa tayong anak. I’ve been dedicated to our marriage and to our twin. Hindi pa ba sapat iyon at gusto mo pang maging higit pa roon? Napapagod na akong palagi na lang tayong ganito. We always fight with nonsense. We are both adults who know our obligations in marriage.” I try to be calm kahit gusto ko na siyang pagtaasan ng boses. Inaalala ko lang ang kambal at baka marinig ang pag-aaway namin. Ayokong mangyari iyon. “Hindi ako magkakaganito kung ipinaramdam mo sa akin ang pagmamahal na hinihingi ko sa iyo. Ang akala ko mahal mo ako, iyon pala ako lang ang nagmamahal. Ang sakit lang dahil sa tuwing nagniniig tayo madalas mong mabanggit ang pangalang ayaw kong marinig. Kahit sa pagtulog mo siya p