FELICITY “Feli, sasama ka ba sa amin? Pupunta kami ng Tagaytay,” sabi ng pinsan ko. Umaliwalas ang mukha ko dahil gusto kong ipasyal si Heaven. First time niyang gumala rito sa Pilipinas. “Sasama kami ni Heaven,” sabi ko sa pinsan. Malawak na napangiti ito sa akin. “Great! Tamang-tama may pass na tayo papunta roon sa lugar na iyon. Two days ang stay natin doon. Maraming activities na pwede nating gawin doon dahil para siyang farm na ginawang hotel and resort. Kakilala ko kasi ang may-ari niyon kaya may discount tayo.” Napangiti ang pinsan ko. “Mabuti naman naka-discount ka para magamit pa natin sa iba ang sobrang pera.” “Yes. Wais na nanay ito, eh?” Nagkatawanan kami ng pinsan ko. Ibang-iba na talaga ang pinsan ko dahil noong wala pa itong anak ay sobra kung gumastos sa mga bagay n