HERMES HABANG naglalakad pabalik sa bahay namin ay hindi ko maiwasang mangiti. Nang marating ang bahay namin ay nasa bungad pa lang ako ng pintuan ay sinalubong na ako ng kambal. Nagtatakbo palapit sa akin. Niyakap ako ng dalawa. Gising na ang dalawang bulinggit na ito. Yumuko ako para halikan ang ibabaw ng ulo ng kambal ko. Sila na lang ang nagpapaligaya sa malungkot kong buhay. Magmula nang mawala sa buhay ko si Felicity, gumuho ang mundo ko at hindi na ako nakaahon sa kalungkutan. May kasalanan din naman ako dahil mas pinili kong sundin ang magulang ko kaysa ang damdamin ko. Alam kong nasaktan ko ng sobra si Felicity kaya pinagsisisihan ko ang pananakit ko sa damdamin niya. “Kumain na ba kayo?” Tanong ko sa dalawang bulinggit na nakahawak sa magkabila kong kamay. “Hindi pa po,”