EPISODE 34

1757 Words

HERMES NATAPOS kong kausapin ang sekretarya ko tungkol sa naiwan kong papeles na kailangan kong pirmahan. Pagpasok sa loob ng villa namin ay napansin kong napakatahimik ng loob. Nagtaka ako dahil naiwan kong nandito sa sala ang dalawa. Pinuntahan ko ang silid nila ngunit wala sila. Pinuntahan ko rin ang silid ko ngunit wala ring tao. Bigla akong kinabahan. Dali-dali akong lumabas upang hanapin ang dalawa. Nagpalinga-linga ako at baka makita ko silang naglalaro lang sila. Nagpasya akong magpunta sa admin ng resort para magpatulong sa paghahanap ng mga anak ko. Habang naglalakad tinitingnan ko ang mga batang nakikita ko sa paligid. Hindi ko talaga sila makita. Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon? Ang sabi ko huwag silang aalis sa villa namin. Minsan hindi sumusunod ang dalawang iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD