EPISODE 17

1199 Words
FELICITY GULAT na gulat ang pinsan ko nang makita niya ako. Dumalaw ako sa kanyang bahay. Hindi ko pa kasi ito nakakausap magmula nang dumating ako ng Pilipinas. “Akala ko nasa U.S. ka? Bakit umuwi ka na?” sabi ng pinsan ko. Pumasok na kami sa loob ng bahay niya. I decided to pay her a visit. Na-miss ko ang pinsan ko. “Mahabang kuwento.” Umupo ako. Hinawakan ko ang aking tiyan bago naupo. Napatingin ang pinsan ko nang mapansin ang malaki kong tiyan. Nanlaki ang kanyang mata at umawang ang labi niya. “Oh my god! Are you pregnant?” shock na shock ang itsura niya habang hindi inaalis ang mata sa aking mabilog na tiyan. Natawa lang ako sa reaction ng pinsan. “I am five months pregnant.” Diretso kong saad sa pinsan. Naupo ang pinsan sa tabi ko at hinawakan ang tiyan ko. “Hindi ako makapaniwalang buntis ka. Noong umalis ka rito sa Pilipinas wala pa ’yan,” aniya ng pinsan. Napairap ako sa kanya. “Hindi ko alam na buntis ako. Saka ko lang nalaman nang magsuka ako. Nagalit nga sa akin si Daddy dahil nagpabuntis ako nang hindi man lang nila alam na may boyfriend pala ako. Mas lalong nagalit nang sinabi ko kung sino ang ama.” “Huhulaan ko kung sino? Well, hindi na dapat hulaan pa. Ano’ng plano mo ngayong bumalik ka? Don’t tell me nagsasama na kayo ni Hermes?” Napatingin ako sa pinsan ko. Iniisip ko kung sasabihin ko sa kanyang nasa poder ako ni Hermes. Malalim akong nagbuntonghininga. “Alam ko na ’yan, Feli. Huwag mo nang tangkaing sabihin sa akin. Buhay mo naman ’yan at mukhang nakapagdesisyon ka na. Wala na akong magagawa kung gusto mong makisama kay Hermes. Pero sinasabi kong ihanda mo ang iyong sarili kung sakaling dumating ang panahon na masasaktan ka. We don’t know kung hanggang kailan gusto ni Hermes na makisama sa ’yo. Ikaw ang higit na nakakikilala sa kanya kaya alam mo ang ibig kong sabihin,” aniya habang iniiling ang kanyang ulo. Alam kong dismayado siya sa akin. Matagal na niya akong pinagsasabihan, pero ako itong matigas ang ulo. Gusto ko yatang laging nasasaktan. Naisip ko na rin ang sinabi sa akin ng pinsan ko. Inihahanda ko na ang sarili kung ko sakaling mangyari ’yon. How I wish, kaya ko ang sakit. Habang kumakain kami ng pinsan ko ng tanghalian, nag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bag ko. Nakita ko ang name ni Hermes sa screen ng phone ko. Tumatawag siya, sinagot ko. Napatingin ang pinsan ko. Hindi naman siya nagsalita at ibinaling muli ang atensyon sa pagkain. “Hello. . .” Sagot ko. “Where are you? Wala ka rito sa bahay,” tanong niya na may sa inis. “Nandito ako ngayon sa pinsan ko. Pasensya ka na. . .” napahinto ako sa pagsasalita nang magsalita si Hermes. He sounds really mad. “Pumunta ka riyan nang hindi nagpapaalam sa akin? Para akong tanga rito hinahanap ka. Can you please be considerate of my feelings? I will go there i-text mo sa akin ang address ng pinsan mo.” Magsasalita pa sana ako nang tapusin na nito ang tawag. Napabuntonghininga na lang ako sa ugali ni Hermes. Bakit ba siya nagagalit kung mawala man ako kahit isang oras. Hindi naman ako aalis sa poder niya. Pumayag naman ako sa kanyang kagustuhang magsasama na kami sa iisang bahay. Ano pa ba’ng proof ang gusto niya para maniwala siyang hindi na ako aalis. Nagtipa ako sa cell phone ko para i-text sa kanya ang address ng pinsan ko. Nang mai-send ko na ang message hinarap kong muli ang kinakain ko. Napatingin sa ’kin ang pinsan ko at saka umiling. Ilang minuto lang ang lumipas dumating si Hermes. He looks mad base sa pagkakasalubong ng kanyang mga kilay. Hindi na siya nag-abalang pumasok sa loob at bigla na lang niya akong hinila palabas ng gate. Hinila ko ang aking braso kaya natigil sa paglalakad si Hermes. Napalingon siya sa akin. Kunot na kunot ang kanyang noo. “Puwede ba, Hermes, igalang mo naman ang pinsan ko. Magpapaalam muna ako sa kanya.” Tinalikuran ko siya at pumasok muli sa loob ng bahay ng pinsan. Nakahalukipkip ang pinsan ko habang nakatingin sa akin. “’Yan ba ang minamahal mong lalaki? Ang sama ng ugali at napakabastos pa. Hindi man lang magpasintabi na aalis na kayo. Basta ka na lang hinila palabas ng bahay. Feli, ngayon pa lang mag-isip-isip ka na. Hindi magandang senyales ’yan na sasaya ka sa kanya.” Payo ng pinsan ko. “Felicity, we are going!” Narinig ko ang tawag ni Hermes mula sa labas. Napasulyap ako sa pinsan kong mukhang galit na galit. “Pasensiya ka na sa inasal ni Hermes.” Hinging paumanhin ko sa kanya. “Hindi ikaw ang dapat na humingi ng sorry sa akin kundi iyang magaling mong kaibigan. Sige umauwi ka na baka magwala pa si Hermes sa labas nakakahiya sa mga kapitbahay ko,” aniya at saka ako tinalikuran. Wala akong nagawa kundi lumabas na lang. Nahihiya ako sa pinsan ko. Babawi na lang ako sa kanya kapag may pagkakataon. Walang kibo akong sumakay sa sasakyan. Masama ang loob ko sa kanya. Ayokong kausapin siya dahil sa inakto niya. Napakasama. Pambabastos ang kanyang ginawa sa pinsan ko. “Bakit hindi ka nagsasalita? Please, talk to me.” Pakiusap ni Hermes sa akin habang nagda-drive ngunit ibinaling ko lang ang tingin ko sa labas at hindi siya pinansin. Manhid ba siya? Hindi niya ba na-gets na masama ang loob ko sa ginawa niya kanina. “Felicity. . .” Tawag niya sa pangalan ko. May diin at may pagbabanta. Lumingon ako sa kanya. “Ayokong makipag-usap sa iyo, Hermes. Please. . .” Pakiusap ko sa kanya. Hangga't maari ayokong magalit. Iniisip ko ang kalagayan ko. “Why?” Tanong niya. “Why? Dahil masama ang loob ko sa ’yo. Nahihiya ako sa pinsan ko dahil sa inasal mo kanina. Sana nagpaalam ka man lang, hindi iyong basta ka na lang papasok tapos bigla mo na lang akong hihilain. Ano sa tingin mo ang magiging reaction ng pinsan ko?” napailing ako sa kanyang ugali. “So? Ano naman ang masama kung kunin kita roon? I have a right to get you there, because you are my responsibility.” Gusto kong matawa sa reason ni Hermes na napakababaw. “Wala kang responsibility sa akin kundi sa anak lang natin. Huwag mo akong isali sa sinasabi mong responsibility. Dahil kaya ko ang sarili ko. You are the one who is not considerate. Ngayon pa lang ipinapakita mo na kung gaano ka-immature pagdating sa isang relasyon. Wala pa nga tayong relasyon pero mukhang ikinukulong mo na ako.” Hindi ko naiwasang sabihin ang nasa saloobin ko. “’Yun ba ang tingin mo sa ginagawa ko sa ’yo?” Biglang hininto ni Hermes ang sasakyan kaya napahawak ako nang mahigpit sa magkabilang side ng upuan ko. Nagulat ako nang hampasin ni Hermes ang manibela. He is furiously mad. Natakot ako. Napakagat ako sa labi at saka nagyuko ng ulo ko. Nagsimulang manubig ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD