FELICITY KUNOT noong tiningnan ako ng pinsan kong si Thelma. “Sure ka na ba talaga na pupunta ka sa US? Paano kung mahanap ka ni Hermes doon? Knowing him, he can find you. Dito ka muna mag-stay ng ilang linggo para pag-isipan ang plano mong paglayo.” Suggestion ng pinsan ko. Well, may point naman siya roon. Kailangan kong pag-isipang mabuti ang plano kong paglayo. Hindi madaling takasan si Hermes dahil kahit saan mahahanap niya ako. Kaya niyang i-tract kung saang lugar ang pinuntahan ko. Marami siyang kilala sa gobyerno at maging sa pribadong sektor ng lipunan. “I decided to stay in your house for a while. Second option ko pa lang naman ang pagpunta ko sa US. Naiisip ko rin yang sinabi mo. Knowing him kaya niya akong ipahanap.” Tumabi sa akin ang pinsan ko sa sofa at inakbayan ako.