EPISODE 14

1227 Words

FELICITY SA huli naming pag-uusap ay naging matamlay na ako. Madalas wala akong ganang kumain at hindi na rin ako nakikipag-usap masyado kay Hermes. Pinagpapasalamat ko dahil naging busy na ito sa company at sa nalalapit na kasal nila ni Anica. “Hoy, kanina ka pa nakatulala. ‘Yang kinakain mo konti na nga lang hindi mo pa inubos,” sabi ni Guadalupe. Lunch break, pero busy ang utak ko sa pag-iisip kung ano nga ba’ng gagawin ko kapag kinasal na si Hermes. Paano na ako? “Masakit mabigo sa pag-ibig. Pakiramdam ko ay parang bibigay ang katawang lupa ko dahil sa sakit.” Bigla kong sabi. Itinaas ni Guadalupe ang kanyang malaking salamin bago nagtatakang tumingin sa akin. “Tungkol ba kay Sir Hermes at Ma’am Anica? Nagkakaganyan ka ba dahil sa nalalapit na kasal nila?” Sunod-sunod na tanon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD