FELICITY “OKAY naman ang work mo as Executive Assistant?” Tanong ng pinsan ko kinaumagahan habang nag-aalmusal na kami. Tapos na ang trabaho ko dahil pang-gabi ako. Ayos naman dahil hindi hassle sa pagpasok dahil nasa bahay lang naman ako. Hinigop ko muna ang kape na tinimpla ko bago sagutin ang tanong ng pinsan ko. “Ayos naman. Medyo hindi pa ako sanay dahil pang-gabi ang schedule ng trabaho ko. Dapat kapag ganoong oras ay natutulog na ako.” “Nakausap mo na ba ang Boss mo?” Tanong nito muli. Napatingin ako sa kanya. Umiling ako. “Ang nakausap ko lang yung kanang kamay ng Boss ko. Nasa out of town siya para sa business meeting kaya wala siya sa office nila,” sabi ko. “Akala ko na-meet mo na. Kapag nakita mo iyon malalaglag ang bra mo,” sabi nito. Natawa ako dahil ang akala ko pant