EPISODE 8

2465 Words
FELICITY PARANG walang nangyari base sa mga kilos ni Hermes kaya hindi ko na lang inabalang isipin pa kahit may sama ako ng loob sa nangyari. Kung iisipin isang sampal sa akin na balewala ang ginawa namin. Pero para sa akin parang nawalan ako ng kayamanan. Iyon na lang kasi ang mayroon ako na puwede kong ipagmalaki, pero wala na. Sa isang banda may kasalanan rin naman ako sa nangyari. Bakit ako pumayag? Hindi naman ako lasing at nasa tamang huwisyo pa. Tinampal ko ang pisngi ko ng mahina para magising sa katotohanan. Hindi dapat makaapekto sa trabaho ko ang nangyari sa amin ni Hermes kagabi. Pagkakamali lang iyon na ginusto ko naman. Haist, nakakainis ang sarili ko. Napapikit ako ng mariin para kalmahin ang sarili ko. Masyadong ang daming pumapasok sa isipan ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag na-devirginize na? Halo-halo kasi ang nararamdaman ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang marinig ang pagbukas ng pinto ni Hermes. Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko at tila nataranta. Nandiyang kinuha ko ang blangkong papel at hinawakan ko lang. Kinuha ko ang ballpen ko ngunit hindi ko alam kung ano’ng isusulat ko. “Felicity can you come with me?” napatitig ako sa mukha ni Hermes. Bakit ba iba ang dating sa akin ng sinabi niyang can you come with me? Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nagiging green-minded na ako? Ganito ba ang epekto ng nawasak ang bataan? Bigla ay nag-init ang mukha ko sa naisip ko. Mahalay na ang pag-iisip ko nang dahil sa nangyari sa amin ni Hermes kagabi! Kunot noong napatitig sa akin si Hermes. “Are you okay?” tanong nito. Lumapit pa ito para salatin ang leeg ko, ngunit inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag nadikit ang balat niya sa balat ko magkakasala na naman ako. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan ko si Hermes. Ang pogi niya ngayon. “Ayos lang ako. W-Wala ito. Medyo napuyat lang ako.” Natigilan ako sa sinabi ko. Napakagat labi ako at napayuko. Ayokong makita niya ang mukha ko at mahalata ang reaction ko. Napuyat ba ako sa . . . My god! Ano bang nangyayari sa akin! Napaangat ako ng tingin. Nakatitig lang sa akin si Hermes. Napahawak ako sa mukha ko. May dumi ba ang mukha ko. “Hermes. . .” tawag ko sa kanya. Natauhan naman siya at tila nagulat sa pagtawag ko sa pangalan niya. “Saan tayo pupunta? Pagkakaalam ko wala kang meeting outside the office, tomorrow pa ‘yon,” sabi ko. Tumikhim si Hermes at saka nagsalita. “Pina-advance ko na dahil may pupuntahan ako bukas.” Kumunot ang noo ni Felicity sa sinabi nito. HERMES  SHE tilted her head. Mas lalong gumanda sa ganoong anggulo si Felicity. Ano bang nangyayari sa akin bakit parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya? Dahil ba sa nangyari sa amin last night. Siguro iniisip ni Felicity na nakalimutan ko ang nangyari sa amin kagabi. Nagkakamali siya. Ayoko lang maging obvious. Para ano pa? Kahit ako pa ang nakauna sa kanya hindi naman big deal siguro iyon sa kanya. She knows me na ang s*x sa akin ay isang libangan lang. Siguro naman naiintindihan naman niya iyon. “Saan ka naman pupunta?” tanong nito sa akin. Bigla ay parang nainis ako sa pagtatanong niya. Mukhang nagiging cliche na ito porket may nangyari sa aming dalawa. “It’s none of your business kung saan man ako pumunta. I am the boss here not you.” Gulat na gulat ang mukha ni Felicity sa sagot ko. Alam kong nasktan ko siya sa sinabi ko. Ang ayoko lang kasi dinodominahan ako. Dapat ako ang masusunod. She seemed embarrassed by what I say. Bago pa ako maawa sa itsura niya tinalikuran ko na lang siya. FELICITY NAPAHIYA ako sa sinabi ni Hermes. So, alam naman pala niya na may nangyari sa amin kagabi. Bakit parang balewala lang iyon? Gusto kong matawa sa tanong ko sa sarili. Dapat alam kong hindi papatol sa katulad ko si Hermes. Bakit ko ba aasahan na magbabago si Hermes dahil lang sa nangyari sa amin? Asa pa ako sa wala kung iisipin kong mangyayari iyon. Hermes is Hermes hindi na magbabago ang isang katulad niya. Ang lalaking pokp*k. Tahimik lang akong sumunod kay Hermes. Aaminin kong nasaktan ako sa mga sinabi niya. Kahit sabihin kong hindi ako nasaktan, but deep inside tila isang itak na sumusugat sa puso ko. Pasulyap-sulyap siya sa akin habang naglalakad ito. Pipilitin kong huwag na siyang pakialaman sa mga gusto niya. Beside Secretary lang naman niya ako at hindi itinuring na kaibigan. Sumakay ako sa sasakyan nito at tahimik na kinabit ang seatbelt. Naririnig ko lang kay Hermes ay buntonghininga bago in-start ang engine ng sasakyan nito. Lumabas ako agad sa sasakyan nang marating namin ang company ni Mr. Nikolas Salvatore. Tahimik kaming naglakad ni Hermes papunta sa loob ng building. Para kaming stranger sa isa’t isa. Sinalubong kami agad ng Secretary ni Mr. Salvatore at itinuro sa amin ang conference room kung saan naroon ang meeting nila. Kinuha ko sa dala kong bag ang folder na naglalaman ng mga papeles na kailangan sa meeting nila. Pumasok kami sa pintong salamin, kita ang loob niyon. May isang babae ang naroon at isang lalaki sa tantiya ko kasing age lang ni Mr. Salvatore. “Hey, Hermes, the womanizer,” natatawang biro ng isang guwapong lalaki. Tumayo ito para kamayan si Hermes. Napasulyap sa akin ang lalaki. “Hi, Ms.?” “I’m Felicity Mabuhay, Mr. Del Prado’s Secretary.” Pakilala ko sa lalaki. Nilahad niya ang kamay na tinanggap ko naman. Nagkamayan kaming dalawa. “By the way, I’m Lucifer Ramones.” Pakilala nito sa sarili. Kakaiba ang kanyang pangalan. Parang demonyo lang. Napangiti ako dito. “May hihintayin pa tayong mga kasama sa meeting. Is it okay with you Mr. Del Prado?” tanong ni Mr. Salvatore. He cleared his throat. He nodded. Lahat kami napatingin sa pintong bumukas. Pumasok ang isa pang lalaki na guwapo at napatutok ang mga mata ko sa pagitan ng kanyang hita. Wow, daks! Nakarinig ako ng pagtikhim sa gilid ko. Walang iba kundi si Hermes. “Mukhang siyang-siya ang mga mata mo sa nakikita mong matambok na parte?” marahas akong napatingin kay Hermes. Ano'ng ibig niyang palabasin? Mahilig ako sa matambok? Naningkit ang mga mata ko. “Alam mo ang dumi ng utak mo,” bulong na sabi ko. Inirapan ko siya. Grabe siya, masama na bang mapatingin sa part na iyon kung doon naman tumutok ang mga mata ko? Pinakilala ni Mr. Salvatore ang bagong dating. Siya si Javier Hermano. Lahat ng kasama ko rito ay puro guwapo. Itong katabi ko lang ang mukhang asungot. Nakakainis siya. Nagsimula na ang meeting kaya sumeryoso na ako. Pinakinggan ko ang mga napag-usapan. Sinulat ko ang mga importante para sa company. Mukhang may project silang gagawin. Naghatid ng makakain ang Secretary ni Mr. Salvatore. Mukhang type nito si Hermes. Kanina pa kasi nagpapa-cute. Itong isa naman panay ang ngiti niya sa babae. Napapairap na lang ako ng palihim. Natapos ang meeting panay ang landi ng babae sa kasama ko. Sabi ko nga hindi magbabago ang lalaking ito. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba. Gusto kong kutusan ang sarili dahil sa pagiging tanga at uto-uto. “Mauna ka na sa office, Fel, may pupuntahan lang ako,” sabi nito. “Okay.” Iyon lang ang sinabi ko bago tumalikod. Sigurado ang target ng lalaking ‘yon ang babaeng kanina pa nagpapa-cute kay Hermes. Bumalik muli ako sa opisina para ayusin ang naiwan kong trabaho. Papasok palang ako sa elevator nang may tumawag sa akin. “Felicity!” napalingon ako. May isang matangkad na lalaki ang lumapit. Ang unang mapapansin sa kanya ang muscle sa dibdib na namumutok sa laki. “Kilala ko po ba kayo?” tanong ko. Hindi ko kasi kilala ang lalaki. Pero bakit kilala niya ako? “Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako ang classmate mo noong high school. Ako ito si Christopher Alarcon, ‘yung mataba na laging tampulan ng tukso noon. Remember, pinagtanggol mo ako noon nang awayin ako ng mga classmate natin.” Namilog ang mga mata ko. Hinawakan ko ang kanyang braso at napatalon dahil sa tuwa. “Oh my god, Toper!” niyakap ko s’ya. Naalala kong siya ang unang naging close friends ko sa school, pareho kaming mataba. Buti pa siya ang macho na samantalang ako chubby pa rin. “Long time no see!” ani ko. Kumawala kami mula sa pagkakayakap. “Paano mo nalaman na dito ako nagwo-work?” pumunta muna kami sa isang gilid upang makapag-usap ng maayos. “Nakita ko ang pinsan mo sa gym kung saan ako palaging nagpupunta. Sinabi niya kung saan ka nagtatrabaho. Kaya ito pinuntahan na kita.” Nakangiting kwento nito. Hindi ako makapaniwalang iba na ang hitsura niro. Napakalaki ng pagbabago ni Christopher. Mula sa matabang katawan to machong katawan. Wow! “Ang laki ng muscle mo. Paano mo nagawa ‘yan?” “Well, na-motivate akong magpapayat dahil sa pang-aapi nila sa akin. Sobrang hirap noong una dahil talagang nagkaroon ako ng struggle para pumayat. Kailangan ko talaga ng disiplina sa sarili. Gusto mo bang i-try?” “Mahirap yata ‘yan? Diyos ko, hindi nga lang ako magmeryenda ng isang beses feeling ko ‘di ako kumain ng isang linggo. I am sorry I can’t do that. Okay na ako sa ganito. Wala naman akong pakialam kung anong sabihin nila sa katawan ko. It’s my own body, pakialam nila.” Natawa ako. Although nagkakaroon ako ng inferiority paminsan-minsan, ngunit mas nananaig sa akin ang matakot na hindi kumain. “Well, kung saan ka masaya, eh, suportahan kita.” Nagkatawanan kaming dalawa. “Anong work mo ngayon?”tanong ko sa kaibigan. “I am a college professor at UP and also a gym instructor every weekend kaya wala na akong oras para sa lovelife.” Natawa ito sa sarili. “Okay lang iyan dahil darating rin ang tamang panahon para ma-meet mo ang babaeng nakatakda para sa iyo.” Ako nga ‘di ko na inisip kung makakapag-asawa pa ba ako? Sa tingin ko parang hindi na. “By the way, can I invite you for a dinner tonight? Well, para naman magkakwentuhan pa tayo ng mas mahaba,” pag-anyaya nito sa akin. “Sure, why not? Aba, grasya rin ‘yan.” Napailing na lang ang kaibigan dahil sa tinuran ko. Pagkain kasi ang ibig kong sabihin. Nag-ayos muna ako bago umalis para sa dinner date namin ng kaibigan ko. Nang bigla dumating si Hermes. He looks tired and his hair are disheveled. Mukhang alam ko na kung saang galing ang boss ko. Siguro chinorva na niya ang Secretary ni Mr. Salvatore. Ang landi ng babaeng iyon. “Where are you going?” tanong nito nang lumapit sa area ko. Nakita niya kasi akong naglalagay ng lipstick at eyeshadow. “Bakit mo naman tinatanong? And beside walang pakialamanan kung saan man pumunta ang isa sa atin. Kung ikaw ayaw mong pinakikialaman ka, puwes ako rin.” Mataray na sabi ko. Pinasok ko sa bag ang makeup. Handa na sana akong umalis nang hawakan niya ako sa braso ko. Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. “ Bakit makikipag-date ka? Sino namang poncho pilato ‘yan?” tila ang sinabi niya’y pang-iinsulto para sa akin. Ano sa palagay niya na walang makikipag-date sa katulad ko? “Wala kang pakialam kung sino ang kasama ko, pinsan ko man ‘yan o ibang tao. Labas na ang pagiging Boss mo sa akin outside the office.” Minsan hindi ko maintindihan si Hermes kung concern ba siya o iniinsulto niya ako. Binitawan niya ang braso ko. Tumalikod na ako, ngunit ‘di pa ako nakakalayo nang higitin niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. He cupped my face and kissed me on the lips. My eyes widened, hindi makapaniwala. Bigla ko siyang itinulak at saka nagmamadaling naglakad palayo sa kanya. Pinindot ko agad ang button ng elevator pababa at nang bumukas iyon pumasok ako agad. I immediately closed the elevator. Tila may humahabol sa aking kalaban kung makapindot ay parang sisirain ko ang button. Kabang-kaba ang nararamdaman ko dahil sa ginawa ni Hermes. Napahawak ako sa aking labi. Parang narito pa rin ang kanyang labi. My god! He kissed me. Bakit niya ginawa iyon? Malaking palaisipan sa akin. Isa na naman bang patibong ito para masilo na naman ako sa kanya? Ginagamit lang ba niya ang karisma para manatili ako sa company-to use me? Napapikit ako ng mga mata habang nakasandal sa pader. Lumabas agad ako nang bumukas ang elevator. Malalaki ang hakbang ko na parang may humahabol sa akin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang may tumawag sa akin. “Ay, t**i mong malaki!” gulat na usal ko. Muntik ko nang mabitawan ang dala kong susi ng sasakyan dahil sa gulat. Diyos ko! Bakit ba bigla na lang siyang sumusulpot. Magugulatin pa naman ako at kapag nagugulat kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ko. Minsan nga sinasabihan ako ng pinsan kong magdahan-dahan sa mga binibitawan kong salita lalo na kung nasa labas ako. Hindi ko naman kasi mapigilan ang sarili ko kung nagugulat ako bigla. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ng mabosesan ko kung sino ‘yon. It’s Hermes. “Wait, Fel, I am so sorry sa ginawa ko. Hindi ko sinasadya. I just miss Anica kaya kita nahalikan. It’s not something I intend to do. I got carried away.” Parang tinarakan na naman ng patalim ang puso ko sa narinig mula sa kanya. Magkamukha ba kami ni Anica para isiping siya ako? Ang layo naman ng mukha ko sa kanya? Nagpapatawa ba siya? Nagtagis ang bagang ko. Pinakalma ko ang sarili bago siya hinarap. Napangiti ako. “It’s okay I understand. Sige mauuna na ako,” sabi ko sabay ngiti kahit gusto kong umiyak. Nasasaktan ako. Iyong sakit parang hinihiwa ang puso ko sa dalawang parte. Hanggang kailan ba ako magpapakatanga sa kanya? Nang makalayo ang sasakyan ko saka palang tumulo ang masaganang luha. Nanlabo ang paningin ko kaya hininto ko muna ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada. Ayokong maaksidente nang dahil sa kapabayaan. I still love myself kahit ang tingin ko sa sarili ay pangit. I still have hope. Marami pang magagandang bagay na puwedeng gawin para maging masaya ang isang tao. Hindi lang palagi ang panlabas na anyo. Naniniwala kasi ako sa true love. Nang sa tingin ko ay okay na ang pakiramdam ko in-start ko muli ang engine ng sasakyan ko. Kailangan kong makalimutan ang masasamang nangyari ngayong araw. I’ll focus this time on those who are concerned about me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD