DIANA POINT OF VIEW
"Phillip, dahan-dahan lang," ungol ko habang iniinda ang mabilis niyang paggalaw. Hindi ko na alam kung saan ko pa ibabaling ang ulo ko. Ang bigat na ng paghinga ko dahil sa sobrang hingal.
Kanina pa siya at ayaw na yatang tumigil.
Wala na kong lakas at kusa nang bumagsak ang mga braso ko sa kama dahil sa sobrang panghihina. Hinawakan niya naman 'yon at muli akong hinalikan sa labi. Tahimik lang siya lagi tuwing ginagawa namin 'to. Kahit anong kausap ko sa kanya ay parang lagi niya kong hindi naririnig.
Pagod siyang dumagan sa akin nang makatapos. Mabigat din ang paghinga niya at parang bata ngayon na sumisiksik sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa balat ko na nakakakiliti. Mukhang nakatulog na siya agad.
Dahan-dahan ko siyang binaba sa kama at pinagmasdan. "Napagod siyang masyado." Inayos ko ang buhok niya.
"'Wag mo kong iiwan," bulong niya kasabay ng paghuli sa kamay kong pinanghihipo sa pisngi niya. Nahinto ako sa pagngiti at napatitig sa mukha niya. "Hindi ako sure sa'yo kung seryoso ka ba o nakikipaglaro lang. Pero 'wag kang aalis kaagad," paos niyang dugtong habang ibinabaling ang tingin sa akin. Seryoso lang siya habang nakadapa pa rin.
"Gusto mo na ko?" bulong ko at mas lumapit pa sa kanya. Inunan ko ang isa kong kamay sabay titig din sa mukha niya.
"Hindi ko alam." Pumikit siya.
"Bakit natatakot kang iwan kita?" Pangungulit ko habang pinagdidikit ko ang nuo naming dalawa. "Ako, matagal na kitang gusto," mayabang kong kwento.
Ngumiti naman siya habang nakapikit pa rin. Binitawan niya na ang kamay ko at mahigpit na yumakap sa akin.
"Hihintayin kita kahit matagal pa." Hinalikan ko siya sa nuo sabay yakap rin nang mahigpit.
Paggising ko, wala na siya sa tabi ko. Nag-iwan lang siya ng note sa side table na may biglaan daw siyang aasikasuhin. Iniwan niya kong mag-isa dito sa hotel, ibang klase. Takot siyang maiwan pero nang iiwan naman siya.
"Couz, kanina pa kita hinihintay," bungad ni Ella sa office ko. Hinubad ko muna ang cardigan ko para ipatong sa malapit na silya bago siya harapin. "Saan ka ba galing?" tanong niya pa.
"Bakit nandito ka? Wala ka bang pasok?" tanong ko rin habang umuupo sa pwesto ko para makapag-check ng mga files.
"Babalitaan lang kita. Sabi ni Tita Daisy, galit na galit daw ngayon ang daddy mo. Alam mo ba kung bakit?" Pinutol niya ang sasabihin niya kaya napangiti ako.
"Dahil ba nagka-black eye si Sebastian?" nakatawa kong sagot.
"Exactly! Sinumbong ka niya na may lalaki ka raw!"
"Ibig sabihin hindi pala ko nakalusot."
"What? So, it's real? May lalaki ka?" Dumukwang siya sa table ko na para bang gulat na gulat ang mukha. Tumango lang ako. "Makipagtanan ka na!"
"Hay, nako, Ella. Ang bata mo pa pero ang dami mo ng alam." Kunyari akong nagpaka-busy sa mga files. Buklat dito, buklat doon.
"Two years, two years lang ang pagitan natin. Masyado ka naman sa edad ko. Hindi porket mahigpit sa akin sina mommy at daddy ay bata pa ko," tuloy-tuloy niyang reklamo.
"Oo na lang."
Maaga kong nag-out. Wala naman kasing gaanong ganap sa office. Mataas naman ang sales at mukhang kaya na nila muna. Ngayon lang ako magpapakasaya sa buhay kaya bahala na sila. Hindi naman siguro ko malulugi kung uunahin ko muna ang kaligayahan ko.
Nagpalit ako ng rubber shoes bago bumaba ng kotse. Bagay naman 'to sa suot kong dress kaya pwede na. Yayayain ko siyang lumabas ngayong araw.
"Hmm? Bakit sarado?" Napaatras ako habang tinitignan ang kabuuan ng lugar. Sarado ang bar niya. Walang tao sa paligid. Bakit kasi wala akong number niya?!
From: Informant 06
May nasagap akong balita.
Napakunot ako ng nuo. Balita sila ng balita sa akin kahit na pinatigil ko na silang lahat.
From: Informant 06
Kausap ko ang chief of police dito. Kasama si Phillip Santiago sa nabaril sa kabilang bayan. Nasa Golden General Hospital siya ngayon. May nagpaulan daw ng bala at malala ang isa sa kasama nila.
Halos manlumo ako habang mabilis na tumatakbo papuntang sasakyan. Naiiyak na ko. Nakakainis! Ayaw tumigil ng pagpatak ng luha ko! "Bakit ayaw mong mabuksan?!" sigaw ko. Kinapa ko nang mabilis ang susi at napatapik nang malakas sa nuo dahil sa sobrang katangahan. Kamukha lang pala 'to ng sasakyan ko. Tumakbo ko sa kabila at mabilis na pinaharurot 'yon sa daan.
Hindi pa nga kami nagtatagal. Ganito na kaagad? Subukan niya lang mamatay, ako mismo ang hahanap sa gumawa nito sa kanya.
Lalo akong natataranta habang papalapit sa hospital. Tumakbo ko sa emergency room pero wala siya doon. Nagtanong ako sa clerk at mabilis na tumakbo.
"Bakit nandito ka?" Mukhang nagulat pa siya. Hindi ko mapigilan na ang pag-iyak nang malakas sabay yakap sa kanya nang mahigpit. "Ako ba ang pinunta mo?"
"Malamang! Sino pa ba?!" Pinalo ko siya.
"Aray! Bakit doon mo ko pinalo?!"
"Sorry! Sorry! Sorry!" Taranta kong hawak sa kanya. Iniinda niya ang sakit sa braso niya kaya lalo akong natakot. "Nagamot kana ba? Ano bang nangyari diyan?"
"Tinahi na ko kanina ni Will. Ayos lang ako."
"Si Will?! Bakit siya?!"
Tinawanan niya pa ko na para bang hindi siya nagseseryoso ngayon kaya gustong-gusto ko ulit siyang paluin.
"Tinignan na rin ako kanina sa loob. Daplis lang 'to ng bala. Ayos lang ako. Masyado kang nag-aalala."
"Nagagawa mo pang tumawa?"
"Sinabi ko na sa 'yong ayos lang ako."
"Hindi mo alam, kung gaano ko nag-alala sa'yo."
"Miss Diana, bakit umiiyak ka?" singit ni Will kaya napatingin din ako sa kanya. "Bakit nandito siya? Pinapunta mo?"
"Hindi, nakasalubong ko lang siya," sagot ni Phillip na para bang wala lang, na para bang hindi siya nabaril kanina.
"Ikaw, Will of fortune! Ayos ka lang ba?!" bulyaw ko sabay turo sa kanya.
"Relax, ayos lang ako," taas kamay niyang sagot kaya napayakap na lang din ako sa kanya. "Phil, siya ang yumakap, ah," mabilis niyang sabi kaya umalis na ko sa pagkakayakap.
Tinignan ko silang dalawa habang nagpupunas ng luha. "Akala ko kung napano na kayo," inis kong bulong.
"Mabuti pa, ihahatid ko na muna siya. Babalik na lang ako mamaya diyan. Ikaw na munang bahala sa kanila," paalam ni Phillip at inakay na ko palabas ng hospital.
"Magdala kang pagkain pagbalik mo!" habol na sigaw ni Will.
Umakbay lang siya sa akin at hanggang ngayon ay wala pa ring kibo. Tinignan ko siya pero hindi rin ako makapagsalita. Paano kung itanong niya sa akin kung paano ko nalaman ang nangyari? Napakagat ako ng labi.
Huminto kami sa tapat ng sasakyan ko at pinabuksan niya naman sa akin 'yon. "Pinapauwi mo naba ko?" Napabagsak ako ng mga balikat. Hindi siya kumibo at tahimik lang na sumakay sa driver's seat. Sumunod na lang din ako.
"Halika," bulong niya habang nakamostra. "Dito ka," sagot niya sa pagtingin ko sabay hila sa kamay ko papunta sa driver's seat. "Dito ka muna maupo sa hita ko."
Napalunok ako nang malalim. "Hindi 'to tinted," bulong ko. Mahina siyang tumawa at iniyakap ako sa kanya. Tumama tuloy ang nuo ko sa seatbelt, pero hindi ko na 'yon ininda. Binaling ko ang tingin sa kanya at payapa lang siya ngayon na nakapikit.
"Nag-alala ka ba?" tanong niya. Tumango naman ako habang sumasandal sa dibdib niya. Yumakap din ako nang mahigpit. Ang sarap kasi ng yakap niya na para bang kakaiba sa pakiramdam. 'Yong yakap na parang ayaw niya na kong pakawalan.
Ang tagal din namin sa gano'ng posisyon. Mukha ngang nakaiglip na siya. Hindi na kasi siya gumagalaw at nakapikit lang.
"Ang gwapo talaga ng mahal ko." Hindi ko mapigilan ang pagngiti habang hinahaplos ang pisngi niya. "Mahalin mo lang ako at hindi na talaga kita pakakawalan," desidido kong bulong.
"Tss, 'yan yata ang na-miss ko," nakangisi niyang bulong na nagpalaki sa mga mata ko. Lumayo agad ako sa mukha niya at nagulat nang aksidente kong mapindot ang busina. "Ang likot mo kasi," angal niya at mas nilapit ulit ako sa kanya. Nakadilat na siya ngayon at hindi ko maiwasang titigan ang mga mata niya.
"Kanina kapa ba gising?" ilang kong tanong.
"Hindi naman ako nakatulog."
"Hindi? Kanina ka pa nga nakapikit."
"Paano ko makakatulog? Himas ka ng himas sa pisngi ko, sa buhok ko. Ang likot mo kaya," dire-diretso niyang angal kaya napatawa ko nang mahina.
"Sorry."
"Ayos lang, akala ko nga hindi na kita makikita," seryoso pero nakangiti niyang sabi na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mas nilapit sa mukha niya para halikan. "Natutuwa akong makita ka."
"Talaga?" Hindi ako makapaniwala. "Bakit parang gusto mo na ko?"
"Talaga?" Ginaya niya ko. Hindi niya pa rin inilalayo ang mukha niya at ngumisi pa nang napagkagwapo. "Paano mo na sabing gusto na kita?" Tinaasan niya ko ng kilay.
"Sabi nito?" Tinuro ko ang labi niya sabay halik doon.
"Sabi mo hindi 'to tinted?"
"Oo nga, kiss lang naman." Ngumuso ako.
"'Wag kang lilingon sa labas. Ang dami ng taong nakatingin."
"Ano?!" Gulat kong nilingon 'yon at tumawa naman siya. Niloloko niya ko. "Aba, marunong ka na ngayong magbiro." Tinarayan ko siya habang bumabaling ulit.
"Ayoko pang bumalik sa loob. Pwede mo paba kong samahan dito?" malambing niyang tanong na ikinatango ko naman. Ayoko pa rin namang umalis. "Diana, sa susunod ipa-tinted mo naman ang sasakyan mo," mahina niyang bigkas sa mukha ko bago ako biglang halikan nang malambing.
"Nabaril ka kanina pero ang landi mo pa rin," subok kong biro. Lagi naman siyang nakangiti sa lahat ng sasabihin ko.
"Ikaw na lang naman ang nilalandi ko."
"Totoo?" Lumiwanag ang mukha ko.
"Mukha ba kong babaero?"
"Sabi ni Will."
"Sira ulo 'yon, huwag kang naniniwala," mabilis niyang sabi kaya napatawa ko. "Girlfriend kita, 'di ba?" Sumandal siya at tinignan ako nang diretso.
"Gusto mo asawa mo pa. Payag ako."
"Okay," malambing niyang sabi at parang may kakaiba na ngayon sa mga tingin niya. Tumitig lang ako at nagulat nang ilipat niya ang kamay niya sa hita ko. Dahan-dahan niya 'yong hinimas kaya nanlaki ang mata ko habang tinitignan siya.
"Phillip," madiin kong bawal sa kanya. Ngumisi lang siya at nagpatuloy. Nakatitig lang din siya sa mga mata ko.
"Ang ganda ng dress mo, bagay sa'yo." Inusog niya kong bigla kaya napakapit ako sa dibdib niya. "Pero sa susunod, huwag kang nagsusuot ng maiiksi," dugtong niya at sinimulan na kong halikan.
Lagi na lang akong kinakabahan sa kanya. Hindi ako makapaniwalang siya 'yong tipo ng tao na kayang gawin 'to kahit saan. Lumipat siya ng halik sa leeg ko kaya nagkaoras ako para tumingin sa paligid.
"Aray, kanina ka pa," angal niya kaya napaalis kaagad ako ng hawak sa sugat niya. Tinignan niya ko sabay hawak sa kamay kong napanghawak ko doon. "Dito ka na lang humawak." Napalunok ako nang sunod-sunod nang ilagay niya 'yon sa ibaba niyang parte.
"Ahm, may mga tao doon, oh." Tinanggal ko ang kamay ko sabay turo doon sa kaka-park lang.
"Huwag mo silang pakialaman. Sa 'kin ka lang mag-focus," malambing niyang bulong. Napakapit tuloy ulit ako sa braso niya nang ipasok niya ang isa niyang darili sa 'kin.
"Phillip."
"Gusto ko kapag tinatawag mo nang ganyan ang pangalan ko." Nakangiti lang siya habang nilalabas pasok ang darili doon. Napakagat labi na lang ako habang bumabaling sa mga tao sa malayo.
Nakahinga ko nang maluwag dahil sa pagtigil niya. Isinandal niya ko sa manubela at pinasindi pa ang stereo. Nilakasan niya ang volume no'n.
"Pwede ka nang mag-ingay." Kinakabahan ako sa sinabi niya. "Huwag mong pansinin ang mga tao. Ako ang bahala sa'yo." Muli niya kong kinulong sa pagyakap niya sabay halik nang madiin sa labi ko.
Hindi ako makapag-react dahil gusto kong ibigay sa kanya ang lahat. Gusto kong sabayan siya sa lahat ng gusto niya. Gusto kong hindi siya magsawa sa 'kin.
Dahan-dahan niya kong inalalayan para iupo doon. Natatakot ako kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. "Kaya mo ba?"
"Minamaliit mo ba ko?"
"Ngayon, matapang ka na?" Tinawanan niya ko habang kagat labi akong tinutulungan para mataas baba. "Ahh, Diana. Mas bilisan mo pa." Napahinto ako sa malambing pero malalim niyang boses na 'yon. Parang may kakaiba kong naramdamang tuwa. Napapaligaya ko siya ngayon.
"Sige, konti pa."
"Pero wala kang..." angal ko pero hinalikan niya kong bigla. "Phillip." Gulat ko siyang pinalo nang sunod-sunod nang may maramdaman akong katas sa loob ko. Hindi siya kumibo at muli lang akong hinalikan bago sumandal. Pumikit na siya pero nakapasok pa rin sa 'kin 'to. Aalis na sana ko pero—
"Phil?" May kumakatok sa bintana!
Mabilis kong pinigilan ang kamay niya nang akma niya 'yong bubuksan. Nilakihan ko siya ng mata sabay turo sa ibaba. Mahina lang siyang tumawa at binuksan pa rin 'yon.
"Bakit ba?" Niyakap niya ko habang nakadungaw sa bintana.
"Sino naman 'yan?" Tinignan niya ko kaya pilit akong ngumiti. Ilang na ilang na ko tapos parang nag-iisip pa siya. "Parang kilala kita," dugtong niya.
"Kilala mo 'yong girlfriend ko?" Bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
"Girlfriend?"
"Sean, bakit ba?" Mukhang nauubos na ang pasensya niya.
"May pupuntahan kasi ko. Baka hanapin nila ko sa loob."
"Edi sana nagpaalam ka muna kay Cindy."
"Galit pa rin nga. Basta, ikaw na lang magsabi." Tinapik niya si Phillip at lumakad na paalis.
"Cindy? Parang lagi kong naririnig ang pangalan niya?" Kunot nuo kong isip.
"Nagseselos ka ba ulit?"
"Bakit ako magseselos?"
"'Di ba pinaghihinalaan mong girlfriend ko siya?"
"Ah, 'yong lasinggera?" gulat kong banggit nang maisip ko. Tinawanan niya lang ako at, "Phillip, hindi ka pa yari?" ingit ko nang biglaan niya kong itaas at baba.
Lutang lang ako buong araw habang tulala. Ewan ko ba. Ganito ko lagi parang may after shock sa mga ginagawa sa 'kin ni Phillip. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na ginagawa ko 'yon.
Pagkatapos kong alagaan nang mahabang panahon ang p********e ko. Tapos isang kindat lang yata sa 'kin ni Phillip bumigay na kaagad ako.
"Ma'am Diana? Gusto niyo po bang pabalikin ko na lang sila mamaya?"
Mabilis kong sinulyapan si Joy, secretary ko. Nawawala na naman ako sa sarili ko. Ni hindi ko namalayan na may kaharap akong mga tao ngayon. Ginulo ko pa ang buhok ko kanina. Phillip! Ano bang ginagawa mo sa 'kin?!
"Ayos lang, babalik na lang kami mamaya."
"No, sorry. Please continue." Umayos ako ng upo habang nagseseryoso. Bihira lang akong ngumiti sa office. Ayoko kasi na mag-feeling close ang mga employee ko. Naranasan ko na kasi 'yon sa isa ko pang kumpanya. Bumagsak 'yon dahil naging tamad sila. Maganda na ang ganito, takot sila sa 'kin.
Dalawang araw nang sarado ang bar niya. Hindi 'yon maganda sa negosyo niya lalong-lalo na sa 'kin. Miss na miss ko na siya pero hindi ko alam kung saan siya makikita. Wala naman na raw siya sa bahay niya. Lumipat na raw sabi ng may ari no'n.
"Nakakairita!" Dumukdok ako sa mesa. Kanina pa ko naghihintay ng himala dito sa coffee shop sa mall. Malay niyo, dumaan siya. Nababaliw na ko sa mga naiisip ko. "May girlfriend ba kasing hindi alam ang number ng boyfriend niya?"
"Ikaw?"
"Lucas, hi." Napaayos kaagad ako.
"Mukhang badtrip ka sa boyfriend mo, ha?" Umupo siya sa bakanteng pwesto sa harapan ko. "Nasa coffee shop ka pero milkshake ang order mo." Tinawanan niya ko.
"Bakit ba kasi? Sa bawal sa akin ang kape, e. Bawal na ba kong tumambay sa coffee shop dahil lang doon?"
"Ang init talaga ng ulo." Umiling-iling siya habang humihigop sa straw. Natatakam ako tuwing makakakita ko ng kape pero bawal sa akin. "Nga pala, balita ko ikakasal ka kay Sebastian?"
"Balita mo lang 'yon," mataray kong sagot.
"Hindi totoo?"
"Totoo."
"Hay, magsisinungaling pa kasi."
"Tatalon muna ko sa building bago matuloy 'yon. Attend ka na lang sa lamay ko. Dala kang maraming rose. Gusto ko pulang-pula, ah," sarkastiko kong sagot na ikinatawa niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Mataray ka pa rin." Ibinaba niya ang dalawang braso niya sa lamesa at ngumisi. "Ang dami mo nang sinupalpal na manliligaw. Sayang, ang yayaman pa naman."
"Wala akong pakialam sa yaman nila. May pera ko, kaya kong gastusan ang sarili ko."
"Kahirap talagang magkagusto sa'yo."
"Kaya nga kasama ka sa nasupalpal ko, 'di ba?" biro ko. Tinignan niya lang ako nang masama at umirap pa na parang bakla. "Balita ko may girlfriend ka na?"
"Balita mo lang 'yon. Attend ka na lang din sa lamay ko."
"Tss, gaya-gaya."
"Nga pala, sumama ka bukas sa amin pupunta kami sa bagong bukas na bar. Kasama sina Vanessa at May. Kung gusto mo isama mo na rin 'yong makulit mong pinsan."
"Si Ella? Don't tell me na type mo pa rin siya? May boyfriend na 'yon. Gwapo."
"Tinatanong ko ba?"
"Bakit nagagalit ka?"
"Hindi ako nagagalit. Ano naman kung may boyfriend na siya?"
Natawa ko sa reaction niya. "Dalawang Ramirez na ang sumupalpal sa'yo," biro ko habang tumatawa nang mahinhin.
"Ewan ko sa'yo, basta sumama ka bukas." Tumayo na siya at mukhang napikon ko. Dati kasi siyang pinagkasundo kay Ella. Hindi 'yon sapilitan dahil siya ang may gusto na mapakasal kay Ella. Kaso lang, hindi siya type ng pinsan ko. Rejected kaagad.
"Gwapo ba ang tinitignan mo?"
"Will! Bakit nandito ka? Kasama mo si Phillip?" mabilis kong tanong nang tapikin niya ko.
"Hindi, na-bored lang ako sa hospital kaya lumibot-libot muna ko." Kinuha niya ang milkshake ko at walang hiya-hiyang ininom 'yon. Napanganga na lang ako habang tinitignan siya. "Ang damot mo naman. Ayan na nga."
"Hindi na, sa'yo na. Ngayon ka pa nahiya. Muntik mo na ngang maubos." Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pag-inom ng milkshake ko. "Bakit galing ka sa hospital?"
"Binabantayan ko ang girlfriend ko." Mayabang siyang ngumisi.
"Girlfriend? Mayroon ka ba no'n?"
"Kakasabi ko lang, 'di ba? Hay, bagay talaga kayo ni Phil. Masyado kayong hadlang sa 'ming dalawa." Sumandal siya na parang pagod na pagod.
"Natanong ko lang. Ang drama mo."
"Kasi 'yang boyfriend mo. Ayaw niya sa nagugustuhan ko."
"Kala ko ba girlfriend mo na?" Natawa ko.
"Oo nga, hindi niya nga lang alam." Tumawa rin siya. Baliw talaga si Will of fortune. "May gusto pa siyang iba. First love niya, mukhang mahirap kalabanin. Kaya niyang pumatay at magpakamatay para lang doon," bigla niyang kwento.
Malungkot na ang mukha niya. Kanina pa siya parang lobat na, 'yong parang cellphone. Matamlay ang mukha at pilit na lang na ngumingiti. Bigla akong naawa sa kanya. Hindi ako sanay na hindi siya makulit at laging nakatawa.
"Bakit hinahanap mo sa 'kin si Phil? Hindi ba kayo nagkikita?"
"Hindi, laging sarado ang bar niyo, e."
"Kakasabi niya lang na pupuntahan ka niya," bulong niya kaya nahinto ako sabay tingin sa kanya nang diretso. "Wala ka bang number niya?" Umiling ako sa tanong niya.
"Sabi niya pupuntahan niya ko? Ilang araw ko na siyang hinahanap pero hindi naman siya pumupunta sa 'kin."
"May girlfriend ba kasing walang number ng jowa niya?" Kinuha niya ang cellphone ko na nakalapag at may tinype doon. Mukhang number ni Phillip. "Oh, tawagan mo. Alis na ko. Good luck na lang sa'yo." Pilit siyang ngumiti pero halata ang bigat ng dinadala.
"Thank you, good luck din sa'yo!" Kinawayan ko siya habang ngiting-ngiti.