DIANA POINT OF VIEW
"Tapos na ba sila sa baba?" ilang kong tanong sa pagtitig niya. Kanina niya pa ko pinapasadahan ng tingin.
"Uuwi ka na?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Oo, inaaya na nila ko." Isinukbit ko na ang bag ko habang lumalapit sa kanya.
"Uuwi ka na pala tapos pinapabalik mo pa ko kanina." Parang may pagtatampo sa boses niya kaya napabaling ako ng tingin sa mukha niya. "Bakit ganyan kang makatingin?" mataray niyang tanong.
Mahina akong napatawa sa itsura niya. "Pinapayagan mo na ba ko?" tanong ko ulit. Kumunot naman siya ng nuo na parang nag-iisip pa kaya na-excite akong bigla. "Payag ka na?"
"Gusto mo kong ano?"
"Pakasalan."
"Pakasalan? Kanina mahalin lang tapos ngayon pakasalan naman," tuloy-tuloy niyang reklamo.
"Tanda mo naman pala kasi, e." Lalo akong napatawa. "Sa tingin ko payag ka na," malambing kong sabi sabay yuko sa harapan niya para pantayan siya ng tingin. "Ano? Mamahalin na kita?" bulong ko.
"Sige."
"Ha? Ano? Sige ba kamo?" Napaayos ako ng tayo sa gulat. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Sige ba ang sagot niya? Hindi ba ko nabibingi?
"Sige kako aalis na ko," bigla niyang bago kaya napasimangot ako. Tumayo na siya ng kama at akmang lalabas na kaya humarang ako sa pintuan. "Uuwi ka na, 'di ba?"
"Oo nga, pero pumayag ka, 'di ba? Narinig ko 'yon, e!"
"Narinig mo pala, e. Bakit gusto mo pang ulitin ko?" Ginaya niya ang boses ko kanina. Napaawang ako ng labi habang tuwang-tuwang tinititigan siya. "Masyado naman ang saya mo," umiiling niyang sabi pero hindi niya lang alam kung gaano ko kasaya. Parang umaapaw sa puso ko ang saya. Gusto kong sumigaw, umiyak at tumili pero nahihiya ako sa harapan niya.
"Ang cute mong tingnan," bulong niya habang nakatitig sa 'kin kaya napahinto ako. Nakipagtitigan siya sa 'kin at ngumiti pa. Nakakatunaw ng puso ang ngiting 'yon. Pakiramdam ko pwede na kong mamatay ngayon.
"Ibig sabihin boyfriend na kita, right?" Tinuro ko siya.
"Boyfriend? Pinayagan lang kitang mahalin ako."
"Nihh! Basta! Boyfriend na kita, ah!" Kinindatan ko siya sabay yakap nang mahigpit. "Ang tangkad mo naman. Ang hirap yumakap nang matagal," reklamo kong bulong. Nagulat ako nang buhatin niya ako at isandal sa pintuan.
"Maliit ka lang," bulong niya habang nakangisi. Hinalikan niya kong bigla kaya napayakap kaagad ako. Parang may kung anong nagwawala na naman sa dibdib ko. May halimaw na yata sa puso ko. "Dito ka muna, ha?" malambing niyang bulong nang tumigil siya sa paghalik.
Tumango lang ako. Nawawala na naman ako sa sarili ko dahil sa mga titig niyang 'yon. Nakakapanlambot ng tuhod. Muli siyang bumalik sa paghalik at mas diniinan pa kaya pumikit na lang ako. Ramdam ko ang paglilis niya ng damit ko. Bumaling siya ng paghalik sa leeg ko at para bang sinisipsip niya na 'yon. Lalo lang akong napapalupot sa bewang niya nang tanggalin niya ang isang kamay niya na nakaalalay sa 'kin. Itinaas niya ang damit ko at doon naman bumaling.
"Diana?" Napadilat ako nang marinig sina May at Vanessa sa likuran ng pintuan. Bumaling ako ng tingin sa door knob dahil sa paggalaw no'n. Mukhang hindi sila naririnig ni Phillip at patuloy lang sa ginagawa niya. Kinakabahan ako.
"Ahhhh!! Phillip!" sigaw ko sa gulat.
"Si Diana ba 'yon?" Kumatok na sila pero patuloy lang siya sa paglabas pasok. Napakagat na lang ako ng labi ko habang pinipigilang gumawa ng ingay. "Lock, baka may ibang tao na sa loob."
"Nasasaktan ka pa ba?" bulong niya habang nakayakap na rin sa 'kin. Kanina niya pa ko buhat pero mukhang may lakas pa siya. Ilang sandali pa ay natapos na rin siya. Napatitig lang ako habang pinapanuod siyang mahiga sa kama na para bang pagod na pagod. Ang sakit na naman.
"Ahm, ano, ahm, aalis na ko," pilit kong paalam. Mabilis naman siyang bumangon at tinitigan pa ko. "Baka hinahanap na nila ko sa baba. Kung hindi mo kasi maitatanong, ako ang driver nila," kwento ko. Mahina lang siyang tumawa habang tumatango. Muli niya kong hinalikan sa labi bago lumayo.
"Ingat ka," bulong niya. Binuksan niya ang pintuan at ako ang unang pinalabas. Tumingin muna ko sa paligid bago tuluyang lumabas. Nakakahiya kapag nalaman nila ang ginawa ko doon.
"Saan ka ba nanggaling?" inip na bungad ni May habang bitbit ang bag niya.
"Teka, nakalimutan ko ang bag ko," naalalang paalam ko kaya napatalikod ulit ako at napahinto.
"Ito ba ang nakalimutan mo?" Lumapit siya at isinukbit sa 'kin ang bag ko.
"Luh, magkasama na naman kayo. Kanina ka pa namin hinahanap!" angal ni Will kaya napatigil na ko sa pakikipagtitigan sa kanya. "Miss Diana, isasama na namin siya, ah." Hinila niya na si Phillip.
"Ang gwapo nila. Sino 'yon?" Kinalabit kaagad ako ni May. Kinikilig pa sila habang sinusundan din ng tingin sina Phillip at Will. Napangiti lang ako at inaya na silang umuwi nang mawala na rin siya sa paningin ko.
Hindi ako makapaniwalang pumayag siya. Kahit pa umaangal siya sa pagiging boyfriend ko. Ayos lang. Basta ipipilit ko na 'yon sa kanya.
"Wala ka na ngayong kawala, Phillip Santiago," kinikilig kong bulong habang nakatitig sa kesame.
Kinabukasan, pina-cancel ko lahat ng meetings ko at meet-ups para makapunta nang maaga sa bar niya. Tumitig muna ko sa salamin habang tinitignan ang suot ko. Naisipan ko kasing mag-hoodie, pants at converse. Nakakapanibago pero kung ganito ang tipo niya. Bakit hindi ko susubukan.
Kabado kong sumilip sa pintuan ng bar. Bawat paligid sinusuyod ko para makita siya kaagad.
"Aba, mukhang sisilay ka na naman sa kaibigan ko."
"Bakit lagi ka na lang sumusulpot kung saan-saan?" angal ko sa sobrang gulat. Muntik pa kong masaldak sa isang gilid dahil sa kanya.
"Naku, Miss Diana. Hindi mo siya makikita ngayon. Absent."
"Absent? Bakit?" Nalungkot naman ako. Pagkatapos kong gumayak nang ganito, wala rin pala siya.
"Ikaw kasi, e. Mukhang natakot mo." Nagpamewang siya habang umiiling-iling pa kaya napataas ako ng kilay sabay busangot. "Hindi 'yon sanay nang seryosohan. Pero kakaiba ka, ah. Balita ko kayo na raw."
"Sinabi niya?" gulat kong tanong.
"Malamang, sino pa bang magsasabi sa 'kin?"
"Ibig sabihin pumayag na siya na maging kami?" Sinundan ko siya nang maglakad na siya palayo. "Teka lang."
"Wait lang, Miss Diana. May customer akong tumatawag."
"Diyan ka lang customer din ako." Paghabol ko.
"Okay, anong order mo?" Huminto siya at kinambatan ang isa pa nilang kasama para puntahan 'yon.
"Ikaw," sagot ko sabay hila sa kanya papunta sa isang pwesto.
"Teka! Magagalit si Phil. Hindi ako tumatalo ng girlfriend ng kaibigan, 'no!"
"Babayaran kita ng triple ng sahod mo ngayong gabi," mabilis kong offer.
"Bakit hindi mo sinabi kaagad? Ang bagal mo namang lumakad." Siya pa ngayon ang nauna. Ibang klase talaga siya. "Ano na? Umupo ka na rito, Miss Diana."
"Anong binida niya sa'yo?" panimula ko agad nang makaupo ako. "Sinabi niya talagang kami na? Hindi ka nagsisinungaling?"
"Oo, bakit parang tuwang-tuwa ka? Sinabihan na kita dati. Hindi siya nagseseryoso kaya huwag ka gaanong ganyan. Baka mamaya makonsensya pa ko kapag niloko ka niya, e."
"Ayos lang 'yon."
"Aba, sadista ka rin, e, 'no?"
"Hindi, I mean, okay lang kung hindi siya magseryoso sa ngayon. Ako na ang bahala doon," mayabang kong sabi habang tuwang-tuwa.
"Nakita mo na? Huwag kang lilingon sa likuran mo." Para siyang nakakita ng multo. "Hay, sabi na huwag kang lilingon. Ang kulit mo rin," kunsumido niyang sabi nang nilingon ko ang sinasabi niya.
Bumungad sa 'kin si Phillip na may kasamang ibang babae at nakaakbay pa siya doon. Parang may kumirot sa dibdib ko pero hindi, hinanda ko na ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Hindi ako magiging toxic na girlfriend. Hahayaan ko na muna siya hangga't wala pa siyang nararamdaman para sa 'kin.
"Ayos lang ang nakikita ko ngayon."
"Ayos lang? Bakit umiiyak ka?" alangan niyang salita kaya bumaling ako ng tingin sa kanya sabay buhos ng tubig sa mukha ko. "Hala, baliw."
"Tubig lang 'to." Pilit akong ngumiti. "Uuwi na ko. Magkano ba sahod mo rito? Babayaran na kita."
"Huwag na, umuwi ka na lang. Okay na ko doon," parang kunsumido niyang utos. Humugot muna ko sa bag ko ng limang libo at inabot 'yon sa kamay niya. "Huy, baliw! Sinabi nang huwag na, e!" Hindi na ko lumingon at patuloy na sa paglabas.
Napabuga na lang ako ng hangin habang sumasandal sa bench. May araw talagang swerte at malas. At ngayong araw, mukhang malas ako.
"Ate Ganda, pahingi namang barya." Dumilat ako nang may kumalabit sa 'kin. "Kahit piso lang."
"Piso? Anong mabibili mo doon? Eto five hundred. Umuwi ka na."
"Wow! Ate! Napakaganda mo talaga!" Pang-uuto niya pa kaya napangiti ako.
"Sige na, umuwi ka na. Gabi na, oh!" Tinuro ko ang buwan na nilingon niya naman. Muli siyang nagpasalamat at mabilis na ring tumakbo palayo. Tinaas niya pa ang binigay kong five hundred sa ere habang tumatalon-talon.
Bumalik na ko sa pagpikit. Magre-relax na muna ko bago umuwi sa condo. Malas talaga.
"Ate Ganda, pahingi naman ng five hundred." Napadilat kaagad ako sa pamilyar na boses. Malapit na ang mukha niya sa mukha ko habang nakangiti pa siya. "Ikaw ba, wala ka pang planong umuwi?" Hinalikan niya ko sa labi.
Bakit nandito siya? Hindi ako makakurap kasi baka nananaginip lang ako. Ang tamis ng halik niyang 'yon, na para bang totoo. Totoo as in na may halong feelings.
"Payag akong titigan mo buong gabi. Basta sa bahay ka uuwi." Umupo siya sa tabi ko at maya-maya pa ay nahiga sa hita ko. Kinikilig ako sa kinikilos niya. Para kaming totoong in a relationship. "Sige, titigan mo lang ako. Gisingin mo na lang ako kapag okay ka na." Pumikit na siya.
"Bakit nandito ka?" panimula kong tanong nang matauhan na ko.
"Syempre, sinundan kita," sagot niya habang nakapikit pa rin. Ang gwapo niya, hindi ko mapigilang haplusin ang ulo niya na para bang anak ko siya.
"Bakit mo ko sinundan?"
"Kasi girlfriend kita?" Dumilat siyang bigla kaya napahinto ako. "Hindi mo naman kasi nabanggit na mabilis ka pa lang magselos," dugtong niya pa.
Umiwas lang ako ng tingin sabay baling kung saan-saan. Kunyari, wala akong narinig. Tumayo na siya at bumalik sa pag-upo. Sumulyap ako sandali sabay baling ulit sa iba. Mukhang natutuwa na naman siya.
"Bagong staff sa bar ang kasama ko kanina." Pinilit niyang pagtapatin ang tingin namin sabay ngiti.
"H-hindi ko naman sinabing mag-explain ka."
"Okay, akala ko kasi gawain 'yon ng matinong boyfriend." Tumango-tango siya at mabilis na umikot para mahiga ulit sa hita ko.
"Hindi ako toxic na girlfriend. Hindi ako selosa, mahinahon lang ako at lagi kang susuportahan."
"Paano mo nalaman? Ako ang una mo, 'di ba?"
"Hayaan mo na. Basta alam ko 'yon."
"Hmm, bahala ka. So, pwede pa pala kong mambabae?" Ngumisi siya. Samantalang ako, napasimangot.
"Bahala ka.."
"Akala ko ba hindi ka selosa at lagi mo lang akong susuportahan? Eh, parang mahinahon ka lang naman," sarkastiko niyang balik sa mga sinabi ko.
"Pwede ba kong magselos?" mabagal kong tanong habang pinagmamasdan ang mukha niya.
"Bahala ka," matipid niyang sagot. Bumangon na siya at nag-inat ng katawan. Dati magsinglaki lang kami, ngayon para siyang higante sa tabi ko. "Umuwi na tayo," aya niya at hinila na ang kamay ko. Sumunod lang ako at nagpadala sa kanya.
Parang alam ko na ang gagawin namin mamaya. Habang naiisip ko 'yon, kinakabahan pa rin ako na parang unang beses pa lang namin gagawin 'yon.
"Oh? Hi, Phil," bati sa kanya ng isang babae. Tinignan ko siyang mabuti bago bumaling kay Phillip na huminto nang harangin niya kami.
"Kilala ba kita?" taas kilay niyang tanong.
"Ah, ganyanan? Porket may bago ka lang. Kinakalimutan mo na ko?" Mataray siyang tumingin sa 'kin kaya naalarma ko. Aba, huwag niya kong hamunin at baka itumba ko siya diyan mismo sa kinatatayuan niya.
"Sorry, hindi kita talaga natatandaan." Mahinang tumawa si Phillip habang tinitignan ako. "Hindi ko siya kilala," paliwanag niya sa 'kin.
"Anong hindi?! Napakababaero mo talaga!" Sinampal niya si Phillip kaya nanlaki ang mata ko. Sasampalin ko rin sana siya kaso mabilis siyang bumaling ng tingin sa pwesto ko. "Hoy! Babae! Maganda ka, huwag kang magpapaloko diyan! Gagamitin ka lang niyan!" sigaw niya at umirap bago banggain si Phillip para umalis.
"Sa tingin ko, si Will ang sinasabi niya." Tinuro niya ang babae at muli akong hinila pauwi ng bahay niya. "Bakit hindi ka kumikibo? Hindi ko talaga 'yon kilala, ah." Bumaling siya sa 'kin bago niya buksan ang pinto.
"Naniniwala ako." Pilit akong ngumiti.
"Parang hindi naman." Pinaningkitan niya ko ng mata kaya mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
"May tiwala ako sa lahat ng sasabihin mo," paliwanag ko at bigla niya na lang akong sinunggaban ng matinding halik. Hindi 'to tulad ng dati. Nasa labas pa kami kaya hindi ako mapakali. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto at hinila siya papasok habang nakahalik siya sa 'kin. Sinara ko 'yon at pilit na ni-lock.
"Guys! Wait! Huwag kayong maghubad! Nandito ko!" Rinig kong sigaw ni Will kaya naitulak ko siya kaagad.
"Gago, bakit nandito ka?!"
"Makamura naman. Dito rin naman ako nakatira, ah!" angal niya.
"Dito ka nakatira?" gulat kong tanong.
"Oo, sana kasi sinabihan niyo ko para nag-hotel na lang ulit ako."
"Ulit?"
"Will." Nilakihan siya ng mata ni Phillip.
"Haha! Wala akong sinasabi na pinag-hotel mo ko noong nakaraan." Binuko rin siya ni Will kaya ilang siyang napatingin sa pwesto ko. Nagpigil na lang ako ng tawa habang pinapanuod silang dalawa.
"Mabuti pa, ihatid na lang kita sa inyo." Offer niya kaya tumango na lang ako.
"Luh, nahiya pa kayo. Ako na ang aalis."
"Will, diyan ka na," madiin niyang balik kay Will kaya natawa na ko. Tinignan nila kong dalawa kaya kagat labi kong pinigilan ulit ang tawa.
Naglakad lang kami pabalik ng park. Sinabi ko kasing may sasakyan akong dala at gamitin na lang namin 'yon. Hindi naman na siya tumanggi.
"Bakit namumula 'yang tainga mo?" bati ko sa tainga niya. Kanina pa kasi 'yon namumula, simula nang binuko siya ni Will tungkol sa ginawa niya noong nakaraan.
"Nandito na tayo." Huminto siya sa parking ng condo ko. Una siyang bumaba at inalalayan ako. Gentleman pa rin pala siya kahit medyo may pagkahilig.
"Hindi ka ba papasok?" gulat kong tanong nang tumalikod na siya pagdating namin sa pintuan ng condo ko. Umiling lang siya at hinalikan ako sa pisngi. "Sure ka?"
"Next time na lang, good night." Ngumiti lang siya at muling bumaling ng lakad padiretso.
Pasaway talaga si Will of fortune kahit kailan. Tsk.
From: Informant 05
Phillip Santiago. King of flower.
Xander Lim. King of hearts.
Sean Sanchez. King of ace.
Will. King of spade.
"Hmm? Bakit wala siyang aplido?" Napataas ako ng kilay habang umiinom ng gatas. Nilapag ko 'yon sa lababo at muling nag-text sa informant ko. Nakakapagtaka naman siya.
From: Informant 05
Wala po kaming mahanap na info niya kahit saan.
From: Informant 09
Unknown identity.
"Unknown si Mister Will of fortune? Interesting."
From: Informant 03
No one knows him.
Parang bigla akong naging interesado sa kanya. Posible bang walang identity ang isang taong normal? Parang may tinatago siya. Napangisi na lang ako habang nag-iisip. Ano naman ang itatago niya?
"Mabuti naman at nagpakita ka rin," mayabang na bungad ni Sebastian. Kanina ko pa siya hindi pinapansin at mas gusto ko pang titigan ang uod sa halaman. "Hindi ganito ang ine-expect kong date pero pagbibigyan kita."
"Hindi 'to date. Pinagbigyan ko lang si Dad," bored kong sagot.
"Kailan mo gustong mag-ayos ng kasal?" Nagdikwatro siya at ngumiti. Naiinis ako sa ngiti niya. Hindi totoo, halatang plastic siyang tao. "Sabi nila, mas maaga, mas maganda."
"Nabanggit ko na ba sa'yo na may boyfriend na ko?" Mataray ko siyang tinignan sabay abot ng uod na malaki sa kamay niya. Tumayo na ko habang siya, humihiyaw na parang bakla. "Sa susunod, ahas na ang iaabot ko sa'yo." Kinindatan ko siya at nagpatuloy na sa pag-alis.
"Sa 'kin ba? Anong ibibigay mo?"
"Phillip," bulong ko nang mahinto dahil sa kanya. Muntik na kong mabunggo sa mukha niya. Nakayuko siya ngayon at bumaling pa ng tingin kay Sebastian.
"Sino ka naman?" Mayabang na lapit ni Sebastian. Hindi sumagot si Phillip at tumayo lang nang maayos. "Lumayo ka nga sa fiance ko." Tinulak niya si Phillip at nanlaki ang mata ko nang bigla na lang siya nitong sinuntok. Tumba si Sebastian.
"Yari ako kay Dad," bulong ko habang pinagmamasdan siya. Siguradong magkakapasa ang mukha niya. Sinipa ko siya sa sahig pero hindi pa rin siya nagising. "Bakit mo siya sinuntok?"
"Hindi kasi ko marunong magselos."
"Ha?"
"Noong sinabi mong sa akin ka lang. Sa akin ka lang," madiin niyang bulong sa harapan ko habang pinagpapantay ang mukha namin. Ngumiti siya. "Hindi ako magaling magpigil. Kaya salit na magselos. Sinuntok ko na lang siya."
"Ayos lang naman 'yon kaso papagalitan ako ni Dad." Tumingin ako kay Sebastian at mabilis ding bumaling sa kanya ulit. "Teka? Ano kamo? Nagselos ka sa kanya?!" gulat kong sigaw sabay turo kay Sebastian na tulog na tulog.
"Hindi."
"Kakasabi mo lang."
"Kaya ko nga siya sinuntok para hindi na ko magseselos." Umiwas siya ng tingin at nilampasan na kami ni Sebastian. Pinanuod ko lang siyang maglakad palayo. Nakapamulsa siya at ang cool niyang tingnan. Nagselos ba talaga siya? Ibig sabihin malaki talaga ang chance ko.
"Aray! Ang sakit!"
"Oh? Gising ka na! Ayos ka lang ba?"
"Anong nangyari?" Tumingin siya sa paligid na parang takang-taka.
"May bumato sa 'yong bata kanina." Mabilis kong pagsisinungaling.
"Asaan? Bwisit, ang sakit." Iniinda niya ang mata niyang tinamaan ng kamao ni Phillip. "Saan tumakbo? Gagantihan ko!"
"Bata lang 'yon! Isusumbong kita sa daddy mo!" banta ko sabay kuha ng phone. Kunyari nagda-dial ako na pinigilan niya naman.
"Tara na lang. Okay na."
"May lakad pa ko. Umuwi ka na lang o kaya magpa-hospital ka na." Tinapik ko siya. Tumalikod na ko at nagsimulang lumakad patungo sa direction kung nasaan si Phillip. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nangyari.
Ngayon ko lang nalaman na sadista pala ang boyfriend ko.
"Akala ko hindi ka na susunod, e." Huminto ako at bumaling sa kanya na nakasandal sa isang puno habang nakapamulsa.
"Bakit hindi?" Nginitian ko siya nang sobra.
"Malay ko ba kung magpapakasal ka na sa boyfriend mo."
"Payag ka na ba?" kunyaring segway kong tanong.
"Tss, may boyfriend ka na pala. Tapos ginawa mo pa kong kabit." Tinignan niya ko nang kakaiba at nauna lang sa paglakad.
"Wow, ang gwapo mo naman pong kabit," biro ko habang yumayakap sa braso niya. "Bakit lagi kitang nakikita? Sinusundan mo ba ko?" usisa ko.
"Bakit kita susundan? Ano ba kita?"
"Luh, ang taray. Ang sungit mo naman po ngayon?"
"Wala ka na do'n." Umirap pa siya.