BEGINNING
"Sino siya?" Hangang-hanga siya habang nakaturo sa isang batang babae. Nakasuot ito ng pink na bistida ngunit matapang kung makipag-away sa mas malalaki sa kanya.
"Siya si Miss Devil," sagot ng isa pang batang lalaki na kagagaling lang sa pag-iyak. Lumampas lang ito sa kanya habang nagpupunas pa ng luha.
Patuloy lang siya sa pagtitig at paghanga sa batang babae.
"Pagtanda ko papakasalan ko siya," bulong niya.
"Hindi pwede, ako ang pakakasalan mo." Ngumuso ang batang babae na kanina niya pa katabi. Mahina lang siyang tumawa habang pinipilit ang gusto. "Hindi nga pwede! Sabi ni Mommy, ikaw ang prince charming ko!" Nagpamewang ito.
"Siya ang gusto ko." Tinuro niya ulit ang batang babae.
"Basta ako ang pakakasalan mo!"
"Hindi, siya!"
"Isusumbong kita kay Mommy!" Umiyak na ito at tumakbo papunta sa kanilang mansion. Siya si Diana Ramirez, bunsong anak ng may ari ng A7 Airport. Matagal na siyang may gusto sa kababata nitong si Phillip Santiago, pangalawang anak ng may ari ng Clover Gem Industry.
Kaya lang, hindi niya alam na 'yon na ang huli nilang pagkikita. Kasama si Phillip sa nangyaring trahedya sa pamilya nila. Isang car accident sa paanan ng baguio. Malagim at punong-puno ng misteryo.
"Siya si Phillip Santiago, pangalawang anak ng may ari ng Clover Gem Industry at—" "Tumigil ka na nga, Diana. Matagal na siyang nawawala." Pagputol ni Berry sa kapatid niyang si Diana. Kanina pa ito pilit na nagpapaliwanag sa mga kausap na lalaki pero sabat siya ng sabat.
"Hinihingi ko ba ang opinion mo?" Nagpamewang siya sabay tingin nang masama.
"I'm just stating the fact. Hindi mo na siya mahahanap. Noong namatay ang mga magulang nila. Bigla na lang din siyang naglaho na parang bula."
"Ah, talaga? Eh, ano pala 'to?" Mayabang niyang itinaas ang isang papel na nakalap ng mga informant niya. "Mayroon siyang pagmamay-aring bar malapit sa china town."
"Oo, pero hindi lang isa ang bar doon. Alam mo little sis, huwag mo nang hanapin ang isang taong ayaw nang magpahanap."
"Bakit ba pinipigilan mo ko lagi?" Minostrahan niya na ang mga tauhan na umalis. Mas lumapit siya kay Berry at tinignan ito nang mabuti. "Ilang taon ko na siyang hinahanap. Ngayon paba ko susuko?"
"Malay mo patay na—" "Ayan ka na naman, kuya. Sinabi ko na sa 'yong buhay siya at may bar siya ngayon malapit sa china town." Pilit siyang humihinahon kahit nauubusan na ng pasensya.
"Tss, kaya nagagalit sa'yo si Mom."
"FYI, si Dad lang ang nagagalit. Suportado ko ni Mom."
"Ewan ko sa'yo. Ang tanda mo na pero siya pa rin ang inaatupag mo." Tumalikod na si Berry. "Last na, little sis. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Ang daming nakapila para pakasalan ka. Please, magising ka na sa realidad. Kahit mahanap mo siya, hindi mo sure kung pipiliin ka niya. Napakatagal ng panahon 'yon at hindi mo alam kung may asawa't anak na siya."
"Last na pero ang haba naman ng sinabi," iritable niyang bulong habang tinatalikuran si Berry.
Alam naman 'yon ni Diana. Hindi niya naman ine-expect na makikilala pa siya ni Phillip. Ang gusto niya lang ay makita 'to ng buhay at syempre, kung may pag-asa pa. Bakit hindi niya papatulan, 'di ba? Phillip Santiago is her ideal man. Pinilit niya namang sundin ang payo ng mommy niya pero si Phillip pa rin talaga.
Mabait kasi ito, magalang, gentleman at maasikaso. Hindi tulad ng ibang lalaki na bastos at ginagawa lang ang gusto nila.
"Bago ka?"
"Yes," ilang niyang sagot habang nakamasid sa paligid. Ang daming tao at ang dilim. Hindi siya makapaniwala na ganitong lugar ang naging negosyo niya.
"Anong order mo?"
"Kahit ano."
Mahina siyang tinawanan nito kaya napaharap siya. "Walang kahit ano sa menu namin." Nagulat siya dahil gwapo pala 'tong lalaki na kanina pa kumakausap sa kanya. Mahilig siya sa gwapo pero hanggang flirt lang.
"Ikaw na ang bahala." Bahagya siyang ngumiti at doon na ibinaling ang atensyon. "Diana nga pala." Nilahad niya ang kamay niya at ganoon din naman ang lalaki.
"Will."
"Ah, Will. Parang Will of fortune lang," banat niya habang kunyaring tumatawa. Ang totoo, palpak siya sa mga ganitong bagay.
"Mabuti na lang at maganda ka." Tumawa lang ito habang naiiling. Nilapagan siya nito ng cocktail. "Bloody Mary 'yan," sagot kaagad nito nang amuyin niya ang alak na nilapag sa harapan niya.
"Masarap ba 'to?"
"Miss Diana, mukhang hindi ka naman umiinom. Trip mo lang? O baka broken ka?"
"Mister, customer mo ko. Hayaan mo na lang akong uminom."
"Okay, as long na magbabayad ka." Kumindat pa siya habang tumatawa. Bumaling na siya sa babae sa gilid na mukhang 'yon ang broken hearted. "Cindy, sinabi na sa 'yong tama na. Pagagalitan na kami niyan ni Xander." Mukhang kunsumido na siya doon.
"Ilang gabi na ko rito. Nagalit ba siya sa inyo?" Muli itong lumagok ng isang boteng alak kaya siya ang nangiwi. Na para bang nalalasahan niya ang mapait na lasa ng iniinom ng babae.
"Phil!" Kumabog kaagad ang dibdib niya habang tulala. "Ikaw na nga ang bahala kay Cindy. Napakakulit!"
"Phillip," bulong niya habang hindi makapaniwala. Hindi niya maalis ang tingin sa matangkad na lalaki sa harapan niya. Hindi pa rin pala nagbabago ang mukha nito at gwapo pa rin.
"Yes?" Bumaling sa kanya ang lalaki kaya nataranta siya at napatago pa sa lamesa. "Sino 'yon?" Takang turo sa kanya sa kasama nito. Unti-unti lang siyang sumilip sa bar top pero napatigil din nang makitang nakapamewang na ang lalaki sa harapan niya.
"A-ano..."
"May order ka pa?" Ngumiti ito. Sa sobrang gwapo, hindi na siya makapagsalita. Kahit yata titigan niya ito ay hindi siya magsasawa.
"May girlfriend ka na?" wala sa kamalayan niyang tanong. Tinaasan siya nito ng kilay na may halong pagtataka. "Ahm, I mean.. Ano..."
"Type ka yata ni Miss Diana." Inakbayan 'to ng lalaki kanina.
"Diana?" Muli siyang nilingon ni Phil. Akala niya makikilala siya nito pero hindi. Nilahad lang nito sa kanya ang kamay at nagpakilala pa. "Phil."
Napatingin lang siya sa kamay ng lalaking matagal niya nang hinahanap at inaasam.
"Wala akong girlfriend," bigla nitong sabi habang mas nilalapit pa ang kamay. Bumaling siya sa binata na nakangiti at mukhang gustong matawa sa itsura niya ngayon. "Kung 'yon ang iniisip mo," dugtong nito.
"Ako man, wala akong boyfriend," mabilis niyang sabi at kinuha ang kamay nito.
"Nakakatuwa siya, 'no?" Tumatawa na sa kanya si Will. "Miss Diana, pwede mo nang bitawan ang kamay ng kaibigan ko. Mukha kasing gusto mong iuwi," biro nito kaya napaalis siya kaagad sa pagkakahawak habang namumula.
"Tawagan mo na kaya si Xander." Wala na sa kanya ang atensyon ni Phillip. Nandoon na naman sa babae na 'yon. Hindi niya tuloy maiwasang sumimangot habang pinagmamasdan ito na inaasikaso ang ibang babae.
Kung kaya niya lang sana kasing lumandi kahit minsan lang. 'Yong tipong makukuha niya ang atensyon kaagad ni Phillip.
"Hindi naman siya kagandahan," bulong niya habang pinagmamasdan ang babae. Naka-short lang ito ng maiksi at jacket na may hoodie, pero kuhang-kuha niya ang buong atensyon ni Phillip.
"Suki mo na nga ako tapos nagrereklamo ka pa," usal ng babae.
"Si Sean lang 'yon. Hindi sineseryoso ang mga gano'ng lalaki." Mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ni Diana habang nagpapayo siya nang gano'n. "Hoy, hay, ang tigas talaga ng ulo." Bumaling ito kay Will nang umalis na ang babae.
"Ako hindi matigas ang ulo," bulong niya sabay palumbaba.
Busy na siya sa pag-asikaso pa ng ibang tao sa bar niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang ang bilis niya itong nahanap pero hindi niya naman makuha ang atensyon nito.
Sinubukan niyang ayusin ang damit niyang suot. Medyo nililis niya 'to sa bandang balikat at mas nagpaganda pa. Kaso naunahan na siya ng ibang babae. Mas malandi 'yon kesa sa kanya. Inis niya na lang na ginulo ang buhok niya habang dumudukdok. Wala pa ring bawas ang iniinom niya. Ayaw niya kasi no'n at hindi naman talaga siya umiinom.
"Pssttt... Type mo si Phil, 'no?"
"Ikaw na naman?"
Tinawanan lang siya ni Will. "Huwag kang ganyan. Ilalakad pa naman kita kay Phil kaso mataray ka pala. Huwag na nga lang."
"Teka! Joke lang! Hindi ka naman mabiro!" Muli siyang umayos ng upo habang pilit na nagpapa-charming.
"Yiiieee, type mo?" Tumango lang si Diana sabay todo ngiti. "Kaso babaero 'yan, ah. Ilalakad kita pero walang seryosohan."
"Babaero?" Napabagsak siya ng mga balikat habang muling tinitignan si Phillip.
"Seryosohan naman pala hanap mo. Hindi ka dapat sa bar humahanap."
"Dito ko nga lang siya nakita, e."
"Ayan, mataray ka na naman."
"Joke lang, bakit hindi natin siya palabasin dito?"
"Palabasin?"
"Oo, para seryosohin niya ko."
"Miss Diana, ayos lang 'yan." Tinapik siya nito nang bahagya habang pumipilantik. "Maganda ka naman kaso payo lang. Huwag kang bumabanat nang gano'n. Mas madedehado ka pa niyan, e. Tingnan mo sila lumandi, chill lang." Tinuro niya si Phillip at ang mga babaeng kausap nito.
"Hindi nga ako marunong." Ngumuso siya.
"Ako nga ang bahala sa'yo. Basta lakihan mo ang tip ko, ah." Ngumisi siya habang nagtataas baba ng kilay.
"Magkano ba gusto mo?" Ibinaba ni Diana ang maliit niyang bag sa lamesa habang naghihintay ng sagot. Tulala lang si Will at hindi makapaniwala sa desididong babae sa harapan niya. "Ano? 5k?"
"Yaman. Eh, kung kalahating milyon?" biro niya.
"Call," mayabang nitong sagot na ikinanganga ni Will. Tulala lang siya habang kumukurap-kurap. "Basta ikaw ang bahala sa 'kin," dugtong ni Diana.
"Seryoso?"
"Mukha ba kong nagbibiro, Mister Will of fortune?" Mas lumapit siya sa bar top at ngumisi sa binata.
"Luh, ayoko. Daig ko pa binenta ang kaluluwa ng kaibigan ko sa'yo."
"One million."
"Luh, ba't ganyan ka?" Nanlalaki na ang mata niya.
"Two?" Naniningkit na ang mata ni Diana habang nakikipagtawaran sa kanya. "Kahit magkano, ikaw na ang bahala." Naubusan na siya ng pasensya.
"Bakit ganyan 'yang mukha mo?" Natigilan siya nang sumulpot si Phillip sa likuran ni Will.
"Binabayaran ka niya sa 'kin!" Tinuro siya nito kaya mabilis niyang tinakpan ang mukha niya sa hiya. Bwisit na lalaki 'yan. Binuking si Diana. "Payag ka na ba sa two million, Phil? Ibebenta na kita," parang bata nitong tanong.
"Binibili mo ko?" Nagpalumbaba sa harapan niya si Phillip habang natatawa sa kanilang dalawa.
"Ahm, ano, hindi, ah. Nagsisinungaling siya." Tinuro niya si Will na maagap ding nag-react.
"Totoo 'yon. Type ka niya kasi."
"Hindi kaya."
"Hindi mo ko type?" Natigilan siya sa tanong ni Phil. Nakatitig lang 'to sa kanya habang nakadukwang siya sa bar top at nakikipagtalo.
"Type?" alanganin niyang sagot na dahilan ng pagtawa nito sa kanya. "Ikaw kasi, e," mahina niyang sabi kay Will habang nakaamba ng suntok.
"Nakita mo na?! Inaambaan niya pa ko ng suntok!"
"Will, may humahanap sa'yo sa kitchen," monotone lang na sabi ni Phillip kaya napahinto na silang dalawa. Nakatitig pa rin sa kanya 'to habang nakapalumbaba. Ang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Ito pa lang ang unang gabi niya ng paghanap pero mukhang swinerte siya kaagad.
"Hindi totoo ang sinasabi niya," mahina niyang sabi dahil sa ilang.
"Miss Diana? Right?" Bumalik na ito sa pagtayo at ngumiti sa harapan niya. "Sasagutin ko sana ang iniinom mo kaso mukhang 'di ka naman talaga umiinom." Tinuro nito ang cocktail na nasa harapan niya kanina pa.
"Ano..."
"Sagot ko na 'yan. Enjoy," huli nitong sabi at tinalikuran na siya.
"Bwisit, ayon na, e. Mukhang na-bored pa siya sa 'kin," nanghihinayang niyang bulong. Tumayo na rin siya at lumabas. Hindi niya na rin kasi matanaw ang binata.
"Uuwi ka na?" Halos mapalundag siya sa kaba nang may nagsalita mula sa likuran. Hinarap niya 'to at tumambad si Phillip niya na naglalakad habang nakangiti. Napatango lang siya. "Gusto mo ihatid kita?" alok nito.
"S-sige?"
"Kaso wala akong kotse, ah."
"Ayos lang, mas maganda nga 'yon. Matagal kitang makakasama," papahina niyang sabi.
"Nakakatawa ka, 'no?" Sinabayan na siya ni Phillip sa paglakad. Hindi siya mapakali kakasilay sa mukha nito.
"Hindi mo hinihintay magsara 'tong bar mo?" Pagbasag niya sa katahimikan. "I mean, nalaman ko kasing bar mo 'to kanina. . .doon sa lalaki? Kay Will of fortune," mabilis niyang paliwanag nang tingnan siya nito nang seryoso.
"Hmm, hinihintay."
"Ang tipid mo namang sumagot."
"Hinihintay ko talagang magsara 'yan. Kaso nakita na kitang lumabas kaya sinundan kita. Ayos naba?" Namula siya sa sinabi ng binata. Napalunok siya nang malalim habang hindi makapaniwala. Nakangiti lang ito habang nakalagay ang dalawang kamay sa likuran.
Kasabay niya ngayon na naglalakad si Phillip Santiago. Ang kanyang real life prince charming. Mas maganda sana kung naaalala siya nito pero hindi, e. Mukhang tama ang kuya niya. Hindi na siya nito makikilala pa.
"Ahhh," ungol niya sa pagitan ng paghalik nito sa kanya. Napakapit siya sa gilid ng lamesa malapit sa kanya habang iniisip kung paano siya napunta sa posisyon na 'to. "Phillip, ahhh... Wait lang. Teka." Napaliyad siya nang halikan siya nito sa dibdib habang nakayakap ito sa kanyang likuran.
Nanghihina na siya sa mga halik nito. Pakiramdam niya, konti na lang at kusa nang babagsak ang kanyang katawan. Bakit ba siya pumayag? Teka? Pumayag nga ba siya? Litong-lito na siya habang pinapakiramdaman ang binata.
Napasaldak siya sa kama nang mamali siya ng pag-atras. Tumigil ito habang naghuhubad ng kanyang damit. Napahawak siya sa dibdib niya sa lakas ng kabog at noon niya lang din namalayan na wala na siyang suot. Tinignan niya ang kabuuan niya habang gulat na gulat.
Muli siyang pinasadahan nito ng halik sa katawan habang unti-unti siyang hinihiga sa kama. Natatakot siya pero gusto niya rin ang ginagawa sa kanya ng binata.
"Ang bilis mo naman," hinihingal niyang bulong nang makitang may kinukuha na 'tong plastic sa bulsa.
"Ayaw mo ba?" malambing nitong sagot habang nakatitig sa mga mata niya at kagat-kagat ang plastic. Binuksan niya 'yon at hindi na ulit nagsalita. Napapikit lang si Diana nang madiin habang kinakabahan. "Oh? Ano kapa..." Natigilan siya sa pagpasok sabay baling ng tingin sa dalaga.
"Ang sakit," bulong nito kaya nataranta siya at mabilis na hinugot 'yon.
"Ayos ka lang ba?" Siya na ngayon ang kinakabahan. "Hindi ko alam," dugtong ng binata na gulat na gulat.
"A-ayos lang. Masakit lang." Pinagdikit niya ang mga hita niya habang iniinda ang sakit. "Ituloy mo na."
"Ha? H-hindi na. Halika na at tutulungan kitang tumayo." Inilahad na nito ang kamay sa kanya pero salit na tumayo. Mas nagpabigat pa siya para muling mahiga ang binata. Ayon na rin, e. Wala na.
Natatakot siya na baka hindi na ulit siya pansinin nito. Kaya pinilit niyang magpatuloy.
"Ayos lang ako," bulong niya sabay halik sa labi ni Phillip.
Pagmulat niya ng kanyang mata, wala na ang binata sa tabi niya. Pilit siyang tumayo habang sinusuyod ng tingin ang paligid. Nasaan nga ba siya?
"Oh? Gising ka na? Bumili ko ng pagkain." Gulat siyang napatingin sa nagbukas ng pintuan. Mabilis siyang magtatakip sana ng kumot pero napatingin siya sa suot niya ngayon na malaking puting jacket. "Sorry kagabi, hindi ko sinasadya." Mukhang nakokonsensya siya.
"Wala 'yon. Ikaw pa ba?"
"Seryoso ko."
"Sorry."
"Ako nga ang nagso-sorry." Mahina nang napatawa si Phil habang binababa ang pagkain sa lamesa. "Kaya mo bang tumayo?" Nag-aalala itong lumapit sa kanya kaya napangiti siya habang umaarte. "Dahan-dahan lang."
"Bahay mo 'to?" tanong niya habang inuupo siya ni Phillip sa upuan.
"Mukha bang bahay?"
"Ang sungit mo naman, tinatanong lang, e." Umirap siya at siya na ang mismong nagbuklat ng pagkain.
"Kumakain ka ba niyan?"
"Oo naman." Pagsisinungaling niya. Ang totoo, ngayon pa lang siya kakain ng ganyang pagkain. Mukha 'yong napulot kung saan.
"Buti naman, mukha ka kasing mayaman."
"Bakit? Ayaw mo ba sa mayaman?"
"Ha? Kagabi ka pa, ah."
"Tinatanong lang naman kita."
"Ayos lang naman, kaso imposible 'yon," sagot ni Phillip habang hinahainan siya ng pagkain.
"Paanong imposible?" mahina niyang tanong.
"Mas gusto ko sa mga ka-level ko lang. Mahirap na, hindi ko maa-afford ang mga gusto no'n kung mayaman ang pipiliin ko." Tumawa ito at minostrahan siyang kumain na.
"Buti na lang mahirap lang ako." Maagap niyang pagsisinungaling.
"Tsk, bakit feeling ko interesado ka talaga sa 'kin?" Sumulyap ito sa kanya habang nagsisimula ng kumain. Piniritong tilapia at ginisang ampalaya ang ulam nila ngayon kaya hindi makakain si Diana. Ano nga ba 'yon para sa panlasang mayaman niya?
"Bawal ba?" Ang kapal na ng mukha niya.
Napapatawa na lang si Phillip habang naiiling. "Pwede naman, kaso hindi ako pang matagalan."
"Ayos lang, pang matagalan naman ako."
"Miss Diana, wala pa sa isip ko ang magseryoso. Kaya huwag ako."
"Ayos lang, madali lang naman maghintay." Ano ba naman ang thirteen years kong paghihintay sa'yo? Usal ni Diana sa isip niya. Tinitigan niya lang si Phillip na hindi na yata makakain.
"Ewan ko sa'yo. Kumain ka na lang."
Tinitigan niya ang pagkain. Parang pinirito na 'yon sa putik sa kulay ng isdang nakahain sa harapan niya ngayon.
"Hindi ka kumakain niyan, 'no?" Naniningkit na ang mga mata ni Phillip habang tinitignan siya. "Halika, magbihis ka at sa labas tayo kakain."
"Sa labas? Eh, paano 'to? Sayang," kunyari niyang pahabol na tanong nang tumayo si Phillip.
"Hindi 'yan sayang. Ako na lang ang kakain niyan mamaya."
"Pwede bang lumabas ka muna?"
"Pfftt, nahihiya ka pa sa 'kin? Nakita ko naman na 'yan." Hindi na siya gentleman. Napabusangot siya habang kinukuha ang mga damit niyang nagkalat pa rin sa lapag. Gulat siyang napabaling sa pintuan nang kumalantog 'yon. Wala na siya.
Mabilis siyang nagdamit para hindi maghintay nang matagal si Phillip sa labas.
From: Berry
Dad wants to see you.
Napabuga siya ng hangin habang tinatago ang kanyang cellphone. Muli siyang bumaling kay Phillip na buhay na buhay sa harapan niya.
"Isama ko kaya siya? Kaso baka layuan niya ko. Eh, kung ampunin ko na lang kaya siya? Kaso baka sabihin niyang mayabang ako."
"Luh, inuwi mo nga si Phil kagabi." Nagulat siya sa bumulong malapit sa kanang tainga niya. Bumungad sa kanya si Will na ngayon ay nakangisi pa.
"Bakit nandito ka?"
"Syempre, nagpalibre ko kay Phil." Umupo si Will sa tabi niya kaya napanganga siya habang tinitignan si Phillip na palapit na. "Masyado, gustong ma-solo lagi si Phil?"
"You are so annoying," bulong ni Diana.
"Dapat nga may two million ako. Na-solo mo nga siya kagabi, e."
"Paano mo nalaman?"
"I told you, babaero 'yan. Alam ko na lahat ng pasimpleng galawan niya." Kumindat si Will sa kanya na ikina-irap niya naman.
Parang bigla tuloy nasira ang loob niya. Sa gwapo nitong si Phillip ay siguradong gabi-gabi, nakakahanap siya ng babae na maiikama. Sadyang swerte lang siguro si Diana kagabi dahil napansin siya nito kahit hindi niya gaanong nalandi.
Pero sa tagal niyang hinintay si Phillip. Gusto niya 'tong maangkin. Gusto niyang sa kanya lang si Phillip nang walang kahati.
"Huwag mo sasabihin sa 'kin na hindi ka rin kumakain niyan," sarkastikong sabi ni Phillip habang nakangiti. Wala sa ulirat siyang tumayo sabay hawak sa pisngi nito kaya nagulat si Phillip at napasandal sa upuan.
"Tubig!" nabubulunan na sigaw ni Will. Muli siyang natauhan habang hiyang-hiya na nauupo sabay kain nang marami. Tinignan siya ng dalawa.