SIX

3105 Words
PHIL POINT OF VIEW 5 YEARS LATER "Oo, sinusunod ko lahat ng bilin mo," kunsumido kong sagot habang nakatayo sa likuran niya. "Minsan lang ako makipagkita sa mga investors, hindi ako nagpapapasok basta-basta sa office, okay ang kumpanya at lalong lumalaki. Pwede na ba ko ngayong umalis?" tuloy-tuloy kong paliwanag. "Bakit nagmamadali ka? May date ka naba?" Ngumisi siya at humarap na sa akin. Binitiwan niya ang hose na hawak at lumapit. "Ang ganda na dito sa mansion. Daming bulaklak, mukhang naghahanda ka na," biro ko. "Bastos ka talagang bata ka. Kaya walang nagkakagusto sa'yo." Tinapik niya ko at bumalik sa upuan para uminom ng tsaa niya. Umirap lang ako at sumunod. "FYI lang, maraming nagkakagusto sa akin," mayabang kong sagot sa kanya. "Hmm, balita ko nga bakla ka raw." "Ano?" Tinawanan niya ko. Sana masamid siya. "Hanggang ngayon, wala ka pa ring nilalabas na babae. Naghihinala na sa'yo ang mga partners natin." "Sino doon? Tatanggalin ko." "Andrew, hindi ba oras na para humanap ka ng mapapangasawa? Mag-anak ka nang marami para marami kong makasama dito." "Dati ginawa mo kong tigapagmana. Ngayon, gagawin mo naman akong baby maker?" sarkastiko kong balik. "Tsk, ibang klase talaga 'yang bibig mo. Hindi mo na ko ginalang. Kapag nainis mo talaga ko, tatahiin ko na 'yang bibig mo." "Aalis na ko, ingat na lang po, lola." Ngumisi ako at lumabas na. Binago niya ang takbo ng buhay ko pero hindi ang puso ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon na hanapin ulit siya pero wala na. Literal na wala na si Diana Ramirez. Hindi natuloy ang kasal nila ng Sebastian na 'yon. Sabi nila, nagpakamatay siya para lang hindi matuloy ang kasal. "Nakakainis, hindi na lang siya bumalik sa akin," inis kong bulong. Heto na naman ako, nakaupo sa lagi naming tinatambayan na bench sa park. Bawat araw na dumadaan nagsisisi ko. Dapat niyakap ko na lang siya noon nang mahigpit. 'Yong sobrang higpit na hindi na siya aalis. Sabi ko dati, ang tanga ni Sean sa ginawa niya kay Cindy. Pero ganoon din naman pala ko. Ang tanga ko dahil hindi ko sinulit ang pagkakataon para sarilihin si Diana. Ngayon, nasa langit na siya. Isa siguro siya sa tinitignan kong bituin ngayon. "Kuya Pogi, alam kong maganda ang stars sa langit. Pero bakit umiiyak ka?" Natigilan ako sa batang dumungaw sa mukha ko. Mabilis akong nagpunas ng luha at tinignan siya. "Bili ka na ng sampaguita kong tinda. Bente na lang 'to kasi pogi ka," bibo niyang sabi kaya napangiti ako. "Aanhin ko 'yan?" biro ko bago bumili. Ang dungis niya. "Malamang isasabit mo kay Papa Jesus o kaya kay Mama Mary o kung gusto mo, isabit mo sa leeg mo," mataray niyang sabi kaya lalo akong natawa. "Ayokong bumili, ang taray mo." "Joke lang 'yon, hindi ka naman mabiro." Ngumiti siya nang todo. "Mukhang anak mayaman ka naman. Doon na lang ako bibili sa isa," mataray ko ring sabi at umirap naman siya sa akin. Maputi kasi siya at puro dungis lang ang katawan. "Dami-dami ko na ngang ginamit na uling," bulong niya pa. "Sige na nga, bibilin ko na 'yan. Okay naba sa'yo 'tong one thousand?" Kinuha ko ang binebenta niya. "Wow! Ang yaman mo naman pala! Pinahirapan mo pa ko!" Nagpamewang siya habang tuwang-tuwa sa isang libo na hawak. Parang kumikinang ang mga mata niya. "Madami na kong mabibiling ulam dito," dugtong pa niya. "Oo, dadagdagan pa kita ng isa pa niyan. Bumili ka ng sabon at shampoo. Ang baho mo kasi." Ngumisi ako at naglabas pa ng isang libo. "Mabaho?" Hindi niya 'yon kinuha. "Kuya Pogi, uling lang 'to. Mabango ko, 'no! Diyan ka na nga!" Luh, ang taray. "Teka! Kunin mo pa 'to!" Habol ko. "Sa'yo na 'yan. Okay na sa akin 'to." Diretso lang siya sa paglakad. "Sayang 'to." Pangungulit ko. Humarap siya at tumingin pa nang matalim. "Hindi 'yan sayang, Kuya Pogi. Ipambili mo ng kausap mo para tumahimik ka na." Napanganga ko sa sinabi niya. "Bakit ganyan mo ko kausapin? Mas matanda ako sa'yo!" reklamo ko. "Kuya Pogi, ilang taon ka na?" Biglang nagbago ang mukha niya. Abala siyang iipit ang isang libo sa short niya bago tumingin ulit sa akin. "Bakit? Ilang taon naba ko sa tingin mo?" mataray ko ring tanong. "Sixty?" Napaawang ako ng labi sa sinagot niya. "Ano?! Twenty nine pa lang ako!" "Tsk, sasagutin mo rin pala, e. Pahirap ka rin. Pasalamat ka, pogi ka." Ganito yata talaga kapag kinarma. Mukhang pagbalik ko kay Lola makapag-opo na. "Five na ko tapos ikaw twenty nine?" Nagbilang siya sa kamay niya at muling tumingin sa akin. Nakakatuwa siya, akala mo kung sinong matalino. Mukha ngang hindi naman siya marunong bumilang. "Kaya nga dapat ginagalang mo ko." Nagpamewang ako. "Kuya Pogi, hintayin mo kong tumanda. Papakasalan kita." Ngumiti siya nang malambing at saka tumakbo nang mabilis. Naiwan akong nakatulala habang mabilis ang pagtibok ng puso. FLASHBACK "Sino siya?" nakatulala kong tanong sa hangin. "Siya si Miss Devil." May sumagot sa akin pero hindi ko maalis ang tingin sa batang babae na 'yon. Ang galing niyang makipag-away. Talo silang lahat. "Pagtanda ko papakasalan ko siya," bulong ko habang tuwang-tuwa. "Hindi pwede, ako ang pakakasalan mo." "Siya ang pakakasalan ko." Tumingin ako kay Diana. Nakanguso siya ngayon habang nakakunot ang nuo. "Hindi nga pwede! Sabi ni Mommy, ikaw ang prince charming ko!" Nagpamewang siya na parang power ranger. "Siya ang gusto ko." Tinuro ko ulit si Miss Devil. "Basta ako ang pakakasalan mo!" "Hindi, siya!" "Isusumbong kita kay Mommy!" Umiyak na siya. Si Diana Ramirez. END OF FLASHBACK Napangiti ako nang mapatitig sa batang babae na tumatakbo. Dahil sa kanya naalala ko si Diana. Kaya pala pamilyar ang aplido niya sa akin. Kilala niya pala talaga ko. Nice try, Diana. "Dapat hindi ka nagpakamatay. Pakakasalan naman kita." Kusang tumutulo ang luha ko. Tangina. Ayoko na. Dapat hindi ko na lang siya pinahanap. At least noon, nakatatak sa isip kong masaya na siya. "Phil, mukhang hindi kapa okay, ah? Ilang taon nang maga 'yang mata mo." Tinapik ako ni Will. Binigay na namin ni Xander sa kanya 'tong restaurant. Siya na ngayon ang bagong may ari. "Tangina, binabati mo kasi lagi," kunyaring inis kong sagot. "Daddy Phil!" sigaw ni Princess kaya napangiti ako kaagad. "Daddy ka diyan? Lagi ka na lang nauunang humalik." Ngumuso si Prince. "Ako ang daddy nila pero kung sino-sino ang tinatawag nilang daddy." Bumusangot si Sean na kadarating lang. "Daddy Will!" Nag-unahan na ang kambal paakyat kay Will. "Kamusta? Mugto pa rin 'yang mata mo? Parang ginagawa mong hobby ang pag-iyak, Phil." Tinawanan niya ko habang nakikipag-apir. Ayos naman kami, sinabi sa kanya lahat ni Cindy na nagsinungaling lang ako. Saka nahuli niya rin naman ako kaya mabilis siyang naniwala. Okay na silang lahat, masaya. Ako na lang ang hindi. "Xander, mukhang magkaaway kayo ni Michael?" Nilingon ko si Michael na kausap si Jen, asawa ni Will. "Phil, mugto 'yang mata mo?" "Gago, lahat na lang kayo pinapansin 'tong mata ko." Nagbuntong hininga ko sabay sandal. "Hindi ko nakilala 'yon." Bumaling si Sean kay Xander. "Paanong hindi mo nakilala? Kwento ni Phil, inabala mo sila sa sasakyan." "Will," madiin kong tawag. "Hindi ko matandaan. Pakita nga ng picture ni Diana mo." "Sean, nang-aasar ka ba?" Mas lumapit ako sa lamesa. "Wala akong picture ni Diana, gusto mo picture na lang namin ni Cindy?" "Grabe, ang bilis mong mainis ngayon. Hindi ka naman ganyan dati." Tumawa pa siya. Wala akong magawa sa office kaya tambay lang ulit ako sa park. Sana dumaan ulit dito 'yong makulit na bata para may kaasaran ako. Lumingon ako sa paligid pero hindi ko siya makita. "Kuya Pogi, pinagalitan ako dahil sa'yo." Nagulat ako at halos mapalundag nang may lumapit sa aking ipis. Ay, mali. Bata pala. "Bakit ganyan 'yang itsura mo? Hindi mo pa kasi tinanggap ang pambili ng sabon at shampoo," gulat na gulat kong sabi. "Ewan ko kay nanay." Nagmuryot na siya habang nakatabi sa akin. "Nakakuha na nga ako ng pambili ng pagkain tapos nagalit pa siya. r****t ka ba?" bigla niyang tanong kaya naubo kong bigla. "Ang bata mo pa, ang dami mo ng alam!" "Si Nanay ang nagsabi no'n. Ako na naman." Umirap siya at nag-crossed arms. "Edi wow," bulong ko at tumitig na lang din sa tinitignan niya. "Bakit hindi ka makipaglaro?" subok kong pakikipagkwentuhan. Napapagaan niya kasi ang nararamdaman ko. Parang pakiramdam ko, nakikita ko sa kanya si Diana. Gusto ko na nga siyang ampunin. "Ayaw nila sa akin." Malungkot na siya. "Bakit naman?" "Anak mayaman daw ako." "Halata." Mahina akong napatawa. "Wala nga kaming makain, e." Pinalo niya ko kaya nagulat na naman ako. Close na kami? "Ganito lang ang kulay ko. Ang dami ko na ngang nilalagay na uling tapos nagbibilad na rin ako sa araw." Ang cute niya. "Alam mo ba? Kamukha mo 'yung namatay kong girlfriend," bida ko sa kanya. "Marami kong kamukha, kasi maganda ako," mataray at madiin niyang sabi. "Kung gusto mo, sumama ka sa akin. Ako na lang ang kalaro mo." "Hala! Totoo nga! Kidnapper ka, kuya?" Lumayo siya nang konti kaya natawa kong lalo. "Gusto mo kong pakasalan, 'di ba?" Ngumiti ako. "Pwede na rin. Gwapo ka naman." "Choosy ka pa. Tayo na diyan at ide-date na kita." Minostrahan ko siyang sumunod. "Teka? Hindi ka ba hahanapin ng magulang mo pala?" Muli akong humarap. "Hindi, nasa trabaho si Mommy." "Mommy? Kanina nanay? Anak mayaman ka naman yata talaga." "Nanay ang tawag ko sa kanya kasi nakikibagay ako," mataray niya ulit na sabi. "Okay, okay. Sakay na." Pinagbuksan ko siya ng pintuan. "Mukhang hindi ka naman pala talaga mabaho." Tinutok ko pa sa kanya ang aircon. Kanina pa kasi siya tuwang-tuwa doon. Ngayon lang daw siya nasakay ng kotse. Buti na lang at hindi siya sumusuka. "Ano 'yan?" Tinignan niya ang inaabot kong wet tissue. "Magpunas ka. Marunong kang makibagay, 'di ba? Mayaman ang kasama mo ngayon kaya dapat malinis ka," mayabang kong sabi habang nakangisi. Umirap lang siya at kinuha 'yon. Pasusyal pa siyang nagpupunas. Nakataas ang hinliliit at para talagang anak mayaman. Siya lang ang nagpapatawa ulit sa akin nang ganito. "Asaan tayo?" Nakatingin lang siya sa kabuuan ng mall mula sa parking. "Papasok ba tayo sa loob? Mall 'yan, 'di ba?" "Maganda ka pala talaga," hangang-hanga kong sabi habang nakatitig sa mukha ng batang 'to. "Kuya Pogi, crush mo na ko?" Natawa ko. "Gusto mo naba ko?" Napailing-iling ako nang marinig ang boses ni Diana. "Tara na." Hindi ko siya sinagot at inakay lang siya papasok sa loob. "Ngayon ka lang ba napunta sa mall?" Bumaling ako ng tingin sa kanya na tuwang-tuwa lang. "Pinunta na ko ni Mommy sa mall. Isang beses pa lang sa malapit sa palengke." "Hindi naman mall 'yon." "Mahirap lang kami. Bakit kami pupunta dito?" Mataray na naman siya. Ngumiti na lang ako at pinabayaan siyang magsaya. Umikot lang kami sandali at binilan ko siya ng konting damit. Ayaw niya pa nga noong una. Pagagalitan daw siya ng mommy niya. Kung sabagay, babae siya at siguradong nag-aalala lang sa kanya ang magulang niya. "Masarap ba? Ngayon ka lang din nakakain niyan?" "Grabe ka naman, Kuya Pogi. Mahirap kami pero afford ng mommy ko ang cotton candy." Punong-puno pa ang bibig niya. "Paano mo itatago 'yang damit mo?" "Edi uunahan kong umuwi si Mommy sa bahay tapos huhukay ako," sarkastiko niyang sagot. Naaaliw talaga ko sa mga sinasagot niya sa akin kahit lagi niya kong binabara. "Gusto mo bang tulungan kitang maghukay?" "Huwag na, madudumihan pa 'yang mamahalin mong damit." "Five years old ka ba talaga? Para ka kasing matanda magsalita." "Tingin mo ba matanda na ko?" "Oo," sagot ko lang. "Edi pakasalan mo na ko, kuya. Mukha ka namang prince charming sa mga story." Ngumisi siya nang sobra. "Hindi ako pumapatol sa bata." Nag-crossed arms ako. "Edi irereto na lang kita sa mommy ko." "Magagalit ang daddy mo." "Wala akong daddy. Kaya nga lagi akong mag-isa." Napatigil ako sa paglakad. Sumimangot na siya at tumitig pa sa mga lalaking dumadaan. "Ako na lang," presinta ko. Tinawanan niya ko at umiling. Parang ayaw niya pa. "Dapat magustuhan ka muna ni Mommy," dagdag niya pa. "Hindi ako naghahanap ng girlfriend. Anak na lang." Sumakay na kami ng kotse. Siya na ang nagpasindi sa aircon at nilagay niya pa sa todo. "Saan ba bahay niyo? Ihahatid na kita." "Huwag na, ayaw mo naman kamo ng girlfriend." "And so?" "Ha?" "Kako ano naman?" Ulit ko sa tagalog. "Baka kasi kapag nakita mo si Mommy. Pumila ka sa panliligaw," mayabang niyang sagot habang nakatuon ang atensyon sa aircon. "Kala ko ba irereto mo ko?" biro ko. "Kala ko ba ayaw mo ng girlfriend?" Ginaya niya ko at umarte pa ng mukha. "Edi ganito na lang. Ihahatid kita sa inyo tapos kapag nagustuhan ko ang mommy mo. Bababa ako." Sumandal ako at hinarap siya, na mukhang nag-iisip. "Kapag nagustuhan ko mommy mo. Swerte mo." "Mali ka, kapag nagustuhan ka ng mommy ko. Swerte mo." Binago niya ang sinabi ko. Napakayabang na bata. "Call." "Sino?" "Kako sige." Umiling-iling ako at nagsimula nang mag-drive. Tumuro lang siya nang tumuro. Taka kong tumingin sa paligid. Malapit lang 'to sa dati kong bahay. "Dito ko nakatira dati," bulong ko nang mapapreno ko. "Hindi diyan ang bahay namin." "Alam ko, bawal bang tumingin?" "Kala ko mayaman ka? Bakit diyan ka nakatira sa bahay nila Cris?" Pumanik siya sa hita ko at lumapit din sa bintana. "Masungit ang may ari niyan. Hindi ako binibigyan ng pagkain." Umakbay siya sa akin habang nakaturo. "Gusto mo bilin ko 'yan para sa'yo?" Niyabangan ko siya. Mukha kasing galit na galit siya sa bagong may ari no'n. "Sige, tapos diyan kami lilipat ni Mommy." Ang cute ng mukha niya. "Sige, pero umuwi ka muna. Malapit nang dumilim. 'Di ba uunahan mo kamo si Mommy mo?" "Si Nanay!" "Sabi mo kanina mommy. Nalilito na ko sa'yo," angal ko. Bumalik na siya sa pwesto niya kanina at umupo na nang maayos. "Nandito na tayo sa amin kaya nanay na," paliwanag niya. Lumingon siya sa likuran at tinanggal ang mga damit sa paper bag. "Dito na kami!" sigaw niyang bigla kaya napapreno ko sabay yakap sa kanya. "Ayos ka lang?" Tinignan ko siya na nakakapit sa isa kong braso. "Huwag kang nang gugulat!" reklamo ko. "Hala, bukas na ang ilaw namin. Yari ako kay Nanay." Mukhang natatakot na siya. "Gusto mo bang bumaba ako?" "Huwag na, kuya! Lalo lang akong mapapagalitan!" Ibinaba niya ang damit at bumaba lang mag-isa. Pinanood ko lang siya na sumilip muna sa pintuan bago pumasok sa loob. Patay siya. Iniwan niya nga dito ang damit na binili ko pero bagong damit naman ang suot niya ngayon. Bababa ba ko? Hindi naman siguro siya sasaktan ng nanay niya. Nilaro ko muna ang manubela habang nag-iisip. Tumingin ulit ako sa maliit nilang bahay. Mukhang wala pa naman siyang tatakbuhan sa loob dahil sa sobrang liit no'n. Mukhang tinagpian nga lang ang bahay nila. Nagulat ako nang may mga dumating na lalaki. May dala silang mga bulaklak at gitara. Mukhang totoo ngang maraming nanliligaw sa nanay niya. Kaso, bago pa sila makapasok ng bahay. Ibinato na sa kanila ang mga dala nilang bulaklak. Mukhang hindi maganda ang mood niya. Paano kaya si bulinggit? May mga dumating pang nakasasakyan kaya muli akong napatingin. Aba, mukhang pwede talagang ligawan ang nanay niya, ah. Nakakatuwa naman si Bulinggit. Bakit hindi ko subukan? Teka? Wala akong bulaklak na dala? Etong chocolate na lang na binili niya kanina. Pwede na 'to. Choosy ba 'yang nanay niya? Ang haba naman ng pila. Hindi ba pwedeng sumingit? Titignan ko lang si Bulinggit. Pinasadahan nila ko ng tingin nang lampasan ko silang lahat. "Hindi mo ba nakikita 'tong pila?" Mayabang na tulak sa akin ng isa. "Pake ko sa pila niyo?" Asar kong balik. "Mayabang 'tong baguhan, oh!" Tinuro pa nila ko. "Bakit? Mayabang ka rin naman kaso luma ka na pala." Nginisihan ko siya at nagkagulo naman silang lahat. "Kuya Pogi! Bakit nakikipag-away ka diyan?!" "Kilala mo siya, anak?" mabait na mabait na sabi ng isa. Mga plastik na tao. "Anak? Kapangit mo naman para maging daddy ko," mataray niyang sagot kaya tinawanan ko sila. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?" maangas niyang puna sa akin at binelatan ko naman siya nang hilahin ako ni Bulinggit. "Mapang-asar ka rin, Kuya Pogi, 'no?" Bumaling siya sa akin ng tingin. "Iniwan mo 'to. Nandoon pa ang iba mong damit." Pinakita ko ang hawak kong paper bag. Pinaupo niya lang ako katabi ng iba pang nauna sa pila at binulungan na hintayin ang mommy niya. "Mukhang may sumingit, ah." "Hoy, bumalik ka sa dulo." "Bulinggit, inaaway nila ko." Pagsusumbong ko. Tinignan niya sila nang masama kaya nawala ang tapang nila. Baka maganda nga talaga ang nanay ni Bulinggit. Ang dami kasing manliligaw kahit na may anak na siya. "Philie, ang pangalan niya." Pakikipagkumpitensya sa akin ng isa kaya ngumisi ako at lalo pa siyang ininis. "Edi mas maganda pala. Para kaming mag-ama. Philie, Phillip." Itinuro ko si Philie. "Phillip ang pangalan mo, Kuya Pogi?" Lumapit siya sa akin na parang manghang-mangha. Tumango lang ako. "Kapangalan mo ang daddy ko." Tinapik niya ko kaya lalong nainggit ang mga nasa tabi ko. "Philie, paalisin mo na sila." Natigilan ako sa pagngiti nang lumabas siya sa isang pinto. Abala siya sa p*******i ng buhok niya habang pumupunta sa kusina. Hindi ako makagalaw. Para kong nananaginip nito. "Narinig niyo ang nanay ko. Labas! Layas!" walang hiya niyang utos. Bumaling siya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. "Bakit umiiyak ka, Kuya Pogi? Hindi ka pa naman busted.*huminto siya at bumulong* Bumalik ka na lang bukas." "Phillip ang pangalan ng daddy mo?" Pinagtapat ko ang mukha namin. "Oo, saka na tayo magkwentuhan. Labas kana kasi magagalit si Nanay," bulong niya. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Niyakap ko siya kaagad habang nakatitig kay Diana. Binuhat ko siya kahit pa bulong siya nang bulong sa akin. Wala ng tao. Kami na lang ang nandito pero parang nalunok ko yata ang dila ko. "Huwag kang lalapit. Yari ka kay Mommy," bulong niya habang nakakapit sa balikat ko. Naglakas loob ako. Muli akong humakbang palapit sa babaeng matagal ko nang iniiyakan. Hindi pa rin siya lumilingon. Kung nananaginip lang ako, ayoko nang magising. "Diana," bulong ko pagyakap sa likuran niya. Nabitawan niya ang sandok na hawak at hindi pa rin lumilingon. "Kuya Pogi, yari ka talaga kay Mommy!" Pinalo niya ko at nagpababa na. Umalis ako sa pagkakayakap at bumaling sa kanya ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD