DIANA POINT OF VIEW
"Kinakabahan ka ba?" Sumulyap siya ng tingin sa mukha ko. Marahan lang akong umiling at umiwas ng tingin. "Dapat kabahan ka na, couz. Siguradong pagagalitan ka mamaya. Gusto mo bang tumakas na lang tayo?"
"Ella, I'm fine." Mahina ko siyang tinawanan.
Pagpasok namin sa isang private restaurant, mabilis kong sinuyod ng tingin ang paligid. Tahimik dito at walang gaanong tao. Siguradong tungkol na naman sa mga business partners niya ang pag-uusapan namin. At kung gaano nila ko kagusto para sa mga anak nila.
"Ako ang natatakot para sa'yo. Sabi ni Kuya Berry, may sobrang kulit kayong business partner at tinatakot ang pamilya niyo para maikasal ka sa anak niya." Huminga siya nang malalim bago ko pagbuksan ng pintuan.
"Don't worry about me. Mas matanda pa nga ako sa'yo, e."
"You know naman na ikaw ang paborito kong pinsan." Sumimangot siya.
"Huwag ka ngang ganyan. Daig ko pa mamamatay kapag nagpakasal ako."
"Couz, walang pinagkaiba 'yon kapag nagpakasal ka sa taong hindi mo gusto. Para kang si Cindy, parehas kayong kinakawawa ng mga magulang niyo," papahina niyang sabi. Hindi ko na siya naintindihan dahil sa bodyguard ni Dad na sumalubong sa 'min.
"Nandito na si Ma'am Diana," bulong niya sa kasama niyang nasa loob.
"You're late," bungad kaagad ni Dad. Seryoso ang mukha niya habang nakaupo sa gitnang pwesto. "Sinabihan na kitang ayokong naghihintay."
"Maganda nga siya. Sebastian Perez." Mayabang niyang lapit.
Inabot ko ang kamay niya sabay bulong, "wala akong pake." Ngumiti ako pagsabi at naupo na mag-isa sa pwesto ko. Naiwan siya doon na mukhang nainis at padabog na bumalik ng pwesto niya.
"Mom, we already talked about this, right?"
"Diana, ang dad mo ang nagdedesisyon."
"Paanong siya? Mom, malaki na ko at may sarili kong business. Kahit kailan, hindi ako nanghingi kay Dad ng pera." Sinundan ko siya nang lalo kaming lumalayo sa pwesto ni Dad. "Nakita ko na siya." Huminto siya at muling bumaling sa 'kin.
"Hindi ka pa rin talaga lumulubay?" May inis sa tono niya.
"Mom, ikaw ang nagsabi sa 'kin na siya ang pakakasalan ko." Pamimilit ko. "And now, nakita ko na siya at.."
"Diana, tumigil ka na. Hindi siya magugustuhan ng daddy mo para sa'yo. Hindi siya makakatulong sa company."
"So, what? I want him. Ang tagal ko siyang hinanap."
"Kaya nga pinapatigil ka na ng daddy mo, 'di ba? Nag-usap na kayo ng ilang beses tungkol diyan at nagagalit na siya kaya tumigil ka na."
"Mom!" Hindi na niya ko nilingon at pumasok na sa sasakyan nila. I can't believe this is happening. Asa sila, hindi ako magpapakasal sa mokong na 'yon. Hindi baleng tumalon ako sa mataas na builing kaysa masunod sila.
"Diana, ayoko ng pinakita mo kanina. Ayusin mo ang sarili mo," malumanay pero madiin niyang sabi habang sumasakay na rin sa sasakyan. I hate him.
Naiwan akong mag-isa habang pinagmamasdan silang umalis. Hindi nila ko mapipigilan kung ipipilit ko ang sarili kay Phillip. Siya lang ang gusto ko at sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat para makuha siya.
"Couz, hindi ka paba uuwi?" Nilingon ko si Ella na kanina pa ko hinihintay. "Sabi kasi sa'yo, huwag na tayong pumunta. Mabuti na lang at sinamahan kita kung hindi siguradong tuloy-tuloy na naman ang bibig ni Tito."
"Salamat." Pilit akong ngumiti habang lumalakad palapit ng kotse ko. Sumakay lang din siya at mukhang nakikiramdam. "Saan kita ihahatid?"
"Sa bahay ni Paulo, pwede ba?" Ngumisi siya.
"Hindi ako uto-uto. Bawal ka doon," sagot ko at umirap naman siya habang bulong nang bulong. "Masaya ba talagang magmahal kapag mahal ka rin ng taong gusto mo? Kahit na kapalit no'n ay ang taong mahahalaga sa'yo?"
"I told you, couz. Hindi ko siya sasagutin kung hindi pumayag ang bestfriend ko. She's more important than him."
"Pero sinagot mo siya. Kahit na gusto siya ng bestfriend mo." Mahina akong tumawa dahil mukhang napipikon ko na siya. "Sige na, ihahatid na kita sa boyfriend mo," napilitan kong sabi at bigla namang lumiwanag ang mukha niya. "Secret lang 'to. Ayokong mapagalitan nila tita dahil lang kinukunsinte kita."
"Couz, wala naman kaming gagawing masama."
"Dapat lang, mag-aral muna kayo." Tumingin ako sa gilid para iliko ang sasakyan. Lampas na kami sa bahay ng boyfriend niya.
Habang pinagmamasdan ko ngayon si Ella na bumababa at sinasalubong ni Paulo. Hindi ko maiwasang mainggit. Hindi ko pa nararanasan na mahalin din ako ng lalaking gusto ko. Siguro nga dahil puro si Phillip ang nasa isip ko.
Simula pagkabata, siya lang. Walang makatalo sa kanya. Masyado siyang magaling makipaglaban sa loob ng puso ko. Ilang araw lang ang tinatagal ng iba, knock out na.
"It's so good to see you." Kunyari siyang bumeso sa 'kin at itinuon na kaagad ang atensyon sa mga kaibigan namin. Napaka-plastic niya talaga.
"Parang gusto mong patayin sa tingin si Amanda," bulong sa tainga ko ng isang lalaki kaya napaayos ako ng tingin. Tumawa siya habang inaabutan ako ng beer. "Hindi ka umiinom?"
"Hindi ako interesado sa'yo," pranka kong sabi kaagad. Ayoko sa mga lalaking feeling close at mukhang babaero.
Tumawa siya kaya napataas ako ng kilay. "Hindi ka interesado sa alak o sa 'kin?"
"Both." Ngumiti ako nang sarkastiko.
"Don't worry, I'm not interested either."
"Good."
"Hamak ganda nga sa'yo ng girlfriend ko," bulong niya pero rinig na rinig ko. Hinarap ko ulit siya at sinamaan ng tingin habang umiinom pa rin siya ng beer. "Yes?" Ngumiti ulit siya.
"May sinasabi ka ba?" Nagpamewang ako.
"Babe, come here." Tinawag siya ni Amanda kaya natigilan ako.
"Siya ba ang pinagmamalaki mo?" Hindi ako makapaniwala habang naiiling. Seryoso na ang mukha niya. Hindi siya lumapit kay Amanda at patuloy lang sa pag-inom. "Tawag ka ng girlfriend mo." Pang-iinis ko.
Tumingin siya ulit at ngumisi sa 'kin. "Hindi siya ang girlfriend ko."
"Babe?"
"Ex-girlfriend ko siya."
"Ow, ang babaero mo pala."
"No, I'm not." Mukhang pikon na siya. Ngumiti na lang ako at lalabas na sana sa swimming pool nang matanaw ng mga mata ko si Phillip. Oo, si Phillip ko. Nandito siya ngayon. "Pssst." Paswit sa 'kin ng lalaki kanina.
"Bakit na naman?" Tinarayan ko siya at kunyaring labag sa loob na bumalik. Totoo nga, hindi ako namamalikmata. Nandito si Phillip sa party ni Amanda.
"Nakikita mo sila?" Tinuro niya ang pwesto nila Phillip kaya napalayo ako ng mukha habang tinitignan siya. Kilala niya rin si Phillip? "Kako nakikita mo ba sila?"
"Oo, bulag ba ko?"
"Nakikita mo 'yong babae sa tabi ng matangkad na naka-blue?"
"Si Phillip."
"Kilala mo si Phil?" Mukhang gulat pa siya. Tumango lang ako habang nangingiti. Future wife niya 'tong kausap mo. "By the way, 'yong babaeng katabi niya ang girlfriend ko." Ngumisi siya nang malawak.
Bumalik ako ng tingin kay Phillip at doon sa babaeng tinuturo niya. Bakit parang nakita ko na siya dati?
"Maganda siya kaysa sa'yo, 'di ba?"
"Oo na lang, basta sa'yo 'yon at akin si Phillip," wala sa loob kong sagot habang nakatitig kay Phillip. Napatapik ako ng nuo dahil sa sinabi ko. Mahina lang siyang tumawa at lumapit na rin sa pwesto nila.
Gwapo siya kaso medyo mayabang. Seryoso na siya ulit ngayon at mukhang hindi makalapit dahil kay Amanda. Tss, hindi ako makapaniwalang nang-aagaw siya ng boyfriend.
"Diana, halika na sa pool. Ang daming gwapo." Hinila na ko nila Vanessa.
"Don't tell me, pinagsisisihan mo pa rin na sinama ka namin dito." Tinawanan ako ni May habang lumulusong na siya sa pool. Naupo lang ako sa gilid habang lumilinga-linga. Hindi ba sila pupunta rito? Nandito kaya ang party. Ang tagal..
"Diana, si Jason." Napabalik ako nang may ipakilala sila sa harapan ko. Tinignan ko siya nang maigi. Gwapo siya at mukhang kumpleto rin ang abs pero si Phillip pa rin talaga. "Uy, Diana. Huwag mo naman akong ipahiya. Kamayan mo naman si Jason. Kanina kapa niyan tinitignan."
"Hi." Sandali lang akong ngumiti at umalis na rin ng tingin.
Lumingon ulit ako ng tingin at nandoon na sila. Mukhang may pinag-uusap-usapan pa sila sa isang gilid. Nakakapit si Amanda doon sa lalaki kanina kaya napataas ako ng kilay. "Akala ko ba, girlfriend niya 'yong isa. Ang babaero. Tsk." Napapailing na lang ako.
Kunot nuo ko na silang pinapanood nang mapunta na naman sa babaeng 'yon ang atensyon niya. Ngayon natatandaan ko na siya. Siya 'yong lasinggerang babae sa bar ni Phillip. May kung anong binulong pa siya doon sa babae kaya napatapik ako sa tubig.
"Diana! Ano ba 'yan?!"
"Oopps, sorry." Nag-peace sign ako kay Vanessa na may kayakapan na lalaki sa pool. Mukhang naabala ko pa sila.
"Lumayo-layo ka nga sa 'kin. Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sa 'kin." Rinig kong kulitan nila Phillip kaya napalingon ulit ako. Nasa kabilang dulo sila ni Will. Kaso nahihiya akong lumapit.
"Hanggang dito nag-aaway pa rin kayo?" Tinawanan sila ng isa pa nilang kasama.
"Ewan ko ba diyan kay Phil. Hindi malimutan si Miss Diana." Natigilan ako habang kumakabog nang mabilis ang dibdib. Ako ba? Ako ba ang sinasabi ni Will of fortune?
"Bakit ba galit na galit ka? 'Di ba nag-enjoy ka naman?" sabat ng lalaki.
"Pabebe pa ang hayop. Samantalang pinatos niya naman si Miss Diana."
"Tangina ka, Will," mura ni Phillip na parang kay diin-diin kaya natawa ko habang pinapanuod sila.
"Xander, ang lutong magmura, oh!" Parang bata siyang nagsumbong habang tinuturo si Phillip. "Tsaka, malay ko bang ano pa 'yon. Siya na nga 'tong nireto doon sa babae, e. Galit na galit pa. Ako nga dapat ang lalandi doon kung hindi lang ikaw ang tipo."
"Bakit ba galit na galit ka kasi?"
"Bakit hindi? Tarantado kasi 'yan. Kabang-kaba tuloy ako noong may nangyari sa 'min."
"Malay mo siya na si the one." Nagmostra pa siya sa hangin habang tuwang-tuwa na tinatapik si Phillip.
"Hindi ko siya type." Nasaktan naman ako doon. Masyado naman siyang magsalita. Pagkatapos ng lahat, hindi niya ko type?
"Gago, nakama mo na. Tapos hindi mo type ngayon?" sarkastikong sabat ni Will kaya lalo akong napatitig. Dapat talaga bayaran ko siya ng dalawang million.
"Mukhang mayaman. Dehado ko do'n." Nag-crossed arms siya habang ngumingiti na sa ibang babae na kumakaway sa kanila.
"Oh? Ano naman kung mayaman? Mayaman ka rin naman," maagap na sabi ng lalaki na 'yon. Gusto ko na siya, ah. Hindi lang siya gwapo. Nilalakad niya rin ako sa Phillip ko.
"Asaan?"
"Nasa savings account mo?"
"May paggagamitan ako no'n. Hindi ako magpapakahirap para lang sa babae."
Napabagsak ako ng balikat dahil sa palitan nila ng salita. Hindi naman ako magastos. Kaya kong bilhin sa sarili kong pera lahat. Kahit sarili niya na lang ang ibigay niya.
"Gusto ko 'yon makilala." Ngumiti ang lalaki.
"Xander, dalasan mo kasi ang paglibot sa bar. Kapag may nakita kang babae doon na mukhang expensive. Siya na 'yon." Sira ulong, Will of fortune.
"Expensive?"
"Oo, mahirap hawakan," sagot kaagad ni Phillip. Nasasaktan na ko sa mga sinasagot niya, ah. Konti na lang at lalapit na talaga ko para i-correct ang mga sinasabi nila tungkol sa 'kin.
"Mahirap daw hawakan. Eh, nahawakan mo na nga buong gabi pa."
"Will!" madiin na sigaw ni Phillip kaya napatingin ulit ako. Mukhang pikon na siya at wala na sa mood.
"Ow! Hi, Miss Diana," bati ni Will. Akala ko nga nakita niya ko kaso sa iba siya nakatingin. Lumingon kaagad doon si Phillip kaya tumibok ulit nang mabilis ang puso ko. "See? Xander. Hindi niya raw 'yon type."
Natawa ko sa reaction niya. Napagkakaisahan talaga siya ngayon.
"Gusto mo na bang maghanap ng bagong trabaho?" madiin na niyang tanong kay Will habang sumasandal sa gilid ng pool. Ang init na ng ulo ng baby ko.
"Grabe! Hindi ka naman na mabiro. Syempre titigil na ko. Etong si Xander kasi pakwento pa nang pakwento."
Masyado silang mga gwapo para magsama-sama. Ang dami na tuloy lumalangoy na babae papunta sa kanilang tatlo. Kanya-kanya na sila ng babae habang nakaakbay. Paano pa ko lalapit? Ang sakit sa puso.
Ang landi-landi nilang tatlo lalo na si Phillip. May payakap-yakap pa siyang nalalaman. "Ang lalandi!" inis kong bulong sabay lubog sa tubig. Pinigil ko ang hininga ko para hindi muna siya makita.
"Diana, ayos ka lang?"
Nakalunok pa ko ng tubig. Badtrip, nakikisama pa 'tong tubig! Nang gigigil na ko!
"Diana?"
"Oh! Nawawala ka ba?!" Mataray kong lingon sa lalaki. Mukhang natakot siya kaya napataas siya ng kamay habang dahan-dahan nang umaalis. "Bwisit," bulong ko sabay hawak na sa pasimano. Aahon na sana ko pero may nanghila na naman sa 'kin pababa.
"Ano ba?!" Inis kong lingon.
"Ang init ng ulo mo, ah," nakangiting bati ni Phillip kaya napalaki ko ng mga mata. Nahinto ako sa paggalaw habang nakahawak pa rin siya sa bewang ko. "Kanina ka pa nandito? Ngayon lang kita napansin."
Nakatulala lang ako habang tumatango-tango.
"Xander, siya 'yon! Si Miss Diana ni Phil," pakilala ni Will. Marahan ko siyang nilayo nang konti dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Diana ni Phillip, I like that.
"Will," madiin ulit na tawag ni Phillip at nilakihan siya ng mata. Napangiti na lang ako habang tinitignan siya.
"Miss Diana, si Xander. Kaibigan namin."
"Hi, ikaw pala si Diana." Ngumiti siya at nilahad ang kamay. Kumamay ako kaagad kasi nilalakad niya rin ako kanina kay Phillip.
"Xander, bitaw na kay Phil na 'yan," biro ni Will kaya tinapik ulit siya ni Phillip. Type niya kaya talaga ko? May pag-asa na ba ko?
"Doon na kami," paalam ni Xander kaya tumango lang ako.
Hindi na siya ulit kumibo at sumandal lang sa isang gilid malapit sa 'kin. Sumunod lang ako habang ginagaya siya. Kinikilig ako mga kaibigan. Iniwan niya ang mga babae doon para pumunta sa 'kin. Ang taray ng beauty ko.
"Ano ka ni Amanda?" panimula niya kaya bumaling na ulit ako ng tingin sa mukha niya. Humarap din siya sa 'kin at nilagay pa ang braso sa likuran ko. Nakikipaglandian ba siya ngayon?
"Hmm, wala."
"Wala? Pero nandito ka." Mahina niya kong tinawanan habang hinahawi ang basang buhok niya. Ang hot niyang tignan matapos niyang gawin 'yon. "Huwag kang tumitig." Pagbawal niya kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Ang sungit naman.
"Ikaw? Bakit nandito ka? Sinamahan mo ba 'yong girlfriend mo?" Pasimple kong tinuro 'yong babae kanina.
"Girlfriend? Hindi, ah. Siya nga ang isinama namin dito."
"Ah."
"Bakit parang pinaghihinalaan mo ko?" Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Hindi na ko makahinga sa sobrang lapit. "Sinabi ko na sa 'yong wala akong girlfriend, 'di ba?" malambing niyang bulong sa tainga ko. Para kong nakiliti sa hangin na galing sa bibig niya kaya lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Humalik siya nang dahan-dahan sa leeg ko na para bang walang tao rito. Napakapit na lang ako sa magkabila niyang balikat habang kabang-kaba. Sinuyod ko ng tingin ang paligid at malalim na napalunok nang makita si Will na nakangiting aso sa 'min.
"Two million ko," bulong niya pa mula sa malayo habang nakamostra. Tumingin din ang isa pa nilang kasama kaya napalubog ako sa tubig sa sobrang hiya.
"Bakit umalis ka?" Pinantayan ako ni Phillip sa paglubog sa tubig habang nakangiti.
"Nahihiya ako," mahina kong sagot.
"Sorry, nakalimot ulit ako."
"Ha?"
Tinawanan niya ko habang kinukulong ulit sa pagyakap niya. "Hindi ka sanay ng ganito," sagot niya. "Sa tingin ko, mukhang seryoso kang tao." Inusisa niya ang mukha ko sabay hawi pa sa buhok kong nakaharang.
"Ayaw mo ba ng ganito?" alanganin kong tanong.
"Hindi naman, natutuwa lang ako sa'yo."
"Paanong natutuwa?" bulong ko sa mukha niya. Niyakap niya ko kaya napabaling ang tingin ko kina Vanessa at May. Mukhang chini-cheer pa nila ko sa isang gilid habang pumapalakpak.
"Ang lakas ng t***k ng puso mo." Umalis siya sa pagyakap at mukhang tuwang-tuwa nga. "Gusto mo ba talaga ko?" Tumatawa siya habang tinatanong 'yon.
"Pwede ba?"
"Na ano?"
"Na mahalin ka?"
"Mahal na kaagad? Tinatanong pa nga lang kita kung gusto.." Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at lumundag na ko para abutin ang labi niya. Hindi siya umalma sa ginawa ko at inalalayan pa ko para hindi maalis sa pwesto namin.
"Ano? Pwede ba?" hinihingal kong tanong habang nakayakap sa kanya. Umalis ako sa pagkakabuhat niya at bumaba na ulit sa pool. Mukhang hindi siya nag-enjoy. Nagpipigil siya ngayon ng tawa habang bumabaling ng tingin sa 'kin.
"Wala ka pang nagiging boyfriend, 'no?"
"Ha? Paano mo nalaman?"
"Hindi ka marunong humalik." Tumawa na siya kaya namula ko. Nilubog ko ang kalahating mukha ko sa tubig habang pinapanood siyang tawanan ang paghalik ko kanina. Grabe siya sa 'kin.
"Kalimutan mo na ang sinasabi ko," mahina kong sabi sabay lubog ulit sa tubig.
Huminto siya sa pagtawa at ngumiti na lang sa harapan ko. "Pwede naman kitang turuan." Bigla siyang nagseryoso at inilubog kami pareho sa pool. Hindi pa ko handa kaya nataranta ko nang hindi na ko makahinga sa ilalim ng tubig. Mahigpit niya kong niyakap at binigyan ng hangin. Nilapat niya ulit ang labi niya sa 'kin kaya nakalimutan ko na yatang huminga.
Patuloy lang siya sa paghalik kaya pumikit na ko. Ang sarap niyang humalik kahit sa ilalim ng tubig. Kaso napadilat ako dahil hindi na talaga ko makahinga. Sakto ring umalis siya sa paghalik at sabay kaming umahon. Natatawa na lang kaming parehas dahil sa nangyari. Inayos niya ang buhok ko habang pinupunasan ang magkabilang pisngi ko ng kamay niya.
"Uy, ang landi niyo. Nakikipag-away na sina Cindy at Sean doon, oh." Abalang lapit ni Will.
"Bye," paalam niya na kaya mabilis ko siyang hinawakan sa kamay.
"Bye na kaagad?"
"Ahm, gusto mo pa ba kong bumalik diyan?"
"Pinayagan mo kong mahalin ka, 'di ba?"
"Sumagot ba ko?"
"Ay, sorry. Assuming lang." Napangiwi ako at tumawa naman siya.
"Mamaya na kayo maglandian. Nandoon na rin si Xander," nagmamadaling sabi ni Will kaya napabitiw na ko at pinabayaan siya.
Paanong hindi mag-aaway 'yon. Nandito ba naman ang girlfriend at ex niya. Naputol tuloy ang kaligayahan ko.
Nang hihinayang akong umahon ng pool habang nanunuod sa isang gilid. Mukhang close nga si Phillip doon sa lalaking nakausap ko kanina. Doon siya nakakampi at hindi kay Amanda na nang aagaw ng boyfriend. Mang-aagaw talaga siya kahit kailan.
"Diana, ikaw, ah." Kiniliti ako ni May kaya napangiti ako sa kanya. "Hindi ka namin nakilalang gano'n."
"Tinuruan niyo ko, e," biro ko sabay baling ulit kay Phillip.
"Halika na at mukhang magkakagulo lang dito."
"Uuwi na kayo?" gulat kong tanong.
"Bruha, parang gusto mo pang magpaiwan?"
"Paano nga nandoon 'yong boylet niya." Pagpaparinig ni Vanessa habang tinuturo si Phil. "Imperness, magaling pipili si Diana." Tinawanan nila ko.
Gusto ko pa sanang magpaalam kay Phillip kaso hinila na nila ko papunta sa isang kwarto para magbihis. Sabagay, pupuntahan ko na lang siya sa bar bukas.
"Ikaw na, hihintayin ka na lang namin sa baba. Titignan muna namin si Amanda." Tumango lang ako sa kanila habang pumapasok na ng CR. "Hindi pa rin ba sila nagkakabati ni Amanda?" Rinig ko pang bulungan nila.
Si Amanda lang naman ang mahilig mang-away at hindi ako. Simula bata kami, nakikipagpaliksahan na siya sa 'kin. Akala niya naman mananalo siya. Asa siya.
"Bakit nakadamit ka nang lumabas?" Napalundag ako sa gulat dahil kay Phillip. Nakangisi lang siya ngayon habang nakaupo sa kama at nakatitig sa 'kin.
"Bakit nandito ka? Maliligo ka na rin?" Kumakabog ang dibdib ko. Parang may kakaiba kong nararamdaman sa kanya na gusto niyang mangyari. "Tapos naman na ko. Ikaw na," ilang kong sabi habang inaayos na ang pinagdamitan ko.
Hindi siya kumikibo at pinasadahan pa ko ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kahit ano palang suot mo, nagmumukhang maganda." Tinuro niya ang suot kong pink na palda at t-shirt.
"Huwag mo kong lokohin. Hiniram ko lang 'to sa kanila."
"Hindi kita niloloko. Ang ganda mo kaya."