Chapter Three
Alyssandra's Point of View
Mamaya pang after lunch ang pasok ko, kaya tambay muna ako ngayon sa bahay. I was busy thinking about my dream again. Nanaginip na naman kasi ako eh. I was figuring out kung ano yung ibig sabihin ni Mom sa dream ko.
"Anak, huwag kang matakot. Subukan mo ulit. Kahit wala man ako para suportahan ka sa magiging laban mo, tandaan mo anak, pinapanood kita kahit di mo ako nakikita. Gawin mo anak kung ano talaga ang gusto mong gawin." – She said those words in my dream.
Para hindi ako mabaliw kakaisip sa sinabi ni Mom, kinausap ko nalang si Nay Minda. Nakipagkwentuhan ako.
“Nay, asan si Mang Danny? Pakisabi wag na kong ihatid sa school mamaya ah.” – sabi ko
“Nagpa-ayos yata ng sasakyan. Na-flat daw eh. Paano ka papasok? Magbu-bus ka?” – sabi niya
“Hindi Nay, hindi po ako magbu-bus (sabay ngiti ng sobrang laki)” – sagot ko
*After lunch*
"Ay hija! sigurado ka? kaya mo yan?" – pag aalala ni Nay Minda
"Of course yaya. Kaya ko nga binili to eh. Hehe" ako
Paano kasi, magmomotor ako papasok. Bwahahaha. Hindi naman ako nakapalda eh kaya okay lang. Wala kaming uniform sa university kaya kahit ano lang suot hindi kagaya sa iba na laging nakapalda.
"Babye Nay! Mwah" – asar ko kay Nay. Wiiii. Excited na ako. Haha
"Naku! Mag iingat ka ha? Lokong bata talaga ito" – sabi ni Nay Minda na mukhang kinakabahan para sakin. Hahaha
Nakarating ako kaagad sa school. Of course walang traffic kasi nga nakamotor ako hahaha. Ang saya ng ganito.
Pagbaba ko sa motor. Nakatingin ng masama yung ibang girls. Baket? Masama bang pumasok ng nakamotor? Kanya kanyang trip kaya to.
Habang naglalakad ako sa hallway. Bigla na namang sumulpot yung babaeng insecure sa mga kapwa rin niya babae.
“Nagpapapansin ka talaga dito no?" – Mel (Ang babaeng insecure)
Hay naku itong babae na to, laging nakaharang sa daan.
"What's your problem??" – tanong ko sa kanya
"My problem? You are the problem here! B*tch." – sigaw sakin ni Mel
What? ako daw b*tch? Anong tawag pa sa kanya?
"So ako pala ang problem here. Mukha ngang problemado ka eh, look! You're so stress na my dear mel. You need to rest na. Wag mo ko masyadong problemahin malaki na ko. I can take care of myself. (sabay sarcastic laugh)" – pang iinis ko sa kanya sabay walk out. Inggit lang yata siya sa big bike ko eh. Psh.
"Grrr! may araw ka rin saken pasikat na babae ka !" – sigaw ni Mel nung nakatalikod na ko
"Sige lang! Kahit gabe pa, ayos lang sakin. Hahaha" – pang aasar ko lalo
Naglakad na ko ng tuluyan. Kaso biglang may sumigaw.
"MASTEEEER!" – sigaw ng lalaki, napalingon naman ako. And to my surprise, yung lalaki kahapon! Siya yung sumigaw ng ‘master’ at tumatakbo palapit sakin!
Patay. Mangungulit na naman to. Hindi ko pa alam isasagot ko, pero malamang ‘hindi’ ang sagot ko no. Asa naman sila? Magpapabola ba ko sa mga kasama niyang lalaki? Eh walang ibang alam gawin yung mga yun kundi magpa-ikot at mangolekta ng mga babae eh.
Binilisan ko lalo yung lakad ko.
"Master, wait!" – sigaw nung Gabriel
"Busy ako. Wag mo akong kausapin ngayon!" – sagot ko habang naglalakad pa rin ng mabilis. Maabutan na niya ako! Waaaaa. Ang kulit naman ng lalaking to. No choice ako kundi tumakbo. Tumakbo ako ng mabilis kahit hindi naman talaga ako tumatakbo ng ganito.
"Wag ka makulit! Busy nga sabe ako eh!" – sigaw ko habang tumatakbo ako
"Master naman! Pumayag kna kasi. Yare na naman ako mamaya eh! Master" – pakiusap niya
"Di pa ko nakapagdecide! Wag mo ko habulin! Isa!" – sigaw ko ulit kahit hingal na ko
Ayaw niya talaga tumigil sa kakahabol sakin. At kahit medyo childish, eto takbo ako ng takbo para lang hindi niya ako mahabol. Tumatakbo ako sa loob ng University, para may Fun Run tuloy. Kasi naman tong lalaki na to eh. Kainis.
Nung nakaramdam na ko ng pagod, nilibot ko yung paningin ko para maghanap ng pwedeng pagtaguan. Kelangan ko nang tumigil, para mag-collapse nalang ako bigla eh. Hehe
Ayun! Pwede dun. Binilisan ko lalo yung takbo, at pumasok ako bigla sa music room. Dali-dali kong sinara ng malakas yung pinto.
Napasalampak ako ng upo sa sahig dahil sa sobrang pagod. Yung tuhod ko nanghina, hahaha. Grabe. Hindi naman na siguro niya ako masusundan dito no? Nakasandal lang ako sa pinto at nakapikit para magahinga sandali.
“Masyado ka yatang nag enjoy magstay dito?” – biglang may nagsalita
Napatayo ako bigla dahil sa sobrang gulat. Napaisip ako kung may multo ba dito sa Music Room? Kasi mukha namang ako lang ang nandito eh. Kaso paglingon ko sa left side ko, may tao! Waaa. Lalaki na naman?
"Si-sino kaaaaa?" - Medyo nag aalangan kong tanong. Hindi ko kasi alam kung tao o multo eh.
"Ako dapat magtanong sayo niyan diba?" – Sabi niya sakin. Ah, mukhang tao naman pala. Wew.
“Sige alis na ko. Ituloy mo na kung ano man ginagawa mo.” – sabi ko tapos binuksan ko na yung pinto at lumayas na. Hindi na ko sumagot sa tanong niya. Bakit sa kanya ba yung music room? Psh.
*
Gabriel's POV
Badtrip! Hindi ko siya naabutan, san kaya yun nagpunta? Malilintikan na naman ako nito kila Captain eh. Tsk.
Dumiretso na ko sa gym para kausapin sila captain at ang bff niya (so gay naman ng "bff" pag lalaki) hahaha
"Captain!" – nakangiti kong sigaw, sana hindi ako lagot. Idadaan ko nalang sa ngiti.
"Oh Gabby! Kamusta ang mission mo? Asan na ang chicks ko?" – tanong sakin ni Captain Ivo
Takte chicks? Balak pa ata niyang ligawan yung muse namen? Kaya ba inuutusan ako?
"Yun na nga eh. Tinakbuhan ako. Asan ba si Xander?" – sagot ko sabay biglang change ng topic
Si Xander yun yung bff ni Captain. Player din siya sa team.
"Nasa music room ata, natutulog. Parang di ka pa nasanay. Anong balak mong gawin kay Aly? Dapat mapa OO mu yon!" – sabi ni Ivo
"Nahihirapan na ko Captain! Napakailap niya. Patayin niyo na lang ako!” – sabi ko
"Loko ka! (sabay kotong sakin) yun talaga gagawin namen pag di mo siya napapayag!" – sagot ni Ivo
Sabi na eh, talagang yare ako sa kanila pag hindi ko napapayag yung kaisa-isang babaeng trip nilang gawing muse. Humanda ka saken Alyssa! Pumayag kan kasi. LORD pa-help!
Biglang bumukas ng malakas yung pinto ng gym. Dumating si Xander na mukhang may kaaway. Wahaha.
"Oh, anong klaseng mukha yan Xander?" – asar ni Ivo
"Eto? Mukha to ng tao na naudlot ang pagtulog! Badtrip!" – inis na sagot ni Xander
"Bakit? Eh tahimik na nga sa music room ah? " - sabat ko naman
"May pumasok kasi na babae dun, tumatakbo, parang hinahabol na r****t. Ewan ! Napili pang pumasok dun sa music room." – inis na kwento ni Xander
Tumatakbo? Teka? Baka..
“Si Alyssa yun Xander! Tinakbuhan niya ko kanina! Yung gustong gawing muse ni Ivo. Nahihirapan nga ko dun eh." – sabi ko
"Yun ba yung napili mo Ivs? Di ko namukhaan eh. Haha" – biglang umaliwalas yung nakakunot na mukha ni Xander
"Don't call me Ivs! Ang ganda na nga pakinggan ng Ivo eh, Ivs ka jan? " – saway ni Ivo kay Xander
"Haha, Whatever. Gabby give me 50 rounds. Now. " – biglang utos sakin ni Xander
"A-ano? Bakit 50? Saka di naman ikaw ang Captain ah?" – sabi ko sa kanya
"Hindi nga ako ang Captain niyo pero mas magaling pa ko maglaro diyan sa panget niyong Captain! At dahil hinabol mo yung muse, at nagtago dun sa music room, sige gawin mo nang 60 rounds!" – sabi niya
Mga walang puso!