Chapter Two
Alyssandra's Point of View
Second Day in College.
10am pa first subject ko, kaya nag libot libot muna ako.
Madame nang students sa ganitong oras. yung iba nagt-training, yung iba ewan ko kung ano ginagawa nila. Hehe..
Bumili muna ako ng pagkain, chicken burger, fries at mcfloat agad sa umaga. Tapos pumwesto sa may bench ng mcdonalds at nagsoundtrip habang kumakain. Nagraradio ako, gusto ko kasi marinig kung may new songs na maganda eh. Kaso paglipat ko sa 93.1, napaiyak ako
Baket?
Narinig ko kasi yung kantang sobrang nakakarelate ako. Yung kanta ni Kelly Clarkson na because of you. Haaay. Hindi ko pa rin napatawad si daddy, hindi ko kayang kalimutan na lang basta lahat ng panlolokong ginawa niya samen ni mommy. Siya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Kung bakit hindi na ako agad nagtitiwala sa ibang tao, kung bakit takot akong magmahal ng totoo, dahil natatakot akong maulit yung nangyare sa buhay namen ng mom ko.
Ayokong maranasan ang maiwan ulit. Ayokong ako ang iiyak sa bandang huli.
Hindi ko na natapos yung kinakain ko, dumiretso na ko sa school. Sana hindi halatang umiyak ako. Tsk.
Pagdating ko sa room, napansin kong iba yung upuan ko. Napalitan yata, may mga vandalism eh. Ayokong umupo diyan.
“Oy, P.E. Palit tayo ng upuan.” – utos ko
“Ha? P.E? Hahaha. Anong P.E? Ano ako subject? It’s PD. ‘D’ as in Dog. Aw aw. Hahahaha. Nakakatawa ka talaga” – tawa niya
Ok, akala ko P.E. mali lang ako ng dinig or di ko lang talaga maalala name niya.
“Whatevs. Palit tayo upuan, ayoko sa upuan ko” – utos ko ulit sabay sipa banda sa upuan niya
Sumunod din naman agad siya.
Nagstart na klase namin. 2 subject agad ang natapos ng walang kahirap hirap, pero yung next malamang nakakapiga ng utak. Algebra ba naman eh. Pero mamaya pa yun, mga 3pm. Bigla kong naisip, parang may dapat akong gawin today? Hmmm.. Hindi naman siguro importante, kasi hindi ko maalala eh. Nevermind.
May nakita akong babaeng palapit sakin. She looks familiar eh. Ahh.. Classmate ko siya. Tama.
"Hi. Alyssandra? right?" siya
"Yes. how may i help you?" ako
"I'm Katherine Ann Vergara, you can call me Kath” - kath
"Ok. So..? Nice meeting you, I guess? " – medyo awkward kong sagot, hindi ko kasi alam bat niya ko nilapitan.
"I guess, we're friends? Tutal naman we're classmates eh. Wala pa kasi akong kaibigan dito, at nahihirapan ako humanap ng kakaibiganin kasi mukhang maarte yung iba.
Ikaw lang yung simple pumorma, saka mukhang hindi maarte kaya is it okay with you?" - Kath
"Ahmm.. No problem with me, so i think we're cool? " – ako
Napapayag niya ko kasi I like her. Hindi siya paliguy-ligoy and mukha naman siyang no harm. Pero kahit naman yes harm siya, hindi siya uubra sakin. Subukan niya lang. Hehehe, plastic ko no? Shhh..
"Thanks!" – sabi niya tapos niyakap niya agad ako
Wow. That surprised me. She hugged me like I was her sister. Wow ulit.
That’s it, I think I found a new friend. Sana magkasundo kami at walang maging problema.
Natapos ulit yung last subject namin, feeling ko pagod na pagod ako. Siguro dahil sa kakaisip ng formula at mga numbers? Ano pa bang aasahan ko? Algebra yun eh.
"Alyssa! pauwi ka na ba?" - Kath
Yeah. Alyssa tawag niya saken, she already gave me nicknames, dame ko kasing name eh.
"Yup. Pauwi na ko kath-kath. Ikaw?" ako
"Mamaya pa. May gagawin pa ko eh. Sige! Ingat, bayieee! " - Kath
Ang energetic naman niya? End of the day na pero ganon kataas pa din ang energy niya para mag babye? Hahaha. 5pm na oh,
Naglalakad na ko papuntang Car Park. Naka-headset pa ko while walking, babanat palang sana ako ng sabay sa kantang nagp-play sa phone ko ng biglang may humila sakin.
“Hey! Ouch! Bitiwan mo ko! Ahh!”-sigaw ko habang pinapalo yung kamay niya, hindi ko makita itsura niya dahil nakatalikod siya sakin pero lalaki tong loko na to.
Hindi siya humihinto at umiimik.
"You jerk! Bibitiwan mo ko o sisipain ko yang pwedeng mabasag sayo?" – sigaw ko sa kanya
With that, huminto siya. Natakot yata? Dapat lang dahil gagawin ko talaga yun!
Napansin kong huminto kami dito sa… Teka? San banda to? May Garden pala tong ALU?
“Who are you?”- tanong ko sa kanya, sa pagkakaalam ko si PD lang ang kilala kong lalaki dito sa ALU. How dare he?
"Bakit hindi ka nagpakita kanina?" – tanong niya sakin
"I can't remember any appointment with you Mister!" – pagtataray ko sa kanya, parang nalungkot siya
"Hindi ka nagpakita sa library kanina. Ako yung nagmessage kagabi. Sabi ko 2pm sa library pero you didn't show up"- paliwanag niya
“Ahh… So ikaw pala yun, pero hindi naman ako nagreply. So bakit ka naghintay? Saka nakalimutan ko.” – sagot ko
"Anyway I'm Gabriel Samonte. and you are Alyssandra Madrigal right?" – tanong niya
“Yep, what do you want?” – tanong ko
"I need your help. I badly need your help!" siya
"Why would i help you? hindi nga kita kilala eh, tapos tutulungan kita? Magkano ba?" ako
His jaw dropped. Nagulat yata siya sa sinabe ko? Bakit? Pera naman talaga hinihingi niya diba? Bakit pa siya nagulat?
"No. Idon't need money. Masyado na kong mayaman." – pagyayabang niya
"Ok? Then what kind of help?" – tanong ko
"We need a muse for our team." – sagot niya
"And so? ako ang paghahanapin niyo ng muse niyo?" – napataas boses ko
"No." – iling niya
"Ako magmamake up sa muse niyo?" – taas kilay kong tanong ulit
"Eink! Wrong again!" siya
"Eh ano maitutulong ko sa team niyo? Personal alalay ng muse? Swerte naman niya!" ako
"Ano ba yan! Ang slow mo! Hahaha Laughtrip!" – hagalpak siya sa tawa
Wow, ako pa slow? Gagstu to ah? Humihingi na nga ng tulong nang aaway pa? Sipain ko to sa ano eh.
"Kapal mo rin eh no? Ayaw mo ko diretsuhin tas ngayon slow pa ko?
Eh mukha na tayong nagpipinoy henyo dito oh! Sabihin mo na nang diretso! letche!" – sigaw ko right to his face, pikon na ko eh.
"Kasi… Our coach wants you to be our muse." – pagtatapat niya
Ahh. Yun naman pala eh. Kaya pala ako hinaha- WHAT?!
“Hoy! Anong sabi mo?!!” – mas napasigaw ako lalo
"Gusto niyo kong gawing muse? HAHAHAHA.." –sabi ko ulit, lakas mang-goodtime nito oh, haha
"Seryoso ako Alyssa. Alam mo bang 30 rounds ng takbo ang inabot ko kanina dahil hindi mo ko sinipot sa library?" – pangongonsensya niya, aba? Nagpaawa effect pa ah?
"Eh nakalimutan ko nga eh, sorry! Happy now?" – sabi ko
"Ikaw lang kasi talaga ang napiling muse ni Coach at nung Captain namin eh. Yare ako sa kanila ni captain pag hindi ka pumayag" – paawa effect niya
"Problema mo na yun. Buhay ko to, kaya ako ang magdedecide." – sagot ko sa kanya in-a-matter-of-fact tone. Para kasing gusto niya kong diktahan sa buhay ko eh. Paalis na dapat ako kaso pinigilan niya ko, humarang siya sa harap ko.
"What? hindi pa ba sapat ang mga narinig mo?" – sabi ko, at ang lalim ng tagalog sentence ko haha
"Please. Pumayag ka na. Gagawin ko lahat ng ipagagawa mo sakin basta pumayag ka lang!" – pakiusap niya
Lahat ng ipagagawa ko gagawin niya? Mukhang masaya to. I like this game!
"Sure ka? Lahat ng ipapagawa ko? Gagawin mo?" – paninigurado ko
"Oopo ! Gusto mo tawagin na kitang master ko? Ayoko lang mabugbog at maitapon sa ilog nila Captain at nung bestfriend niya! Please!" siya
"Ano ba kasi nakita ng captain mo at ng bestfriend niya saken? Madame namang beautiful ladies here ah?" – sabi ko
"Hindi ko alam. Pero ang sabi kasi nila, ayaw daw nila sa iba na puro pacute lang ang alam, ang kakapal pa daw ng make up akala mo mga bakla. Ikaw daw kasi natural beauty. Kahit walang make up maganda agad" – sabi niya
Bolero. Akala niyo hindi ko alam yang mga "the moves niyo?"
Para mahulog sa inyo ang mga babae lagi niyo kaming binobola pero i won't fall for it. I will play this game but i won't fall in your trap!
"Ui. ano na? payag ka ba?" – tanong niya
"I'll think about it." – safe kong sagot
"Really? Sana pumayag ka. Salamat!" - tuwang tuwang sabi niya kahit hindi pa ko pumayag.
Pagdating ko sa Car Park nag aalala na pala si Mang Danny (driver) sakin. Ang tagal ko daw kasi lumabas, samantalang kakatext ko lang na malapit na ko. Nakaka-touch naman, may mga tao pa rin palang concern sakin.
Pagka-uwi ko, kumain lang ako tapos nagbukas na ko agad ng laptop. Gagawa dapat ako ng homework pero nagbukas muna ako ng sss, maglalaro muna sana hehe. Pag online ko, may 2 friend requests? Tinignan ko kung sino.
Xander Castillo
Ivo Salvador
Taga ALU din nag aaral? Hmm.. Sige accept na. Schoolmate naman eh baka sabihin pa nila snob ako.
Pagkatapos kong gawin yung homework ko, humiga na ko sa kama. Nakakapagod ang araw na to, sobra. Kelan kaya ulit ako maglalaro ng volleyball? Parang gusto ko ulit itry? Haha. Ang sarap mang asar pag nakakatambak kami sa kalaban. Ang sarap magyabang, ang saya talaga sana maglaro ng volleyball. Sana makapaglaro ulit ako in the future.