Chapter Four

1305 Words
Chapter Four   Alyssandra's Point of View   Badtrip. Last subject namen P.E. Cheer Dance daw ang project namen, by the end of the semester maglalaban laban daw lahat ng first year. Baduy no? Psh. Nung malapit na magstart practice namin, bigla akong umalis. Hahaha. Ayoko ngang sumayaw. Pareho kayang kamay to paa ko. Ibig sabihin wala akong future sa ganyan. Ano ako bata? Hahaha   Papunta sana akong library para bumili ng Accounting book. Kaso natigilan ako sa paglalakad nung nakita kong may lumulipad na bola palapit at patama sakin! Gusto ko sanang ipikit yung mata ko kasi alam kong di na ko makakaiwas. Kaso ang bilis ng reflexes ko. Imbis na tumama sakin yung bola, eh nareceive ko siya using both hands. Nakalimutan ko, I used to play volleyball nga pala. At mukhang hindi pa nakakalimutan ng katawan ko kung paano maglaro.   "Miss okay ka lang ba? Nakita namin ang ginawa mo. Mukhang magaling ka sa volleyball. Gusto mong sumali sa team namen?"- tanong nung babaeng humabol sa bola "Haa? Hindi ako magaling. Marunong lang ako ng konting basic, hehe" – sagot ko naman, tagal ko nang hindi naglalaro eh. Baka hindi na kaya ng mga buto ko? Haha "Ayos lang yan, papractisin ka naman namen eh. Ano? Sali kna ah? Matutuwa nito si team captain!" – pilit nung babae "O-okay. Sige ttry ko." – hindi ako masyadong sure sa sagot ko pero napa-oo ako. "Start ka na mag try out bukas ah? Konti lang kasing sumali na 1st year samen eh. Takot sa bola yung iba. hehehe" – biro pa niya "Sige, bukas na lang. Bye" – nagpaalam na ako agad. Tama ba yun? Sasali ulit ako sa volleyball?   Hay, bahala na bukas kung ano man mangyare.   After ng isang mahabang araw. Sa wakas uwian na. Kaso paglabas ko ng room, nakita ko umuulan. Hmmm. Paano kaya to? Motor ang dala ko? Madulas ang daan, hindi kaya maaksidente ako? Kahit naman mangyare yun ok lang eh, wala namang iiyak pag nawala ako. Psh. Ang drama ko na naman.   Pero seryoso. Minsan ang hirap din magpanggap. Ang hirap magpanggap na masaya ka pero ang totoo naman, nalulungkot ka. Ang hirap maging matapang at maging mataray kung ang totoo naman talaga naduduwag ka na, nanghihina at naghahanap ng magmamahal at mag aaruga. Ang emo ko lang, pengeng blade! Psh.   Haaay. Ang tagal naman tumila ng ulan. Ako nalang yata tao dito eh. Psh.   "Oh wala kang kasama?" – biglang may nagsalita mula sa likod ko. Nilingon ko, pero hindi ko naman kilala tong lalaking to. Ako ba kinakausap niya? “Excuse me? Kilala ba kita?” – tanong ko sa kanya "Ang galing mong mang istorbo kanina sa music room tapos hindi mo pa ko kilala? Sikat ako dito sa ALU. Ikaw na lang yata ang hindi nakakakilala sakin" – nakangiti siya habang nagyayabang   "Ah, ikaw ba yun? Di ko naman sinasadyang maistorbo ka ah?" – sagot ko lang "Tsh.. if i know, sinadya mong magtago sa music room para magpapansin sakin. Haha" – hirit niya   Inirapan ko lang siya. Ang hangin nito. Hindi naman niya ko kilala tapos kung maka-asta, feeling close? "Bakit? Sino ka ba para magpapansin ako sayo? FYI wala kapa sa kalingkingan ng ideal guy ko." – sabi ko "What? Wala pa sa kalingkingan ng ideal guy mo? Eh nasakin na lahat ah? I've got the looks, the body and i also have a lot of money!" – pagyayabang pa rin niya   Gwapo siya, oo. Pero being gwapo doesn’t mean na may karapatan kang lumapit kung kani-kanino para ipagmayabang kung ano mang meron ka. That’s a big NO for me. Kaya galit ako sa mga lalaki eh. Cause they give me reasons to hate them.   “Grabe, alam mo? Signal number 3 ang dala mong hangin eh. Baliw lang yata ang babaeng magpapapansin sayo!" – medyo pikon na ko "Ikaw naman, kung makapagset ng standards ng ideal guy mo sobra sobra. Perfect guy na nasa harap mo kulang pa din? Hindi yata nag eexist yung lalaking gusto mo eh." – sabi rin niya "And so? eh bakit mo ba ko inaaway dahil diyan? Wala kana don kung above perfect ang hinahanap kong guy! Hindi naman tayo magkakilala!" – sigaw ko sa kanya   Nakakainis to. Hindi naman ako kilala pero grabe magyabang at pakealamero pa ha? The hell he cares kung hindi nag eexist yung ideal guy ko? Alam ko namang hindi talaga nag eexist dahil wala nang lalaki ngayon ang hindi manloloko. Psh.   "Grabe ka. Hindi mo talaga ako kilala?" – hindi siya makapaniwala "Hindi nga eh! Bakit ba? Dapat ba kitang makilala? Kawalan ba sa buhay ko kung hindi kita kilala? Hindi naman diba?" – pikon na ko. "Ouch! Ang sakit mo magsalita. Sige magpapakilala na lang ako. I'm Alexander Castillo, 3rd year Engineering student. Basketball player ng school. Kilala ako sa nickname na Xander." – pagpapakilala niya   "Ah, Ok." – walang ka interest interest kong sagot "Yun lang? Hindi ka man lang magpapakilala?" – tanong niya "Huwag na, pagsisisihan mo lang na nakilala mo ko. (evil smile)" – sabi ko sa kanya sabay alis   Medyo humina na kasi yung ulan. Kaya makakauwi na ko. Kaya naman na siguro yan. Iniwan ko na yung mayabang.   Xander's Point of View   Yun ba talaga ang gustong kuhanin na muse ni Ivo? For the first time ata, mali ng napiling chicks si Ivo? Sabi niya mukha daw maamo yung mukha, parang anghel daw na bumaba sa langit. Tsh. Baka naman demonyitang niluwa ng impyerno dahil pati si Satanas di matagalan ang ugali niya? Grabe? Hindi nagpakilala dahil pagsisisihan ko lang daw na nakilala ko siya? Grabe talaga. Baka siya pa sumira sa image ng team namen ah? Dapat kong makausap si Ivo tungkol dito.   Kakaibang babae ang napili niya, mukhang may sapak sa ulo. Wala pa daw ako sa kalingingan ng ideal guy niya? Eh perfect guy nga tawag sakin ng mdaming babae eh. Gwapo, matangkad, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat mayaman. Kahit sabihin pang mayaman din siya ganon ba talaga dapat kataas ang standards niya para hindi ako pumasa? Hmmm. At bakit naman ako apektado? Bat ko ba siya pinoproblema? Bahala na siya sa buhay niya! Makauwi na nga. Tsh.   Kinabukasan..   Alyssandra’s Point of View   Maaga akong pumasok para sa try out ng volleyball. Medyo malaking bag tuloy yung dala ko. Kasi madami akong dalang damit na pampalit mamaya. Start na kami ng practice. Tatlo lang kaming 1st year dito, tapos puro senior na namen yung players. Receive receive lang kami ng bola nung una, iseserve ng mga senior tapos kailangan mabalik namen ng maayos sa kanila. Naging okay naman yung laro ko.   "Alyssa, official game tayo. Magaling ka naman na maglaro eh." - sabi ni ate Chris yung isang senior volleyball player "ha? Ah sige po." – medyo hindi ko sigurado kung kaya ko nga   Nagstart kaming maglaro, kakampi ko yung 2 rin na first year. Medyo di pa sila ganon kagaling maglaro pero marunong naman sila, medyo hirap ako sa laban kasi inaalalayan ko yung 2 first year na kasama ko. Pero sanay naman ako kasi magalaw naman talaga ako maglaro eh. Lagi kong sinusundan yung bola kahit hindi naman ako ang dapat titira.     "I-set mo Arline." sabi ko sa isang first year   Nag 3 touches kami, ako ang nagspike. Pagka-spike ko.   "Owwwww!" - sigaw ng mga nanonood samin   Bakit? Baon na baon kasi yung spike. Impossibleng masagot ng kabila. Nag apir kaming mga 1st year. Hahaha. Hindi naman namin binabastos yung mga senior namin. Nag eenjoy lang kami. At sobrang nag eenjoy nga talaga ako. Namiss ko maglaro. Nanalo kaming mga 1st year laban sa mga seniors namin. Natuwa sila sa laro namin. Habang nagpapahinga, kumain muna kami sandali. Dahil talo ang mga seniors. Sila ang nagpa-merienda samin. Hehe.   After namin kumain, nag ayos na ako ng gamit at nagshower. Baka kasi malate pa ko sa fist subject ko eh.   Paglabas ko ng gym, biglang may tumawag sakin.   “Alyssandra!” – sigaw ng lalaki   Nako, wag naman sana ngayon. Baka si Gabriel yan. Pagod na ko masyado sa laro kanina. Hindi na ko makakatakbo. Naglakas loob akong lumingon.   "Ikaw?!!!!" – sigaw ko ng makita siya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD