Chapter One

1603 Words
Chapter One   Alyssandra's Point of View   "Nak, listen to me. Hindi kita iiwan kung alam kong di mo pa kaya, don't be afraid. I'll be watching over you… Sana anak, balang araw mahanap mo yung right guy for you. Hindi man naging kami ng tatay mo hanggang huli, huwag ka sanang magalit sa kanya. Mahal na mahal kita anak." --Mom   After she said that, she left me.   “Mom! Nooooo! Nooo, pleasee! No, no. Mom open your eyes! Hindi! Hindi ko kaya! Please!”   *Kriiiiing*-- (tumunog yung alarm clock)   I open my eyes. I wiped my tears as I woke up. Another nightmare, another dream. Alam ni Mom na hindi ko pa rin napapatawad si Dad, at alam niya sigurong ayaw kong patawarin si Dad. How am I supposed to do that? He left us, then Mom died. Ako nalang mag-isa tapos papatawarin ko? That’s unfair. Life is so unfair.   Nasasaktan ako tuwing maalala ko yung mga huling salita ni Mom for me, nasasaktan ako kasi hindi ko kayang gawin.   *tok! *tok!   I heard a knock on my door.   “Hija, gising ka na ba? Baka ma-late ka na sa school mo.”-Nay Minda   Si Nay Minda, yaya ko eversince. Oh no! College na nga pala ako! Shoot! I shouldn’t be late!   Ito ang masama pag umagang umaga, emote agad inaatupag eh.   I'm already here in front of the big gate of Andrei Louise University. I'm scared. What if people here didn’t like me? What if i can't find good friends here?   Haaaay. Naiistress ako. Nakakapressure mag-college.   I started to walk and look out for my room. Saan kaya banda yung IT 1-C? Hmm… Ayun! May bulletin board, thank god. As I search for my room at the bulletin board biglang may tumulak sakin.   “Ouch! What do you think you’re doing?!”-sigaw ko sa tumulak sakin   Nasubsob ako sa bulletin board! Sinong hindi magagalit nun? At ang mas ikinagalit ko pa, lalaki pala yung tumulak sakin! Anong gusto niyang palabasin? Malakas siya kaya nanunulak nalang, ganon?   “S-sorry. Nasaktan ka ba Miss?” – tanong niya   “Are you stupid?! Malamang nasaktan ako! Ikaw kaya isubsob ko sa bulletin board, duh?!” – sigaw ko ulit sa kanya. Nakakainis eh. Bwiset! Umagang umaga malas agad ako. Lahat ng lalaki nananakit. Nananahimik ako eh.   "Sorry na nga eh. First year ka din ba?" - tanong "Yeah. Do I look old enough to be a Graduating College Student?" – pangbabara ko sa kanya   Kainis, di ko pa din makita kung san yung room ng IT 1-C. Ano ba yan. Nakakaduling maghanap.   "Hindi ah! Ang ganda ganda mo kaya! Ako din first year. I'm Paul Drew Arevalo. You can call me PD ^_^" – sagot niya na nakatodo ngiti pa   Like I care naman sa buhay niya?   "....." – hindi na lang ako umimik   Medyo badtrip na rin kasi ako dahil hindi ko mahanap yung room ko, gusto ko nang yugyugin tong bulletin board na to eh, sarap sipa-sipain tapos gawing panggatong. Useless naman eh.   "Ah, AFB 203 pala ko. IT 1-C hanggang 5pm pa pala sched ko? Hmmm" – biglang sabi niya   “What?!” – sigaw ko, medyo nagulat siya   “Bakit?” – pagtataka niya   “Shetpaks. Classmates tayo. Malas” – sabi ko sa kanya    “Why do you need to cuss? Haha, you’re so funny.” – natatawang sabi niya   What?! I’m so funny daw? Kapal niya ah? Sakalin ko kaya to, kasi for me that’s the definition of fun eh. Grrrr! "Tara. Punta na tayo sa room naten." – aya niya sakin "Why would i come with you? I don't even know you mister." –pag iinarte ko naman   Kung makapag aya naman siya akala niya close friends kami? Tse!   “Sige ka, ikaw din. Pag naligaw ka, male-late ka pa niyan” – sabi niya   Napaisip ako. May point siya. “Sige na nga.” – sabi ko na na lang din   I started to walk, I followed him. No choice eh. Lakad kami ng lakad, sobrang lawak kasi nitong University eh. Kaso parang 15 minutes na nakakalipas wala pa rin, saka parang nadaanan na namin kanina tong building sa harap namin.   “Hey! Alam mo ba talaga kung san room natin?!” – tanong ko sa kanya “Oo naman!” – proud niyang sagot “Wag kang mayabang kung di mo naman talaga alam! Bwiset! Sayang oras ko sayo eh.” – sigaw ko.   Naghanap ako ng pwedeng mapagtanungan sa paligid. May nakita akong basketball player.   “Hoy ano, tanungin mo yung player dun. Baka alam niya.” – utos ko dun sa kasama kong mayabang “Bakit ako? Ikaw na, ikaw nakaisip eh” – pagtanggi niya at lalo ko namang ikinainis yun “Ikaw nagyayabang kanina, ikaw magtanong! Leche!” – sigaw ko na naman   Grabe ko ba siyang murahin? Ganon talaga ko. Para matakot siya at hindi siya maging komportable saken.   Agad naman siyang sumunod sakin, pinuntahan niya na yung basketball player at nagtanong. Pagtapos nilang mag usap, lumakad siya pabalik sakin.   “Ate” – sabi niya? “Don’t call me Ate or I’ll kick your a*s!” – pagtataray ko, tapos sabay walk out   “Wait! Miss, sorry. Hindi ko kasi alam pangalan mo. Alam ko na kung saan banda yung room natin” – habol niya   “Bilis! Saan?” – tanong ko   “Ano kasi. Ahmm. Lagpas na tayo. Tara balik na tayo” – sabi niya   Parang biglang kumulo yung dugo ko. Nanggigil ako lalo sa kanya.   “Pwedeng wag ka nang magsalita? Ituro mo nalang kung saan banda? Kasi nakakapanggigil ka eh. In fact, gusto na kitang sabunutan right here, right now.” – sabi ko, hindi ko na kaya eh.   “Y-yes ma’am!” – sagot niya tapos tahimik lang siya habang papunta kaming room   When we got there, biglang tumahimik yung mga nandoon. Why? Stunned by my beauty? Psh. Hahaha. I know, I know. Maganda ako.   Inikot ko yung tingin ko. Yung mga babae, nakatingin sa kasama ko. What’s his name nga? P.E? Psh. Whatever, I can’t remember.   Yung tingin ng mga babae kay P.E, parang sobrang lagkit. Grabe, napaka-low standard naman nila. Tsk tsk.   Naglakad na kami papasok, sa likod kami pumwestong dalawa. Don’t get me wrong, hindi kami close niyan. Amp. No choice kasi puno na halos yung room. Wala nang halos mapwestuhan.   Wala pa yung Professor namin, kaya sobrang ingay pa dito. Ang g**o, kanya kanyang kwento. Kaya napatingin na lang ako sa labas.   Ang daming students. May mga naglalaro ng sports. Haaay. Naalala ko tuloy nung buhay pa si Mom, nung naglalaro pa ko ng volleyball. I used to be the Team Captain of our volleyball team before. Pero huminto akong maglaro nung mamatay si Mom. Kasi no one would be there to cheer me, no one would appreciate every game that I will play. In short, I don’t have any inspiration. Kaya I chose to quit. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa ulit maglaro eh. Haaays.   Hindi ko namalayan habang nag eemote pa ako, naka-idlip na ko.   “Psst. Huy!” – may naririnig ako tapos may yumuyugyog sakin   “Ano ba..” – mahina kong sabi   “Uy, ikaw na next magpapakilala, gising na dali.” – sabi lang nung boses na naririnig ko   Magpapakilala? Saan? Dinilat ko yung mata ko, Shetpaks! Nasa school pa pala ako! Tumayo ako agad.   “Next” – sabi nung prof namin, ano kayang pangalan niya? Yare.   Lumakad ako papunta sa harap, hindi ko alam kung magulo ba buhok ko or what. Bahala na.   “Tell us something about yourself. Go ahead” – sabi niya “Well, I’m Alyssandra Luxelle Yvone Madrigal. 16 years old.” – sabi ko “That’s it?” – tanong nung Prof sakin “I guess? I don’t know what to say.” – sagot ko ulit “How about, let’s ask your classmates If they wanna ask something about you Miss Madrigal?” – sabi niya   What? May ganito ba kanina? Putek tulog nga pala ako.   “Sir! Sir!” – nagtaas ng kamay si P.E “Yes. What’s your question?” – tanong ni sir "What's your favorite subject?" siya "Anything related to english" ako "Where do you live?" - siya "It's a private matter" - ako "Okay, what's your favorite food?" - siya "Wala na bang ibang tanong classmates?" - ako inignore ko na siya   Ano ba to job interview? Slum note? Tse.   "Last na lang sir!" - siya "Okay, go ahead" - sir vhong "Do you have a boyfriend?" – hirit niya   Napataas kilay ko sa huling tanong niya. Kakalbuhin ko na to eh.   “Private matter again.  Sir tapos na ko. Can I sit now?” – sabi ko sa Prof namin “Yeah, sure. Thanks Ms. Madrigal.” – sagot ng prof namin.   After ng ilang oras, uwian na namin. On the way na ko at habang naglalakad, tinitext ko si Nay Minda. Someone bumped me.   “Ouch! Can you please watch where you’re going?” – sabi ko tapos pinulot ko yung phone ko na nahulog.   “Oopps. Akala ko kasi hangin ka. My Bad” – sabi nung babaeng bumangga sakin   “Yes, you’re bad talaga. Kasi pag inulit mo pa na banggain ako ng pasadya. I swear you will regret this day. Dahil hindi mo magugustuhan pag nagalit na ako.” – panggigigil ko   Nagulat yung babae, hindi niya siguro akalain na papatulan ko siya. Well, try me. May kalalagyan siya sakin. Hindi ako papayag maapi. Matapos ng pinagdaanan ko?   Pshhh natuto na kong lumaban no, after kaming iwan ni William (my father) nagpakatapang na ko.     Para maipagtanggol ko ang sarili ko. Para if ever na magcross ang landas naming dalawa maipapamukha ko sa kanya na i'm better off without him! Na naging maayos ako kahit wala siya.   Dumiretso na ko sa Car Park, bago pa ko mapa-away. Yes, may kotse ako, may driver. Hindi ako iniwan ni Mom na naghihirap. And thanks to her, I’m living a nice life. Although hindi ko masabing it’s a better life kasi ako lang, wala siya.   Pagka-uwi ko nag online agad ako para maglaro sa laptop ko, and to my surprise someone send a message to my f*******:. Hindi ko kilala kaya hindi ko binuksan. Naglaro lang ako ulit. Kaso nagsend ulit siya ng message. Kaya binuksan ko na.   From: Gabriel Gwapings   Hey, can we meet tomorrow at school? Please I'll wait for you in the library at 2pm See you!   Who's gabriel? Wala naman akong classmate na gabriel ang name?  Pano niya ko nakilala? Nahanap niya pa sss ko? Eh ALY Madrigal na nga gamet ko na name eh. Hmmm…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD