Chapter 15:

2378 Words
Pagkaalis ni Zeus ay agad siyang tumawag sa magulang. Buti naman at nakabili na ng mga ito ng cellphone at natatawagan na. "Hello anak! Hello! Hello!" aligagang boses ng ina. "Aray, Inay. Saglit lang, kapag nag-hello ka eh, isang beses lang," gagad niya. Tumawa ang ina. "Ikaw naman kasi anak, bakit naman kasi hindi ka man lang magsalita. Ano, kumusta ka naman na diyan?" tanong nito sa kaniya. "Maayos naman, Inay. Pauwi nga pala diyan ang boss ko. Marami akong pinadala para sa inyo ni Itay," turan. "Talaga anak! Naku, malamang ay matutuwa ang Itay mo nito," tuwang wika ng inay niya at nang marinig ang huni ng manok ay tiyak na dumating na ang ama. "Si Kikay ba iyan," tinig nito. "Inay, loudspeaker mo para marinig tayo ni Itay," aniya sa ina. "Naku! Buti na lamang at tinuruan ako ni Segundo na operiten itong cellphone na ito. Hala sige ito na ang Itay mo," ani ng ina. "'Nak, kumusta ka diyan? Maayos naman ba ang amo mo diyan. Kami ng Inay mo ay mabuti naman. Itong Inay mo eh, medyo nabawasan na ang pagiging sugadora—" ani ng ama ng tila agawin ng ina ang cellphone. "Ay, naku! Sa dami ng sasabihin mo eh, iyon pa talaga. Ako na nga lang makikipag-usap!" agaw ng ina. "Naku, anak pagpasensiyahan mo na ako. Eh, sinusubukan ko namang huwag nang magtong-its at majong pero minsan ay kinakati pa rin ang palad ko. Hayaan mo paunti-unti," ani ng ina. Napangiti siya sa sinabi nito. Kahit papaano ay magandang sign iyon para mabawasan na ang pagsusugal nito. "Oh, kailan nga pala ang dating ng amo mo anak?" pag-iiba ng ina sa usapan nila. "Ah, bukas po ng gabi diyan sa Pilipinas mga alas otso ng gabi. Sinabi kong sasalubungin niyo siya sa airport," turan sa ina. "Naku, Inay. Bumili na ako ng lotion na hindi natin mabili-bili noon para pumuti ka na. At kay Itay ay bumili ako ng isang dosenang branded na brief niya para hindi na siya mahihiyang maghubad kapag lumulusong sila sa ilog ng mga kaibigan kapag nangingisda sila," excited na turan. "Aba, anak bakit ang Itay mo lang ang may branded na brief," tila tampo ng ina. "Bakit Inay, gusto mo rin ba ng branded na brief?" tawang tanong dito. "Ikaw talagang bata ka! Siyempre ung pambabae," nakatawa nito. "Of course naman, Inay. Ikaw pa ba mawawalan. Meron kang Victoria Secret na panty and bra, may nighties pa. Isuot mo kapag nag-loving-loving kayo ni Itay, ehhhhhh!" panunukso rito. "Magtigil kang bata! Baka, magkaroon ka ng kapatid na wala sa oras," hagikgik ng ina na tila kinikilig. "Naku, itong Inay mo kay tanda na eh, umaaringking pa rin," dinig na puna ng ama. "Ikaw talaga, Tasyo panira ka! Oo na, maswerte ka nga at pinatulan kita!" sikmat naman ng ina sa ama. "Opppssss! Awat na, basta bukas Inay, salubungin niyo si Sir Zeus sa airport. Huwag kayong mahuhuli. Dapat alas siyete y medya ay nasa airport na kayo dahil dederetso siya sa Pampanga," paalala sa magulang. "May pinadala rin akong imported na maling at corned beef tapos tsokolate," masayang wika sa mga ito. "Naku, anak. Maraming salamat," ani ng ina. "Naku, Inay kapag nakaipon po ako ng malaki ay ipagtatayo ko kayo ng malaking bahay," dagdag pa niya sa pangarap para rito. "Salamat anak, hindi ko inaasahan na makakapunta ka ng Aremika anak," ani ng ina. "Inay, talaga. Amerika, Inay. Basta, gagawin ko ang lahat upang umayos ang pamumuhay natin," aniya saka nagpaalam na dahil mahal na ang tawag niya. Pag-apak sa Pilipinas ay agad siyang napasinghap. Iba ang feeling kapag nakabalik ka sa bayang iyong kinalakihan. Ibang-iba man sa Amerika ay hindi pa rin niya maiiwasang mangulila sa lugar na kumalinga sa kaniya ng dalawang dekada. "It's so nice to be back," aniya ng makalabas ng arrival area saka naalalang makikilala pala roon ang magulang ni Kikay. Agad siyang sumipat sa mga taong naghihintay ng mga mahal sa buhay. Sinipat ang relo at napangiti na lamang. Oras sa Amerika iyon. Wala siyang nagawa kundi ang lumingon-lingon hanggang sa makita ang isang malaking plaka na tinataas ng isang lalaki. Natatakpan ang mukha nito sa malaking plaka at nakasulat doon ang kaniyang buong pangalan. 'Welcome home, Sir Zeus Zedrick Carlson.' Basa sa nakasulat sa malaking plaka. Hila ang luggage ay lumapit siya rito. "Hello po," bati sa Aleng nasa tabi ng lalaking may hawak na plaka. Luminga-linga pa ito. Maya-maya ay papalapit naman ang isang matandang lalaki. "Landing na daw ang eroplano ng Sir ng aking si Kikay," anito. Kay kumpirmadong ito nga ang kukuha sa pinadala ni Kikay. "Hello po," ulit na turan. "Hello, hijo. Pasensiya ka na ha may hinihintay kasi kami," ani ng Ale saka lumingon-lingon. "Hmmmmm," tikhim niya. "Mukhang ako na po kasi ang hinihintay niyo. Ako po si Zeus," aniya. Doon ay binaba ng lalaking may hawak ng plaka at nakita ang mukha nito. Agad na nakilala ang lalaki. Ito ang lalaking naghihintay kay Kikay, si Segundo. "Ikaw si Zeus?" maang na tanong nito. "Ikaw ang alaga ng anak ko?" ani ng Ale at nang tila magrehistro sa utak nito na minsang nakita siya sa videochat ay napangiti ito. "Ah, ikaw nga. Naku, Sir pasensiya na at medyo makakalimutin na ako," paumahin ng ina ni Kikay. "Okay lang po," aniya nang muling tumingin siya kay Segundo ay matiim itong nakatingin sa kaniya. Guwapo rin ito medyo sunog lang ang balat. "Kumusta naman ang aming anak sa Amerika, hijo?" tanong ng ama ni Kikay. "Maayos naman po siya doon. Miss na miss na po kayo," aniya sa mga ito. Nakitang naiiyak ang ginang. "Miss na miss na rin namin siya. Ngayon lang nalayo sa amin ang batang iyon," anito. Ramdam niya ang pangungulila sa tinig nito. "Ganoon po ba?" wika. Inabot dito ang kaniyang luggage na ang lahat ay pasalubong ni Kikay. Ang dala lamang ay ang hand carry bag niya na naglalaman ng ilang pirasong damit at personal na gamit. "Sa amin ba lahat ito?" tanong ng ama ni Kikay. Ngumiti siya. "Naku! Ang anak ko talaga, pasensiya ka na, hijo. Pinagbitbit ka pa niya," ani ng matanda. "Naku, wala po iyon. Tiyak kasi na makakatikim ako kay mama kapag hindi ko binitbit iyan. Anyways, sasabihan ko po kayo kung kailan ako babalik. Kung may ipapadala kayo kay Kikay ay ilagay niyo na lang din diyan," aniya sabay ngiti sa mga ito. Hindi sinasadyang napatingin siya sa lalaking may hawak ng plaka na ngayon ay nakababa na. Tila nakamasid ito sa kaniya. Nang maghinang ang mga mata nila ay nakitang mahal nga nito si Kikay at tila banta siya sa paningin nito. "Ako na po ang hihila, Itay," wika nito sabay kuha sa ama ni Kikay ang maleta. Mukhang close na close nga ang lalaki sa magulang ni Kikay. "Salamat, hijo sa pagdadala nnag padala ni Kikay. Saan ba ang uwi mo niyan?" tanong pa ng ina ni Kikay. "Sa Pampanga po. Hahabol po ako sa engagement ng kaibigan ko," turan sa mga ito. Kung papalarin siya ay mga alas onse or alas onse-y-medya ay naroroon na siya. "May susundo ba sa'yo o gusto kong ihatid ka na namin sa terminal ng bus. May dyip kaming inarkila," alok pa ng ginang pero tumanggi na siya. "Salamat po pero hindi na po. May sundo po galing sa hotel na tutuluyan ko. Maraming salamat po," tugon sa ginang. "Ganoon ba. Salamat din, hijo. Bueno ay mauna na kami. Naku! Tiyak ay traffic ang papunta ng Cavite," turan pa nito saka muling nagpasalamat. Nang makitang nakalayo na ang mga ito ay agad na tinungo kung saan nakaparada ang service car ng hotel na tutuluyan. Pagkasakay ng service car ng hotel na tinutukuyan ay agad siyang nagpahatid sa binigay na address ni Joe sa kaniya. Sa bahay daw ng babae gaganapin ang engagement party dahil ang mga kaibigan daw mismo ng babae ang nagtulong-tulong para sa gaganaping party. Bilang regalo na rin daw sa nalalapit na kasal ng kanilang kaibigan. Dahil isa't kalahating oras o dalawang oras ang biyahe ay nagpasya muna siyang magpahinga. Hindi niya namalayang naidlip na siya. Naalimpungatan na lamang siya ng makitang papasok na sila sa isang magarang subdibisyon sa lungsod na iyon. Malalaki ang bahay na nakikita at halatang maykaya ang nagmamay-ari noon. Sa dulo ng helera ng malalaking bahay matatagpuan ang nagniningning na bahay. Mukhang iyon na nga ang bahay na pinagdadausan ng engagement ng kaibigan. Pagbaba ng service car ay napangiti siya. Malakas ang sweet na tugtog na nagmumula roon. Nakikitang napupuno ng puti at pulang lobo ang kapaligiran. Excited na siyang makita ang mga kaibigan kaya agad na hinanap ang mga ito. Nakita naman agad ang mga ito. "Hon, meet one of my bestfriend, Xian since Zeus wasn't here," dinig na turan ni Joe kay Xian. Hindi niya makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa gawi niya. "Who said that I won't make it," biglang turan niya sa likod nila. Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. "Zeus," sabayang bigkas nila Xian at Joe. "Akala niyo 'di ako darating ah," turan niya habang buhat-buhat pa ang maliit na traveling bag. "Look who's going to tied up," aniya sabay baling sa babaeng mapapangasawa ng kaibigan. Nang makita ang magandang mukha nito ay natigilan siya. Napalunok at hindi malaman ang gagawin. Papaanong naroroon si Kikay. Bumaling ang tingin kila Joe at Xian. Si Joe ay nakangiti at si Xian ay katulad niya ay may disbelief sa mga tingin. "Hey, Bro. Since naririto ka na. Meet my fiancée, Althea Robles. Hon, this Zeus my bestfriend too," pakilala sa kaniya nito. "Hi, Zeus, nice too meet you too. Glad you make it," anito na fluent ang pag-English. Atubiling inabot ang kamay nito. Malambot ang kamay nito na tila ba hindi gumagawa ng gawaing bahay. Napaka-impossibleng si Kikay ito pero bakit nito kawangis ang babaeng mapapangasawa ng kaibigan. Mukhang mayaman ito at bakit si Kikay ay kailangan pang maghirap. Punong-puno ng pagtatanong ang isipan kaya lumayo muna siya. Umupo sa gilid at nagmasid na lamang. Nakitang nilapitan ito ni Xian. Napapansin niya rin ang palagiang pagtitig ni Xian sa babae. Tila nag-uusap ang mga ito. Xian looks so strange while the girl was just too happy for her and Joe. "Bro, are you okay?" tinig sa kaniyang likuran. Si Joe na papalapit sa kinauupuan. "Yup, I'm good bro, congrats. Mukhang masayang-masaya ka," puna sa kaibigan na hindi mapuknat ang ngiti sa labi. "Nasabi mo pa, Bro. Finally, I'm settling with the girl, I love. Hindi ko nga akalain na magiging ganito kami. First, I remember eh, sinipa lang naman niya ang balde ng mop ni Mang Rudy, then here we are. Para kaming aso't pusa sa eskuwelahan dahil napakapasaway niya. If you don't know, akalain mong nilagyan niya ng maraming glue or mighty bond ang upuan ko noon para gantihan ako sa pagpapahiya ko raw sa kaniya. You know what happen?" pambibitin pang kuwento nito. He was curious. The woman seems like Kikay attitude also. "What?" aniya para ituloy na ng kaibigan ang kuwento nito. "Hindi ako makatayo sa upuan ko at hinintay ko pang matapos ang unang klase ko para makaalis sa upuang iyon. Nabutas ang pantalon ko at nakita nito ang batman kong brief," natatawang wika nito. Kung ito ay tawang-tawa siya naman ay talagang napapaisip kung sino si Kikay. "Good to hear, Bro. I know that you're happy. I am happy for you," turan niya. Tinapik nito ang kaniyang balikat. Saka nagpaalam at nilapitan na ang mapapangasawa nito na kasama ni Xian. Nagbulungan pa ang mga ito na kinakunot ng noo ni Xian. Muling naalala si Kikay. Ang pagiging kalog nito, maging ang mga minsanang halikan nila. Nang yapusin ni Joe ang baywang ng babaeng kamukha ni Kikay ay tumayo na siya. Agad na lumapit sa mga ito at nagpaalam na siya. Sinabing medyo pagod siya sa biyahe. Ngunit bago noon ay humirit pa ang mga ito ng mga larawan. Agad siyang nagpakuha kasama si Althea. He requested for it kasi gusto niyang makita ang reaksyon ni Kikay kapag pinakita niya iyon. Pagkalabas ay agad na nilabas ang cellphone niya. Buti na lamang ay nakabili siya sa loob ng airport ng simcard at agad na tumawag sa kaniyang Mama. "Hello, anak. Kumusta? Ano nakarating ka ba sa engagment ni Joe. How are they?" agad na bungad ng ina. "I'm okay, Mom. Can I talk to Kikay?" turan agad. "Kikay is out," ani ng ina. "Out? Where?" gilalas niya. "Grabe ka makasigaw, anak. Nasa labas kasama ni Kelly," giit ng ina. "What?" bulalas ulit. "Bakit mo ba hinahanap si Kikay. Don't tell me na-miss mo agad siya," tudyo ng ina. "Anak ha, tell me. May gusto—" "Mom," sabad sa panunudyo nito. "Okay, fine! So, bakit mo nga siya hinahanap?" ulit ng ina. Napabuntong-hininga siya. "I saw a girl look like here," turan sa ina. "Whaaaaatt?t!" Maya-maya ay ang mama naman niya ang napagilalas. "I know, it's not Kikay. Kasi impossibleng makakalipad si Kikay pauwi agad. That's why I want to make sure she's there," aniya sa ina. "Of course she's here. They just went out for about an hour ago," ani ng ina. "Okay, Mom, gonna call Kelly then," aniya saka nagpaalam sa ina. Mabilis na kinuntak ang kapatid at buti na lamang at agad itong sumagot. "Hello, this is Kelly speaking," anito. "Hi, sis! I just called Mom and she told me that you're with Kikay," aniya sa kapatid. "Zeus?" "Yah. Are you with her?" aniya rito. "Yes, wait I'm going to pass the phone to her," anito. Maya-maya ay boses na ni Kikay ang naririnig. "Hello, Sir, kumusta kayo diyan? Naku, kakausap ko lang ang mga magulang ko. Salamat pala sa mga padala ko. Tuwang-tuwa sila," tuloy-tuloy na turan nito. Nang mapansing tahimik siya ay tumahimik din ito. "Hello, Sir. Okay ka lang ba?" untag niya. Ngumiti si Zeus. "Ah, oo," aniya. "Oh, bakit mukhang natatawa ka yata?" tanong niya. "Wala lang, masama bang tumawa," aniya. Natuwa talaga siya dahil hindi ito ang babaeng pakakasalan ni Joe ngunit kailangan niyang malaman kung bakit kawangis ito ni Althea Robles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD