Napalunok si Zeus nang gumapang ang mainit na sensasyon gawa ng pagkakahawak ni Kikay sa kaniyang hita. Hindi niya napaghandaan ang pagkakadapo ng palad nito.
's**t! Ganoon na ba ako katagal na walang babae para maging ang simpleng hawak ni Kikay sa akin ay mag-init ako?' maang na anas sa sarili.
Matapos ng isiping iyon ay napangisi siya. Naalala niya. Mag-aapat na buwan na nga pala mula ng ipagpalit siya ni Alexis sa isang lalaki. Muli ay napabilis ang pagpapatakbo niya gawa ng binuhay na galit sa dibdib sa isipin patungkol sa kaniyang ex-girlfriend.
Muli ay napabaling si Kikay sa lalaking nasa harap ng manibela. Muli na namang bumilis ang pagmamaneho nito. Pagtingin sa mukha nito ay nabanaag ang galit roon. 'Ano naman nangyari sa lalaking ito, kanina nang-aasar ngayon naman ay galit!' inis na turan sa sarili.
"Sir," tawag ng pansin sa amo niya. Ngunit wala siyang nakuhang tugon mula rito.
"Sir!" muling tawag. Ngunit gaya noong una ay tila wala itong narinig at titig na titig sa daan at mukhang galit pa rin ang ekspresyon nito.
"Sirrrrrrrrrr!" malakas na turan rito.
"What?!" gulat na saad ni Zeus nang marinig ang malakas na palahaw ni Kikay na dinaig pa ang serena ng bombero. "What?!" gigil na uit na baling dito.
"Hala! Grabe ha! For your information, Sir. Kanina pa kita tinatawag. Lumampas na po kayo eh. Dapat kanina pa tayo nakauwi. Paikot-ikot tayo," gigil ding turan dito.
Tila nagising naman si Zeus at napamaang na lamang ng mapagtantong lumampas na nga sila at saktong nasa round about sila at nakatatlong ikot na yata sila.
"Okay, sorry," agad na wika para matapos na saka muling pinausad ang sasakyan niya.
"Sorry lang! Sorry lang! Dapat ngayon ay nakahiga na ako sa kama. I'm so tired tapos ikot-ikutin mo lang ako rito. Kung kanina najejebs ako, ngayon naman nahihilo na ako. Bakit ba mukhang Biyernes Santo ang mukha mo?" hindi mapigilang tanong dito. Wala naman siyang naisip o nasabi para ikagalit nito. Actually ay ito nga ang nang-aasar sa kaniya kanina.
"None of your business," napipikon na turan ni Zeus.
"Business? What business? Kung galit ka eh, dapat hinayaan mo nang si James ang maghatid sa akin. Kakainis ito gamitan pa ako ng business," talak kay Zeus. 'Business lang pala, I have business. Isaw-isaw business,' natatawang wika ng maalala noong nagtinda-tinda sila ng ina ng isaw-isaw kung saan nabangkarote rin sila dahil ginawa rin namang manjongan ng ina ang bahay nila at bawat yata tayo ng ina eh, may isaw din sa bunganga.
Hindi na pinatulan ni Zeus si Kikay dahil tiyak na kung hindi siya titigil ay hindi rin titigil ang bunganga nito. Napapailing na lamang siya. Nang makagarahe sa harap ng bahay nila ay agad itong bumaba at uminat.
"Goodnight, Sir!" ani ni Kikay saka mabilis na pumasok. Naiwang natitigilan si Zeus.
"Pssssst!" sitsit kay Kikay.
Narinig ni Kikay ang sitsit ng among iniwan. Agad siyang lumingon. Nakitang nakapamulsa pa ito at nakangisi na ito. 'May saltik yata ito. Kanina galit, ngayon may pangisi-ngisi pa!'
"Ganoon na lang ba iyon? Wala naman lang thank you?"
"I said goodnight, duh!" aniya na panggagaya sa ekspresyon ni Kelly kapag inaasar ito.
Napataas kilay ito sa sinabi. "Stop imitating Kelly's expression," anito na may halong inis kaya mas lalo niya itong ininis.
"Duh!" aniya sabay taas pa ng kilay.
Napatawa siya sa nakitang mukha ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit inis na inis ito. Gusto lang naman magsalita using Kelly's intonations, the way she talk. "I told you. Stop it," mahinang wika nito.
"No!" aniya na nakangiti.
Hindi malaman ni Zeus kung bakit tila nakukuha ni Kikay ang kaniyang pansin. Hindi na sana niya ito tatawagin ng makitang mukhang pagod na pagod ito. Ngunit nanaig ang kagustuhang makasama pa ito, masaya siya kapag kasama ito kahit tila gustong-gusto siya nitong inisin tulad ngayon. Tuwang-tuwa ito kapag naiinis siya kapag ginagaya nito ang pananalita at ekspresyon ng mukha ni Kelly.
"I told you. Stop it!" awat kay Kikay.
"Eh, kung ayaw ko," anito.
"Ah, ganoon?!" aniya saka dere-deretsong hinawakan ang baywang nito saka siniil ng halik.
Tila naiduyan sa kinatatayuan ni Kikay ng malasahan ang masarap na labi ni Zeus. Nang tila mapuputulan ng hininga ay saka lamang siya binitawan nito.
Hindi malaman ni Zeus kung bakit niya nagawang halikan si Kikay. Gayun pa man ay wala siyang pinagsisishan dahil sa paghalik dito ay tila hindi na ito nakaimik at ituloy ang pang-aasar sa kaniya. "That's what you get, kapag hindi ka nakikinig sa akin," aniya ng makabawi.
'Hay, Kikay! Asarin mo kaya ulit para muli kang halikan. Ang sarap!' tili ng utak niya. "Hmmmm!" tikhim upang tanggalin ang bikig sa kaniyang lalamunan. "Okay, Sir, matutulog na po ako," paalam dito. Pagkatalikod ay napangiti siya ng matamis.
Pagkaakyat sa hagdan ay agad na tinungo ang silid. Pagkasara ng pintuhan ay agad na nag-dive sa kama saka humilata saka tumingin sa kesame habang hawak ang labing hinalikan ni Zeus.
Guwapo ang amo at kahit sinong babae ay mahuhumaling dito at isa na siya sa babaeng iyon. Hindi niya napigilang mahulog ng tuluyan ang puso. Pinikit ang mata at ilang ulit na naglalaro sa isipan ang guwapong mukha ni Zeus.
Matapos siyang iwan ni Kikay ay nagpasya na rin siyang umakyat at magpahinga ng makatanggap ng tawag. Mula iyon sa kaibigang si Joe.
"Hey, bro! Wazzup! Balita ko ay maayos ka na sabi ni Tita. I call this morning pero mukhang busy ka si Tita ang nakasagot," masayang tinig ng kaibigan sa kabilang linya.
"Yeah, I'm good, Bro. So, I guess alam ko na kung bakit ka napatawag," aniya dahil nauna nang tumawag si Xian.
"Yup! And I'm expecting you to be there. Alam mo namang kayo lang ni Xian ang tinuring ko nang kapatid at gusto kong naroroon kayo sa araw na mahalaga sa akin," pangunhulit ng kaibigan. Mukhang wala itong balak tigilan siya hanggang hindi siya pumapayag.
"Not so sure but I try," tugon niya saka tumingin sa pintuhan ng silid ni Kikay.
"Don't just try. Bro. Do it, kung hindi ay magtatampo ako sa'yo," anito na kinatawa niya.
"Hindi bagay sa'yo ang magtampo, Bro," saad niya.
Tumawa na rin ang kaibigan. "We'll asahan mo na ring hindi ako dadalo kapag engagement mo," ganti nito.
Nagtawanan silang dalawa. "Sure!" aniya saka muling tumingin sa pintuhan ni Kikay. Magkatabi lang kasi ang silid nila at hindi pa siya pumapasok sa silid.
Matapos silang magpaalamanan ni Joe ay isang lingon pa ang ginawa sa pintuhan ni Kikay saka pumasok sa silid. Hindi niya napigilang ngumiti ng maalala ang halik niya kay Kikay.
He finally decided to attend to his best friend engagement. Malihim ito at ayaw ipakita kahit picture nito para daw makilala nila ito ng personal. Kaya hanggang ngayon ay hindi alam kung anong hitsura ng babaeng nakabihag rito.
Kinabukasan sa hapag ay agad na sinabi sa kaniyang Mama ang kaniyang pasya. "That's good, hijo. Mabuti naman at naisipan mong magbakasyon sa Pilipinas. Para naman makapagpahinga at makasama ang mga kaibigan mo. Tignan mo si Joe, mag-aasawa na," turan ng ina na tila pinaparinggan siya.
"Tortang talong on the way, pritong tapang boneless bangus coming up!" masiglang boses ni Kikay na papalapit sa kanila. Agad siyang napatingin rito at nabungaran ang simple ngunit magandang mukha nito.
"Maganda po ba?" tanong ni Kikay ng mailapag ang dalang tray sa mesa sa nakatinging si Zeus. Doon ay agad itong nagbawi ng tingin.
Napahiya si Zeus doon. Hindi naman niya lubos isiping mamamagneto siya ng ganda ni Kikay. "I mean masarap po ba ang niluto ko?" bawing tanong ni Kikay.
Hindi nakasagot si Zeus. "Yes, it's delicious, hija," tugon ng Papa ni Zeus na nawili na sa pagkaing Pinoy. Ngumiti si Kikay ng marinig ang sinabing iyon ng ama ni Zeus.
"Thank you, enjoy your food," aniya sa mga ito.
"No, hija. Stay here and eat," awat na turan ng Mama nito.
"Yes, Tita. I shall return. Kukunin ko lang ang aking sawsawan sa bangus. Hindi iyan masarap kapag walang espesyal na sawsawan," nakangiting wika niya saka mabilis na bumalik sa kusina.
Napapailing na lamang ang kaniyang Mama sa kakikayan ni Kikay. Ito ang magdala ng saya sa kanilang bahay. Mula ng dumating ito ay umingay na ang tahimik na bahay.
Nang makabalik si Kikay ay umupo na ito sa tabi niya. Tumingin muna ito sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin. Pasimple itong nag-sign of the cross. Gusto niyang mapatawa. Nakitang pumikit pa ito at pinagsilahop ang palad.
Nang matapos itong magdasal ay agad na sumubo ng niluto nitong sinangag at ang pritong tapang bangus. Maganang-magana ito nang marinig ang sinibi ng kaniyang Mama.
"So, kailan mo balak umuwi sa Pilipinas anak?" tanong ng kaniyang Mama.
Nanlaki ang mata ni Kikay ng marinig ang sinabing iyon ng mama ni Zeus. Halos mabilaukan siya ng mabilis na nilunok ang nasa bibig. "Uuwi ka ng Pinas?" gagad kay Zeus.
Nakita sa mata ni Kikay ang pangungulila sa Pilipinas. Hindi tuloy siya nakasagot dito.
"Oo, hija, engagement kasi ng matalik niyang kaibigan. Para naman makapagbakasyon na rin," sabad ng kaniyang Mama.
"Talaga?!" Pinilit pinasaya ni Kikay ang mukha. Sa totoo lang ay miss na miss na niya ang Pilipinas pero alam naman niyang hindi ganoon kadali lalo pa at mag-lilimang na buwan pa lamang siya roon.
"May ipapadala ka ba sa Inay at Itay mo, hija? Ayusin mo na para madala nitong si Zeun," turan pa ng kaniyang Mama.
"Naku, meron Tita. Tiyak na matutuwa ang Inay at Itay ko nito," masayang turan saka pinagpatuloy na lamang ang pagkain.
Matapos silang kumain ay agad na nagligpit si Kikay. Tinulungan siya ni Zeus na dati naman nitong ginagawa. Nang mailagay nila lahat ang plato sa dishwasher ay agad siyang bumaling rito. "Uuwi ka ba talaga?" untag niya sa tahimik na lalaki.
"Oo, bakit? Gusto mo bang sumama?" aniya na nakangiti. Tutal ay inasar siya nito kagabi kaya ito naman ang aasarin niya.
"Puwede ba?" ngiting diga nito.
"Pwede rin naman. Bumili ka ng ticket mo," aniya rito.
"Grabe siya, libre mo na ako," angal ni Kikay.
"Ayoko nga. Ang mahal ng ticket lalo na at season ng uwian ngayon dahil December," dagdag ni Zeus. Nakitang bumusangot si Kikay.
"'Di bale, magpapadala na lamang ako sa'yo," ngiting bawi sa lalaki.
"Ayaw ko ngang magbitbit!" angal pa rin niya rito.
"Grabe! Lahat na lang, isusumbong kita sa Mama mo?" wikang pairap sa lalaki.
Tumawa si Zeus. "Asar talo ka rin pala. Lakas mo mang-asar kagabi tapos kapag ikaw inasar eh—" napatigil siya nang makitang nakatitig lang si Kikay sa kaniya.
Nang ipaalala ni Zeus ang pang-aasar nito kagabi ay naalala niya ang pinagsaluhang halik. Kaya hindi niya naiwasang pagmasdan ang paggalaw ng labi nito. Ini-imagine pa niya ang malalambot na labi at kay sarap halikan.
Hindi malaman ni Zeus kung bakit tila nabato-balani si Kikay at nakatitig lang sa kaniya. "Kikay!" tawag dito.
"Ay, Kikay!" mabilis na sabad. "Ano ka ba? Bakit ka nanggugulat?" mabilis na salag ni Kikay.
"Nagulat ka pa sa lagay na iyan? Tinatanong kita kung ayos ka lang ba?" untag ni Zeus.
"Oo, ayos lang ako," aniya saka bumaling sa iba.
Matapos ng dalawang linggo ay tuluyan ng uuwi si Zeus sa Pilipinas. Gaya ng sinabi ni Kikay ay nagpadala nga ito at halos buong laman ng kaniyang maleta ay padala ni Kikay. Tutal ay isang linggo lamang siyang maglalagi sa Pilipinas. Babalik na kasi siya sa trabaho niya sa susunod na buwan.
Hindi na siya nagpahatid sa magulang sa airport kaya sa bahay pa lamang ay nakitang tahimik si Kikay. "Huwag mo ako masyadong isipin. Babalik din ako," ang pasaring na biro rito.
"Hindi ikaw ang iniisip ko noh. Iyang padala ko. Nawa ay makarating ng ligtas," irap niya rito. 'Herodes na ito, gusto pang ma-miss ko,' aniya sa isipan.
Tumawa si Zeus. "Tutal ay hindi mo ako makikita ng isang linggo lang naman. Mag-relax ka na muna," dagdag pa na ng iinis.
"Talaga! Walang asungot," aniya pero nalulungkot dahil mag-isa na lamang siya kapag naalis ang mag-asawa.
Paghila ng maleta niya ay halos hindi niya magalaw. "Grabe, ano ba itong padala mo Kikay?" angil niya rito.
"Secret! No worries, walang laglag bala diyan," aniya saka tumawa. Umiling na lamang si Zeus saka tuluyang humalik sa magulang.